Chapter 25

862 25 10
                                    

"BES!! KAILANGAN MAGING MAGANDA KA SA PAGEANT NA YON PARA TALUNIN YANG MORTAL ENEMY MO NAKO!" Ayan nanaman si bes hindi na tumigil sa kakabanggit dun sa pageant sa up coming intrams this friday.

"Alam mo bes manalo matalo hindi naman importante yun, tsaka.."
Wala naman akong panama kay maxine paniguradong pagtatawanan lang nila ako..

"Tsaka ano?" Tanong ni ysa

"Wala bes.. hehe" ayokong sabihin yung nasa isip ko kasi panigurado makakatanggap ako ng kung anong sapok sa kanya.

"Wag kang titingin!" Biglang sabi ni ysa na pinagtaka ko. Ako ba kausap nito?

"Anong wag titingin? Saan?—" nagpalinga linga ako sa sinasabi nyang hindi ako titingin, at sana talaga nakinig na lang ako sa kanya.

Masakit pa din pala talaga..

"Hoy! Hi sis! Di ka pa uuwi?" Pekeng ngiti na sabi ni maxine sa akin. Yes sya nga and she's with kyle.

"Waiting for someone" maikling sabi ko sa kanya. Ayoko silang makasabay paniguradong torture sa akin yun pag nagkataon.

"The who? Let's go! Sabay ka na samin ni kyle!" Masayang sabi nya. As if naman maniniwala ako sa kabaitan nya. Mag sama sila!

"If she doesn't want to go with us, let her be babe. Let's go" talagang hindi! Kala mo naman kung sinong gwapo!—oo na gwapo ka na!

"Ikaw talaga babe napakainipin mo! So paano ba yan sis? Gusto na siguro akong masolo ni kyle" Tawa tawa ka pa! As if naman mag seselos ako! Tch

"Oh bes wag ka na mag selos! Hayaan mo na sila!" Hindi ako nag seselos bes! Na iinis ako sa sarili ko!

"Ewan ko sayo bes— teka asan na ba si lucas?" Hinihintay namin si lucas dito sa may garden. Hindi ko na alam kung makakasabay pa din ako sa kanya. Balak kong maglakad lakad para mawala kahit paano yung inis ko sa dalawa, at panigurado naman na mag didinner si kyle sa mansion.




Ilang minuto lang ang lumipas dumating na si lucas, "sigurado ka bang okay ka lang bes? Hindi ka na namin hahatid?— gusto mo samahan na lang kita?" Tanong ni ysa sa akin ng makasakay na ito sa front seat ng sasakyan ni lucas.


"Hindi bes okay lang ako, ayoko na din naman umuwi muna alam mo naman diba."


"Okay bes, text me nalang kapag nasa bahay ka na okay? Ingat bes!" Sabi ni ysa.

"Yeah yeah bes! Ingat, bye bes! bye lucas!"

——

Ilang minuto na din ang lumipas ng makaalis na sina ysa, hindi na din naman nya ako kinulit pa kasi alam kong alam nya na hindi ako uuwi muna.


Napag desisyonan ko na din na kumain muna sa isa sa mga fast food malapit dito sa univ. It's one of my favorite fast food dahil kahit mura ay masarap dito. Chick Resto ang name nito.

Pag pasok ko nagpapasalamat ako na kahit madaming tao ay may nakikita pa naman akong bakanteng mga upuan, dahil sa laki na din ng fast food na ito.

Pumila na agad ako sa may counter, para makakain na ako.

"One carbonara, chocolate chip cookies, 2 piece of chicken and chocolate sundae—and miss paki large na din yung coke, thank you"



The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon