Kabanata 8

661 10 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In love Series 1: Madly

Kabanata 8

"Now serving, Chrishane Ocampo," the announcer said. Pumalo si Chrishane mula sa service line.

"Let's go! Tigress! Let's go!" the cheer became loud as the ball bounce back to my team. Aya, my libero received the ball. Chrishane set it and I hit it. Walang block that's why the ball landed in the middle. Iyon ang nakita kong butas kaya doon ko dinala ang bola. I scored.

"Yes!" Aya cheered at nakipag-high five sa akin. Lalong umingay ang paligid. Tumingala ako para makita ang score. Lamang na kami ng dalawa. "Ang galing mo, Kapitana! Nice one!"

"Mas magaling ka," sabay tapik sa likod niya.

We're on our first game. Ilang araw pagkatapos nang unang laro ng basketball ay kami naman ang naglalaro. At hanggang ngayon din ay hindi pa kami nagpapansinan ni Guhit. Sabay kaming nagla-lunch pero hindi kami nagpapansinan. Hindi naman na ako galit. Nag iinarte lang talaga ang kagandahan ko.

At the moment, hindi muna iyon ang iniisip ko. I need to focus in the game so we can claim the victory at the end of this match.

The opponent team request for a timeout. The score is eighteen to sixteen. We reached the first technical timeout but failed the second. Nahabol naman namin agad.

"Nice, Charity!" puri ni Coach. Hindi ako umimik pero tumango naman ako. Inabutan ako ni Sammy ng tubig sabay tapik sa aking balikat. Habang umiinom ay inilibot ko ang aking paningin sa crowd at hindi na pinansin ang sinasabi ni Coach.

Natanaw ko si Isagani sa crowd. Kasama niya si Barron at ang magkapatid na Samaniego. Kumaway si Barron sa akin at pumalakpak naman ang batang Samaniego. Si Guhit naman ay seryoso pa rin ang tingin.

Hindi ako sure kung natutuwa ba siya o na-realize niyang sobrang ganda ko talaga.

Natapos ang timeout at nagpatuloy ang laro. Kapag nakaka score ang kalaban ay bumabawi naman kami. Pansin ko rin ang madalas na pag irap sa akin noong opposite hitter ng kalaban. Noong una ay hindi ko iyon pinapansin pero maging si Chrishane ay napapansin na rin iyon. I laughed at it but Chrishane won't make it slide. Siya tuloy ang nag-a-attitude sa halip na ako.

Ayaw rin niyang patalo. Saka wala ako sa mood mag-attitude ngayong araw. Ang gusto ko lang ay Manalo kami sa laro at nang matuwa naman si Coach sa amin.

The game goes on hanggang sa natapos at nanalo kami. It was a three-set game only. Nahirapan kami but we managed to be consistent until the end of the game. Nakatulong din na naging matalino kami sa paglalaro at nakikita namin ang mga buta sa floor defese ng kalaban namin. Hindi naman sa pinupuna ko sila pero the opponent's floor defense was lacking. Lagi silang may butas at hindi maganda ang cover. Iyon kasi madalas ang nagiging dahilan ng pagkatalo. Isama pa na naiinis at nanggigil ang best player nila.

We ended the game formally.

"Nica game, team!" Coach cheered. Umupo naman ako bench at nagpahinga. Unti unti nang nauubos ang tao sa arena. May ibang lumalapit para magpa-picture.

"Sama ka mamaya? Nag-aya si Bea sa Bistro. Libre niya raw dahil nanalo," umupo si Chrishane at si Aya sa tabi ko. Pareho silang may towel sa leeg.

Naalala ko ang tawag sa aming tatlo kaya natawa ko. Para sa mga humahanga, kami ang golden trio. Kapag kasi kaming tatlo ang nagsama sa loob ng court, laging successful ang play. Ire-received ni Aya, ise-set ni Chrishane at papaluin ko. Ganoon madalas ang nangyayari.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon