Kabanata 5

732 19 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 1: Madly

Kabanata 5

Love is a very strong feeling. No matter how hard you tried to avoid it, love will always find its way in someone's heart. Love will hit you hard in the most unexpected way, unexpected time. Hindi maiiwasan, hindi mapipigilan. Wala kang ibang magagawa kundi ang tanggapin na lang.

I never thought that I will fall for Isagani. Never in my dream. I have a crush on him, yes, but that's it. Hindi ko alam na magiging malalim. I just realized it at talagang hindi ko inaasahan.

Funny how I cursed myself that no matter what happen, I will never fall for him. I even promised but look at me, madly in love with him. Baliw na baliw.

"Kapitana!" I was startled when Miss President shouted. Napabalik ako sa reyalidad. Masama niya akong tiningnan. "Ano bang nangyayari sa'yo, Kapitana? Buong linggo kang wala sa sarili mo?"

"Sorry. I'm just...tired..." I answered and sighed. Isang linggo na akong ganito. Wala sa sarili at iniisip na mahal ko si Guhit. It was so awkward for me. Buti nga at hindi naman napapansin ni Guhit ang pagkakaba ko kapag malapit siya at buti na lang pareho kaming busy kaya minsan na lang kami mag usap nang matino.

"Saan ka next year? Hinihingi na ni Dean ang list kung saan tayo," Miss President asked.

Narito kami ngayon sa cafeteria having our lunch. Sa kanila ako nakisabay dahil busy nga si Guhit at may klase naman sina Aya. Isang linggo ko na ring kasama si Miss President kaya pansin niya ang laging pagkawala ko sa sarili.

"Sa Samaniego Medical Group, Miss President," tahimik kong sabi.

"Are you okay? Do you have problems?" she asked again. "I mean, look at you. You're not our Kapitana. Hindi ka na maingay."

"Oo nga, Kapitana. Parang lagi kang wala sa sarili mo," Kristel, my classmate, stated.

"I'm okay. May iniisip lang pero keri ko naman."

Mukhang naintindihan naman nila. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Sa dami ng mabigat na isipin na mayroon ako, hindi ko alam kung bakit iyong pagmamahal ko kay Guhit ang pinaka-iniisip ko. Tangna, baliw na talaga ako.

I was busy eating and thinking when the table went silent. Parang may dumaang anghel sa lamesa namin. Hindi ko sana iyon papansinin at hindi rin sana ako mag-aangat ng tingin kung hindi lang sa exaggerated na reaksiyon ni Miss President.

"Oh. My. Gosh!" she exclaimed kaya napaangat ako ng tingin pero sana hindi ko na lang ginawa.

Walking side by side, Isagani and Maxine made an entrance. Naglalakad lang naman sila pero parang pinipiga ang puso ko. Napapansin ko na madalas na silang magkasama at may pagkakataon din na nalalaman ko na inihahatid ni Isagani si Maxine.

Akala ko busy siya? At kailan pa naging business student si Maxine? Bakit napapadalas yatang magkasama silang dalawa?

Noong una wala naman akong pakialam kasi nga hindi naman ako girlfriend pero sa totoo lang sa tuwing nakikita kong may kasamang ibang babae si Isagani, hindi ko maiwasang hindi pansinin ang pait sa sistema ko.

Nasanay ako at sa sobrang pagkasanay ko, nagiging makasarili na yata ako. Biglang gusto kong ako lang ang babaeng kasama ni Guhit. Biglang gusto kong ako lang ang nakakalapit sa kaniya at wala nang iba.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon