Kabanata 22

780 10 2
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

P.S. I am editing this story offline po.

Thank you!

***

In Love Series 1: Madly

Kabanata 22

Maaga akong pumasok kinabukasan kahit pa alas nuebe pa naman ang duty ko. Gusto ko lang mabisita ang mga pasyente kong hindi ko na nai-check kahapon dahil sa nangyari.

Alas siete pa lang ay nagra-round na ako. Some of my patient were still sleeping kaya madali lang ang naging round ko. Bumalik ako sa opisina ko nang mag alas nuebe na para naman sa duty ko ngayong araw. Naroon na rin si Natalia na maganda ang ngiti sa akin.

"Anong ngiti 'yan?" I asked her. "Lumandi pa kayo ni Charles kagabi 'no?"

"Hala, Doctora, ba't mo alam?" she asked smiling like an idiot.

"You have love bites on your neck, Natalia," natatawa kong sabi. Agad niyang kinapa ang leeg niya na siyang nagpahalakhak sa akin. "Ang landi mo, Natalia."

"Wala ka lang kalandian, Doctora, kaya ganyan ka. Tss," inirapan lang naman ako ng gaga.

"Saan ako ngayon?" pag iiba ko sa usapan.

"May round ka mamayang ten pero dahil maaga kang pumasok at naground ng maaga, si Mr. Sketch na lang ang pupuntahan mo."

"Okay," I said.

"Ay, hindi na siya affected," bulong ni Natalia pero ang totoo, kinakabahan ako dahil baka nandoon si Isagani.

"Shut up, Natalia..." I said as I scan the VIP files.

"May board meeting mamayang one, Doctora. Iyon lang naman ngayong araw," she added.

It was nine thirty when someone said that there's a particular patient who requested me in the emergency. Nagkibit balikat lang ako at kasama si Natalia na pumunta roon.

Hindi ko kilala kung sino ang nagrequest sa akin pero tinanggap ko na rin naman. Bawal tumanggi sa duty.

"Anong nangyari?" tanong ko sa isang nurse doon.

"There's a deep wound on his thigh, Doctora. Si Doc Molina na sana ang gagamot kaso ayaw ipahawak ng patient ang sugat and the mother requested you. Pasensya na po, Doctora," nahihiyang sabi noong nurse.

I looked at the boy. He's still young probably sixteen or seventeen of age.

"Hi," bati ko. "What happened to that?"

"Naku, Doctora, hindi matigil sa pag-skate kaya 'yan ang natamo," the mother explained. I smiled.

"Let me see..." marahan kong hinawakan ang kaniyang hita. Medyo malalim nga iyon.

"Uh... Doc, makakalakad pa ba ako?" the boy asked. Lahat kaming nakarinig ay natawa sa tanong na iyon. Hindi siya malala pero kailangan pa ring tahiin dahil medyo malalim.

"Hindi na..." Nakangisi kong sabi. Namutla naman ang lalaki at maiiyak na tumunigin sa nanay niya. "... kung ipagpapatuloy mo ang pag i-skate mo kahit delekado."

Nagtawanan kami. His reaction is priceless.

Sinimulan ko siyang gamutin. Kada daing niya ay natatawa ako. Medyo natagalan pa nga dahil ayaw niyang padampian ng bulak ang kaniyang sugat.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon