Kabanata 33

876 14 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

P.S. I am editing this story offline po.

Thank you!

***

In Love Series 1: Madly

Kabanata 33

"At 'di ba ay break na kayo ng Ate ko? Bakit ngayon nandito ka?" said Robi again. Nakasimangot pa rin siya sa kuya Isagani niya. Nakaharang ang katawan sa akin na para bang ayaw niyang palapitin sa akin si Isagani.

"I broke up with her because I want to court her again, Robi," said Isagani. Lalo lamang napuno ng halakhakan ang buong kusina.

"Iyon naman pala! Bakit sa kaniya ka tatabi? Hindi pwede iyon sa akin, Kuya Isagani. Kahit pa boto ako sa'yo, hindi pa rin ako papayag na magkatabi kayo sa bed ni Ate ko!"

"Why are you so possessive Robi?" I teased him. Nginusuan ako niya at inirapan.

Hindi ko alam kung talagang ganito sadya ang mga lalaking kapatid o dahil lang sa inaasar nila si Isagani. Noong magkakasama kami sa Australia, hindi naman sila ganito kapossessive sa akin.

"Ah basta. Ako ang katabi ng Ate kong matulog. Walang iba. Ako lang," he said and walked out the room. Binangga pa niya si Isagani at sinamaan ng tingin. The latter just chuckled and shrugged his shoulder. Akmang lalapit sa akin kung hindi lamang iniharang ni Charles ang kaniyang katawan sa akin.

"Charles," tawag ko sa kapatid.

"Pasalamat ka at mahal ka ng kapatid ko," he said directing it to Isagani. Ilang saglit silang nagtagisan ng tingin bago umalis si Charles at iniwan kaming dalawa sa kusina.

I sighed deep as I looked at Isagani. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang sinasaulo ang bawat parte ng mukha ko.

"Sorry about that. They are just paranoid," I said and gave him a small smile. "Paano na 'yan? Ayaw ni Robi na magkatabi tayo."

Isagani raised his kilay. He went near me and caged me in between the sink and his torso.

"I can find ways. Don't underestimate me."

"Ganoon mo talaga ako ka gustong tabihan sa pagtulog?"

"Yes."

Talagang hindi siya nagdeny?

"Patay na patay ka pa rin sa akin?" tanong ko ulit. Pilit pinapakalma ang nagwawala kong puso.

"Yes," seryosoniyang sabi. His jaw clenched like he was stopping himself from doing something. Tila nagpipigil ng emosyon. Mas inilapit sin niy sa akin ang kaniyang katawan. Kung may makakakita lang sa amin mula sa likuran niya, baka akalain na naghahalikan kami.

Isagani will always be the death of me!

"S-Sabi mo eh."

Natahimik kaming dalawa pagkatapos. Siya na nagngangalit ang mga panga at ako naman na pinipilit pakalmahina ang sistemang kanina pa nanginginig at gustong mahimatay. I looked at him in the eyes. Different emotions were dancing in his tantalizing deep dark eyes. I can't name one of them. And I am not sure if it was because we are this near or it was the emotions he kept for the years we were apart to each other.

Sa tagal naming nawalay, nahihirapan na akong basahin siya ngayon. Kung dati ay kilala ko sya mula ulo hanggang paa... Kung dati ay kilala ko siya mula sa masungit niyang version hanggang sa mapaglarong siya, ngayon ay parang hindi na. Para na siyang isang estranghero para sa akin.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon