Kabanata 1

1.5K 20 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 1: Madly

Kabanata 1

I remembered it all. I remembered it all clearly. I remembered how it all started. We were twenty. Parehong nasa third year college. I took Med Tech as my course at team captain din ng volleyball team. While he took business administration and he was also the captain of the basketball team.

We're friends most likely best friends.

"Kapitana, tubig oh," alok sa akin ng isa sa mga teammates ko. Naka-upo ako sa bleachers ng gym kung saan kami nag-training. Katatapos lang namin ng cool down at ngayon ay nagpapahinga na.

Inabot ko ito at diretsong inubos. Naiinis dahil ako na naman ang napagalitan ni Coach.

Hindi ko naman kasalanan na tinanggal niya si Pastel a? At hindi ko rin kasalanan na umalis si Brenna.

"Whoa! Kapitana, hinay-hinay lang," puna sa akin ng isa pa. I made a face. "Wala yata sa mood ang aming magandang kapitana?"

"Ibabalik daw ni Coach iyong maarteng freshman," naiinis kong litanya. Wala naman sanang kaso na ibalik kaya lang sa sobrang arte ng isang iyon, nawawala sa momentum ang laro ng team ko. Last year, natalo kami ng isang game dahil sa kaartehan niya. Nakakadistract naman kasi talaga ang kaartehan niya lalo na kapag naglalaro kami. Puro arte at paganda, wala namang ambag sa team.

Hindi ko nga alam kung bakit iyon nakapasok sa team. Ni ang position niya ay hindi niya alam at ang nakakainis pa, ang hilig niyang mang-agaw ng bola. Tapos kapag sa kaniya papatak ang bola, aba ay pinapanood lang na akala mo ay kusang papatak sa kamay niya.

Like hell 'di ba?

"E bakit pa? Ayos na tayo a?" Tanong ni Chrishane, ang vice-captain at setter ng aming team.

"Sinapian na naman yata si Coach." Naiinis kong inalis ang tali sa aking buhok saka naiinis ding sinuklay ito patalikod. Basa na iyon ng pawis dahil katatapos lamang ng aming training sa hapong iyon.

Naiinis talaga ako! Kung hindi lang nakakahiya kay Miss Dennise na siyang nagpapa-aral sa akin ay matagal ko nang tinalikuran ang paglalaro ng volleyball. Bukod kasi sa mahirap talaga ang kurso ko at time consuming, nakakapagod din ang mag-training tapos pagka-uwi ay magta-trabaho sa mansion ng mga Nervaez. Pagkatapos noon ay mag-aaral naman ako ng advance para hindi ako natatambakan ng mga gawain.

Kung mayaman lang sana ako kagaya ng mga kaibigan ko...

Isa pa, lagi akong napapagalitan ni Coach. Minsan, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi ko minsan maintindihan kung saan niya ba kinukuha ang mga bagay na nagiging dahilan kung bakit ako napapagalitan.

Favorite ako ni Coach O, e. Favorite mapagalitan sa hindi malamang dahilan.

Ilang sandali pa ay umingay ang mga ka-team ko. Bumuntong hininga ako at inayos na ang gamit sa aking duffle bag.

Isa lang naman ang ibig sabihin kapag maingay sila, nariyan na ang team ng basketball na madalas sumisilip dito dahil kaibigan ng iba sa kanila ang mga ka-team ko.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero itong team ng basketball, hindi yata uso ang pangit sa kanila. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nag-iingay ang mga alien sa paligid ko. Syempre, hindi ako kasali sa kanila. Ang focus ko lang ay makatapos ng pag-aaral at yumaman.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon