Simula

2K 26 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin. 

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 1: MADLY

Simula

How can we say if love is madness? Is it when you are both in love with each other? Is it when you are both so into each other that you forgot that love is not all the good feeling?

Or maybe if both of you is ready to be the future of each other?

Or if both of you is drowning and all you could feel is love? Or pain?

I was once madly in love. I gave everything I could give. I gave all the love I could give. Pero bakit ganoon? Bakit ganito ang kinalabasan? Bakit lumipas man ang mahabang panahon, nagmamahal pa rin ako sa parehong tao na sinaktan ako?

Is this madness? Why am I still in love with the same person even if I can't have him?

If I am to be asked, this is how we should define love in madness.

Kayang kaya pa ring magmahal sa parehong tao kahit nasasaktan.

He was once mine but maybe, being madly in love is not enough for the both of us.

Siguro nga, hindi kami ang para sa isa't isa kahit gaano pa nakakabaliw ang pagmamahal na ibinigay naming dalawa.

Umihip ang hangin nang makababa ako sa eroplano. Isang ngiti ang iginawad sa akin ng flight attendant bago ako tuluyang nakababa ng hagdanan nito.

Home. Finally, home.

Muli ko na namang nasasagap ang hangin ng Pilipinas. Matagal din akong nagtago. Ilang taon din akong tumakas mula sa pagkalunod pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala ang sakit na ilang taon ko nang gustong kalimutan. Hanggang ngayon, narito pa rin ang kirot na pilit kong ibinabaon para lang ipakita sa kanilang ayos na ako. Na kaya ko na kasi ilang taon na 'di ba?

Gusto kong ipakita na kayo ko ring umusad katulad nila... katulad niya...

What happened in the past years? What happened when I was gone? Maraming nagbago 'di ba? Alam kong siya ay nagbago na rin. Pati nararamdaman niya, nagbago na. May bago na nga e. Ikakasal pa yata.

Sa aming lahat, ako lang yata iyong hindi umusad dahil nandito pa rin ako. Hindi pa rin makausad sa sakit ng nakaraan. Pilit pa ring binabalikan ang nakaraan na kailanman ay hindi ko na maibabalik.

It is not okay for me to come back. Kung ako ang papipiliin, hindi ako babalik. Doon na lang ako sa Australia at tahimik na masasaktan habang tahimik ding umuusad. Pero siyempre, may mga responsibilidad akong naiwan dito. I ran away from the responsibilities that my name has put on my shoulder.

Kung hindi lang talaga dahil sa trabaho, hinding-hindi siguro ako babalik ngayon.

Nakalabas ako ng airport nang matiwasay. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang hangin na ilang taon ko ring hindi naramdaman. Kasing init ng mga yakap at halik niya dati. Kasing init ng pagmamahal na ibinigay niya sa akin dati.

"I miss you, Philippines," I whispered through the wind. Sumabog iyon sa aking mukha na tila muli akong tinatanggap.

Sana ay ganitong init rin ang maramdaman ko mula sa kaniya.

Lumingon ako sa paligid ko upang hanapin ang pamilyar na lalaki na nagsabi na siya ang susundo sa akin. Nang hindi matagpuan ng mga mata, kinuha ko ang aking cellphone mula sa sling bag na aking dala saka ito tinawagan.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon