Chapter 45

1K 16 11
                                    


"Konti na lang talaga masisira na yang hawak mo" napatingin ako bigla sa hawak ko at tama nga si ysa dahil mukhang masisira na ito, kaya binitawan ko na at nilagay sa mesa



"Ano bang problema mo?"




"Naiinis ako! Bakit sa lahat pa ng makikita ko ngayong araw sya pa?" Napasapo ako ng noo dahil sa sobrang kainisan



Tinignan ako ni ysa na may pag tataka sa mukha nito, "the who?" Tanong nito sa akin




"Sino pa edi si montemayor na yon!"



Nakita ko din sa mukha nito ang pagkabigla, "you mean sya yung client mo?" Bigla nitong tanong sa akin, "sya yung ikakasal?" Napatingin ako sa kanya dahil dapat ako yung mag tatanong sa kanya nun, diba for almost 6 years sya yung nakakasama nya?



"W-wait hindi mo alam?" Nag tatakang tanong ko dito, napailing naman ito sa tanong ko, "so bakit sya yung client ko if hindi naman pala sya yung ikakasal diba? Baka na late ka lang sa balita!" Sabi ko dito at ininom yung orange juice na pinakuha ko sa isa sa mga kasama ko sa bahay



"Baka nga" sabi nito at tinignan ako, "pero hindi ka ba nasaktan?" Napahinto naman ako dahil sa tanong nyang iyon.



"Why should I? I have ethan" sabi ko dito


"Sabi ko nga" umupo ito sa harapan ng upuan ko at hindi pa din nya inaalis ang tingin nya sa akin, "but you know bes kung ako yung tatanungin? Mag balikan na lang kayo ni kyle" dahil sa sinabing iyon ni ysa nasamid ako bigla dahil sa gulat, "oh sorry, you okay?" Tanong nito sa akin



Tinignan ko itong masama, "then now you are asking me? After that words?" Natawa naman ito at napailing



"Ibang iba ka na talaga" sabi nito at tumayo, nakita kong tinignan nya yung phone nya at nag paalam sa akin na may tatawagan lang ito



Habang nag hihintay ako sa may sala naisip ko bigla si ethan, I know I love him, while kyle he just part of my life na hindi ko naman pinag sisihan dahil dumating sa buhay ko si Kristen.



"Bes I should go home, lucas was looking for me already" napangiti naman ako dahil doon, sila pa din pala? Ang tatag lang nila kaya nakakatawa sa part ko na hindi nila binitawan yung isa't-isa.



"Okay bes, take care!" Ngumiti ito sa akin at bineso nya ako, hindi ko na sya hinatid sa labas dahil dumaretso na ako sa kwarto ng aking anak




Nakita ko itong mahimbing na natutulog sa kanyang kama, napangiti naman ako dahil yakap yakap nya yung binigay na bear sa kanya ng kanyang daddy ethan.



Hinalikan ko ito sa noo at pinagmasdan ang kanyang maamong mukha, hindi ko maikakaila na anak nga ni montemayor ito, dahil sa ilong pa nga lang ay sa ama nya na nakuha ang tangos nun.



Sa kabila ng nangyari sa amin ng kanyang ama, nag papasalamat pa din ako dahil si Kristen ang naging bunga nun ng aming pag mamahalan.




"I love you anak, you are my strength, my happiness and my everything."



-----



"Mommy! You know what? Yesterday there's a handsome guy na binigyan akong bracelet!" Sabi bigla sa akin ni Kristen habang nasa garden kami ng bahay, pinakita nya sakin yung bracelet at suot suot nya iyon.



Maganda. "Who? What name anak?" Tanong ko dito



"I forgot to ask his name mommy! But you know po he's so handsome like daddy ethan!" Natawa naman ako dahil duon sa sinabi nya. She truly love her daddy ethan.



"And he also buy me a ice cream po" sabi nito habang nakangiti, "I want to see him again po and ipapakilala ko po sya sayo" natawa naman ulit ako dun, dahil kung umasta ito ay parang kilalang kilala nya yung guy na sinasabi nito




"Mommy I want to go park tomorrow maybe he's there also mommy!" Sabi nito ulit, parang gustong gusto nya talagang makita yung guy na sinasabi nito, ganun ba sya kabait para magustuhan sya ng ganito ni Kristen?



"Okay baby, pero di kita masasamahan, but your nani will look after you" nakita ko naman na parang nalungkot ito bigla



"But mom" sabi nito habang nakayuko



"I'm sorry baby, maybe next time. Busy si mommy tomorrow sa work, diba baby, big girl ka na?"




"Okay mommy! Promise me po next time ah?" Tanong nito sa akin at hinalikan ito sa nuo.



I'm so thankful dahil may anak akong masunurin at mabait.



I thank God for giving this wonderful baby to me.

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon