Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 1: Madly
Kabanata 2
Kinabukasan ay maitim ang ilalim ng mga mata ko. Bukod sa nag-aral ako para exam, inisip ko rin ang halik ni Guhit sa akin. Saglit ko iyong nakalimutan dahil sa dinner kagabi pero nang mapag-isa ako at natapos sa pag-aaral, bigla iyong pumasok sa isip ko.
Kahit noong nag-aayos ako ng pagkain, ay iniisip ko pa rin iyon. Guhit occupied my mind since last night and it's giving me headache.
"Charity, sasabay ka ba sa amin?" tanong ni Sir Ezekiel habang inaayos ko ang pagkain nila para sa umagang iyon. Umiinom siya ng kape habang si Miss Denisse naman ay pinapakain na ang kambal.
"Hindi po. Susunduin po ako ni Guhit."
"E? Kayo na ba? Magkakaroon na ba ng kalaro ang kambal?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Miss Denisse. What?!
"Miss Denisse naman!" nagulat pa ang kambal sa sigaw ko. "Magkaibigan lang kami ni Guhit. Saan niyo po ba nakuha ang ideya na 'yan?"
"Denisse, huwag mo ngang asarin itong si Charity. You are giving her so much idea," ewan ko kung sinasaway ni Sir ang asawa niya o mas lalo akong inaasar.
Lagi nila akong inaasar kay Guhit e magkaibigan lang naman kaming dalawa. Wala nga yatang interes si Guhit sa babae. Puro aral at basketball lang ang alam noon e.
"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin sa Maldives, Cha? Hahanapin ka ng kambal," pag-iiba ni Miss Denisse sa usapan.
Umiling ako. Kung pwede lang, sasama talaga ako.
"Pasenya na po. Opening na po kasi ng Intergames next week. Panigurado pong sa mga susunod na araw ay may laro kami." Nanghihinayang kong sabi. Gusto ko talagang sumama kaya lamang ay Intergames next week at pagkatapos namin ay mag-aayos na ako ng mga papel ko para sa internship ko next sem.
"Ganoon ba?" nanghihinayang din ang tono ni Miss Denisse.
Nag-usap pa kami tungkol sa iba pang mga bagay. Mostly, some school stuff and my internship are the subject of our morning talk. At hindi mawawala sa kanila ang pang-aasar nila sa akin kay Guhit. Nakikita raw kasi nila na may something sa aming dalawa at label na lang ang kulang.
Like what? Parang ang cringe naman kung magiging boyfriend ko siya?
Sinundo nga ako ni Guhit ng araw na iyon. Hindi ko alam ang nangyari pero ang aga aga nakasimangot siya at hindi maipinta ang mukha. Parang pasan niya ang buong mundo kung makasimangot habang nakasandal sa kaniyang magarang sasakyan.
"What's with your face? Umagang umaga nakasimangot ka." Lumapit ako rito at tumingkayad. Pinaghiwalay ko ang kaniyang kilay na magkasalubong.
"Nasa Pilipinas si Daddy," sagot niya. Oh? Anong problema doon? "Gusto ka niyang makilala."
Tumaas ang kilay ko sa kaniya, hindi inaasahan ang balita.
"Bakit gusto niya akong makilala?"
"He saw my Instagram post. Akala niya, girlfriend kita. He immediately flew here just to meet you," simangot na simangot pa rin siya na parang ayaw niyang narito ang Daddy niya sa Pilipinas.
And what? His father thinks that I am his girlfriend just because of his post? How ridiculous is that, yes?
"And I can't believe that except for Ate Mira, you are the only one who can make him leave his swivel chair in Canada," dugtong niyang umiiling.
BINABASA MO ANG
Madly (IN LOVE SERIES #1)
General FictionCharity Evangeline lived her life with such hardness yet simple and happy. Deprived of everything, she never complained nor whined. She never wished to have a life as rich as her friends. She's okay of what she has and contended in everything. Judge...