Arceli Angeles: Please be aware that this story is under major editing. This was written a few years ago. It was written poorly. Maraming error na kailangang ayusin.
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 1: Madly
Kabanata 14
Life is full of surprises. There's always conflict and twist and no matter how hard you predict every possible circumstances, you can't always will. Darating na lang ang bawat problema kung kailan hindi mo inaasahan o kaya naman kung kailan sa tingin mo ay ayos na ang lahat.
Napaisip talaga ako sa sinabi ni Papa kaya medyo nagtagal ako sa likod ng bahay namin. Natulala ako ng halos isang oras bago ako nagpasyang pumasok sa loob. It's like he gave me a very complicated and hard puzzle to solve.
Si Papa kasi! Alam kong maganda ako at matalino pero hindi ako manghuhula!
"How was it?" Isagani asked. Naabutan ko silang nagtatawan sa maliit naming sala. The concerned was vividly showing on his handsome face. I didn't answer. It did turn well but my senses say it's not. May ibig sabihin talaga ang sinabi ni Papa. Hindi ko lang alam kung ano iyon. "Hey... what's the problem?"
He lifted my chin using his finger for me to look at him straight to his eyes. The lights coming from the simple bulb made Isagani's feature more define and gorgeous. Ba't ba ang gwapo nitong si Guhit? Nakakainis.
Kung hindi lang ako dyosa, sasabihin kong hindi kami bagay. Pero dahil dyosa nga ako, bagay na bagay kami. O sadyang makapal lang ang mukha ko?
"Hey..."
"It went well. Pumayag siya sa 'ting dalawa..." I smiled a bit na para bang doon maitatago ang aking kanina pang iniisip.
"Kung ganoon... tuloy na ang kasal nating dalawa?"
What??
Iba nga rin ang tama nitong king of kasungitan!
"Alam mo mahal na hari ng kasungitan, napaka advance mong mag isip. Kapapaalam pa nga lang natin kay Papa tapos gusto mo kasal agad?" I hissed at him. Medyo kinilig sa kanyang sinabi. Oh great, Charity Evangeline, change of mood na agad tayo girl?
"Doon din naman tayo pupunta, ba't patatagalin pa?" he reasoned out. Wala na ba siyang alam na idahilan kung hindi iyon?
"Patay na patay ka talaga sa 'kin no?? Sobrang gandang ganda ka siguro sa akin at atat ka nang maikasal sa akin?"
"Halata na ba?"
Whattt?
Kapag laging ganito ang hari, ay talaga namang mahihimatay ka sa sobrang kilig! Kinikilig ako, self!
"Tama na ang landian, mga malalanding nilalang. Mahiya naman kayo sa inosenteng bata dito oh!" Aya interrupted. Kahit kailan talaga ang weirdong maarte ay panira ng magandang sandali! Great intruder talaga ang dalawang gaga.
"Ayos lang 'yan, Ate Aya. Sanay naman po ako..." balewalang sabi ni Robinhood habang nakatutok ang mga mata sa chess board na nilalaro nila ni Barron. Sanay? Baka sanay siyang makipaglandian!
"Sanay? You're used to see them flirting?" sabat naman ng gagang englishera.
"Hindi po... Madalas po akong nilalandi ng mga babae sa school..."
Aba!? Ang Robinhood na 'to, may lihim na kalandian!? Makukurot ko talaga ang singit nito!
"Ay may pinagmanahan..." tawa ng tahimik na si Barron. Pati itong katabi ko ay tumatawa bago lumayo sa akin at umupo sa sahig at pinanood ang naglalarong si Barron at si Conrado. Ang dalawang kaibigan ay ganoon din ang ayos.
BINABASA MO ANG
Madly (IN LOVE SERIES #1)
Fiksi UmumCharity Evangeline lived her life with such hardness yet simple and happy. Deprived of everything, she never complained nor whined. She never wished to have a life as rich as her friends. She's okay of what she has and contended in everything. Judge...