Chapter 44

868 16 6
                                    



"Mommy punta po kami sa park ni yaya" napatingin ako bigla sa anak ko na bihis na bihis. Ay wow? Hindi man lang nag paalam bago nag bihis? "Please mommy?"


"May magagawa pa ba ang mommy sa ganda ng anak ko?" Tumawa naman ito ng malakas dahil sa sinabi ko, natawa nalang din ako dahil dun sa tawa nito. "Oh yaya paki bantayan ng maigi ang anak ko ah" bilin ko sa yaya nito



"Yes mam"


"You little princess wag makulit okay? Wag lalayo kay yaya! You take care" sabay hinalikan ko ito sa noo, sya ang buhay ko at sya lang ang bumubuo ng buong pagkatao ko


"Yes mommy, I will. I love you po"


"I love you too my baby" hinalikan ko ito ulit, at hindi na din nag tagal ng umalis na sila para pumunta sa park dito sa village.


"Anak" napatingin ako sa nagsalita, nakita ko si papa na pababa ito hagdan. Lumapit ako dito para halikan ito, "Nasaan ang apo ko?"


"Pumunta sila sa park ng kanyang yaya" sabi ko sa kanya habang nag titimpla ako ng kape nito.



"Bakit hindi mo sila sinamahan?" Tanong nito sa akin.


"May gagawin po kasi akong importante, one of my clients here in Philippines wants to meet me up" sabay bigay ko sa kape nito, ang tagal na din palang panahon ng pag timpla ko ito kahit sa canada kasi kapag pumupunta ito hindi ko man sya matimplahan



Tinignan ko yung wrist watch ko at nakita ko na oras na din pala. May kikitain pa ako kaya nag paalam na ako kay papa para mag bihis na din.



9 am ng makaalis ako ng bahay, ako yung nag drive dahil nasanay na din naman ako sa canada.


Pumunta ako sa Plain Cafe  dun kami mag kikita ni Ms. Garcia


Pumasok ako at hindi kalayuan may nakita akong babae na nasa bandang likuran. I think sya na iyon.


"Hi Ms. Garcia sorry sa pag hihintay" mukhang nagulat naman ito dahil napatayo sya bigla at tumingin sa akin, "Pasensya, nagulat ata kita"


"No no. Its okay I'm Crystalline Garcia" iniabot nya yung kamay nito sa akin kaya tinanggap ko naman ito agad.


"Katarine Mercado"


Umupo sya kaya umupo na din ako sa harap ng bakanteng upuan nito.


"Should we wait my fiancée for awhile? Para matulungan naman nya akong mamili ng gown" ngumiti naman ako at tumango sa kanya, ang swerte naman ng boyfriend nito sa babaeng to dahil may handang mag hintay sa kanya, hindi lang maganda at sexy ay mukhang mabait pa.



"Sure para makapili din sya"


Isa akong fashion designer at pwede din ako sa mga wedding planners.


"Hon!" Biglang salita nito, nakatingin ito banda sa likuran ko kaya hindi ko makita yung tinawag nito. Mukhang andito na yung boyfriend nito.



"Bat ngayon ka lang? Nag hintay tuloy si Ms. Mercado" natawa naman ako dahil dun sa sinabi nito.


"Oh look I'm sorry hon. May nakita kasi akong bata sa park and she's look like... cute I  think" narinig kong sabi nito sa girlfriend nito.


"Ikaw talaga! Gawa na din kaya tayo ng baby?" Narinig ko naman tumawa yung boyfriend nya, kahit hindi ko sila makita ngayon ramdam ko yung saya nilang dalawa. "Okay haha enough for this, Hmm hon, Si Ms. Katarine Mercado pala sya yung magiging Wedding Planner natin"



Tumayo ako at humarap sa kanila, sa kanya. Na sana hindi ko na lang ginawa. "Ms. Katarine Mercado, This is my fiancée Thunder Montemayor"


Hinilad nya yung kamay nya sa akin at tinignan ko ito, tatanggapin ko ba? Ano ba kat maging professional ka naman!


"Nice meeting you" malamig na sabi nito sabay upo sa tabing upuan ni Garcia, "let's start para matapos na to" hindi ako tumitingin sa kanya dahil hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.


"Eto yung brochure ko, and kung hindi nyo naman nagustuhan, you can tell me at gagawan ko iyon ng paraan" sabi ko sa kanila.


Tumingin tingin naman sila at masayang nag uusap na para bang wala ako sa tabi nila, tabi nya.


Sino nga ba naman ikaw Katarine diba? Remember ikaw yung nangiwan?


"Hon! I think this, What can you say?" Tanong nito kay kyle na thunder na pala sya ngayon, dati ayaw nyang tinatawag sya ng ganun but now yun na yung screen name nya.


"Bagay naman lahat sayo kahit anong suotin mo at kahit nga wala kang suot" natawa naman si Garcia dahil dun sa sinabing iyon ni kyle. Kahit kailan talaga.


Narinig kong tumunog yung phone ni Garcia kaya tinignan nya ito, "Excuse me, hon? Ms. Mercado?" Tumango naman ako dahil mukhang importante naman yung call na iyon.


Mabilis syang umalis at lumabas sa cafe, kaya ang ending kaming dalawa na lang ni kyle ang nandito. Shet anong gagawin ko? Wala na syang epekto sakin. Wala na.


"Kamusta ka na? Isang successful Fashion Designer ka na pala" biglang salita nito.


"O-okay lang" sagot ko sa kanya, bakit ganun? Hindi na ako sanay sa kanya? Bakit parang gusto ko na nag eenglish na lang sya?


"Hindi mo ba ako tatangunin kung kamusta ako?" Tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya bigla. Sinabayan ko yung mga mata nya na nakatitig sa akin. Hindi ko kaya ang mga iyon ngunit kakayanin ko para hindi nya makita na nanalo ito sa laban.


"Why should I?" Pag tataray ko dito


"Ganyan ka na ba? Umalis ka lang naging ganyan ka na?" Tanong nito sa akin na kinabigla ko.


"What are you saying?" Tanong ko dito


"Wag ka ng mag maang maangan dahil bulok na yan" sagot nito na kinainis ko bigla. Bakit ganun? Parang may alam talaga sya ah? Kung makapag salita parang wala din itong alam. "You said walang iwanan, but you, ikaw ang nangiwan" madiin na sabi nito sa akin.


"Ikakasalan ka na wag na natin pag usapan ang atin." Sinabayan ko ito ng tingin. "and wait I have reasons."


"What? Reasons? What that?" Tanong nito sa akin.


"Really hindi mo alam?"


Mag sasalita na sana ito ng biglang dumating si Garcia, salamat naman at bumalik na sya kaya kahit konti ay nawala ang init samin dalawa.


"Excuse me" Sabi ko dahil pupunta ako saglit sa Comfort Room.


Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko. Bakit sya pa? Bakit sya pa yung isa sa mga clients ko? Nang iinis ba talaga yung mundo? Hindi naman kailangan na mag kita pa kami diba, bakit sa ganitong panahon pa?




---
HAPPY NEW YEAR!! :) ❤️

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon