Chapter 30

212 6 0
                                    

Chapter 30

Calm before the Storm

"I'll be right there after my meeting, Val. Tell Vog to calm down." I patiently said in a hush voice.

Nasapo ko ang aking ulo pagkaupo sa swivel chair na nakalaan para sa akin. Dama ko ang nag-iinit na mga tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa conference room. We are having an important presentation as of the moment when Vitalis made my phone ring! That man is getting on my nerves already.

"Kosmos will fetch you from there, Ena. Be—"

Mahina kong nahampas ang babasagin na mesa sa harap ko. "I brought my car—"

"Just finish the meeting, sis." He said before hanging up on me. My jaw dropped in annoyance as I stared at my phone. Talagang sinusubukan ako ng matandang Vitalis Andreadis na ito!

Isang malakas at tila nagpaparinig na tikhim ang narinig kaya naman muli kong hinarap ang mga investors na kasama ko sa silid. My secretary discreetly hid her smile when I started to apologize awkwardly.

Dahil sa hiling ko na bilisan ang daloy ng meeting ay maaga itong natapos higit pa sa inaasahan naming lahat. The foreign investors greeted me and congratulated me for a job well done up to this month. My secretary, Leanne, lend her scribble notes for me to review. Nakasunod si Leanne sa akin hanggang sa pagpasok ko sa aking opisina.

"That's my last appointment for today, or I hope so?" I wearily asked, taking off my coat and placing it on the armrest, revealing my white bodycon tube dress which has a long slit flaunting my right leg.

Kinuha ko ang personalized mug sa aking desk at tinungo ang mini-kitchen ng aking opisina upang makainom ng kape. The sound of my heels in every step I took is loudly heard. Behind me were Leanne's footsteps while she is reciting my schedule for tomorrow.

"I forgot something..." Natigilan ako sa pagtimpla ng aking kape at hinarap siya. "Can you call Kosmos for me?"

She suddenly looks flushed when she heard my cousin's name. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa pinsan ko na si Kosmos. It made me feel sorry when I told her that my cousin was already married to a Leventis.

"What do you want me to tell your cousin, Madame?" She attentively asked.

"Tell him to send me the reports I tasked him. Tell him, I need it as soon as possible, can you?" I sweetly requested her.

Tumango ito at nagpaalam na aalis na. Naiwan ako mag-isa sa napakalaking opisina ko at hinayaan ang sarili na matulala sa kaharap kong pader habang umiinom ng timpla kong kape.

Sa loob ng anim na buwan, matapos kong piliin na tanggapin ang pamilya ni Mama, ay nananatili ako rito sa Gresya. Si Kosmos ang nagkusang maging kanang kamay ko sa lahat ng bagay. He introduced me to their relatives living in Greece. Siya ang tagasalo sa mga pagkakamali ko noong nangangapa pa lamang ako sa kompanya nila. Kahit noong panahon na hiyang-hiya ako sa kaniya dahil alam kong abala siya sa kasal nila ni Kai ay nagawa niya akong puntahan sa opisina ko upang tulungan akong lumutas ng mga problema sa kumpanya na kapag nakarating kay Grandma Atlanta ay paniguradong ikagagalit niya pa.

Kai and Kosmos got married three months ago here in Greece. Umalis ito pansamantala ng bansa upang mag-honeymoon sa Hawaii at kababalik lamang nila noong nakaraang buwan. Habang abala si Kosmos sa kaniyang asawa ay si Virgo ang madalas kong nakakasasama. Vitalis holds him in his neck to be nice to me. Nagkakasundo naman kami kahit paano.

Virgo's twenty-fourth birthday party, planned by the whole Andreadis, will start at midnight. Ayon kay Vitalis ay hindi na raw mapakali si Virgo nang hindi ako nakikita dahil nangako ako na magiging host ako sa party niyang iyon.

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon