Kabanata 12

630 11 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Loves Series 1: Madly

Kabanata 12

Naging busy ako sa dalawang araw bago ako umuwi ng Lucena. Kailangan na kasing ayusin ang mga kakailanganin para sa internship ko. Inalis muna sa isipan ang mga problema at mga bagay bagay. Masyado pang magulo ang takbo ng utak ko dahil sa mga nangyayari.

"Mauna na ako sa'yo, Kapitana," paalam ni Miss President nang nasa lobby na kami ng Samaniego Medical Group.

"Sige, Miss President. See you!" paalam ko din sa kanya.

Saglit pa akong nanatili sa malawak na lobby ng hospital para magpahinga saglit. Umupo ako sa sofa na naroon at hinilot ang mga paa. Kanina pa kasi kami lakad nang lakad ni Miss President kakaayos ng mga requirements para sa internship namin. Buti na lang din at maayos naman kaming tinanggap ng Samaniego Medical kaya medyo maagang natapos.

"Need help?" someone said. Nag angat ako ng tingin at si Chase Samaniego ang bumungad sa akin. What is he doing here? Dito din siya nag iintern?

"Chase," I acknowledge him. Hindi na ako tumayo dahil medyo masakit na talaga ang paa ko.

"You should have informed me na dito ka mag iintern," he said. I raised my kilay at him.

"Bakit?"

"This is my sister's hospital," makahulugan niyang sabi sa akin. May kapatid pa silang babae? "Hindi ka na sana nahirapan pa."

"I don't like that idea, tss. Kaya ko ang sarili ko." Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Sure you do," he said. Lumuhod siya sa harapan ko at siya na ang naghilot noon. Medyo nagulat naman ako sa ginawa niya.

"What the hell are you doing?"

"Masakit ang paa mo 'di ba? Hinihilot ko lang," he said. Seryoso siya?

Pinagmasdan ko si Chase na seryoso sa ginagawa. Ano namang pumasok sa utak ng isang 'to? Nakadrugs ba 'to?

"Can you come with me?" he asked. I stared at his eyes. That familiar eyes. Kagaya talaga ng sa akin ang mga mata. Magkapatid ba ang mga mata namin? Magkamag anak? Ba't magkatulad?

Ay ang gaga mo namang mag isip, Kapitana. Hindi ba pwedeng magkatulad lang talaga? Minsan talaga, tanga ka rin.

"Saan mo naman ako dadalhin?" I asked. Tumayo siya para matingnan ako nang maayos.

"I just want you to meet someone," he answered. My forehead knotted. Saan naman ako dadalhin ng lalaking 'to?

"Sindikato ka?" I asked again. Ang gwapo naman niyang sindikato kung ganoon?

Tinawanan niya lang naman ako pagkatapos ay inilingan. Naglahad siya ng kamay sa akin na iniripan ko lang. Muli naman siyang tumawa.

"Ang taray mo."

"Sadyang ganito ang mga dyosa. Mataray."

Sa hindi malamang dahilan ay sumama nga ako sa kanya kung saan man niya ako dadalhin. Hindi ko alam pero ang gaan kapag kasama ko silang dalawa ni Charles. I wonder if they have a crush on me?

Masyado ka nang mahangin sa part na 'yan, Kapitana.

Bigla kong naalala ang hari ng kasungitan. Hinatid niya ako kanina pero hindi kami nag iimikan. Bahala siya. Nasa loading stage pa lang ako tungkol doon sa nangyari noong championship. Masyado niya akong binigla.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon