Chapter 37

721 14 0
                                    



Naging maayos naman ang nag daan kong mga araw, Nov 5 na ngayon at balik school na kami.



"Kamusta naman Halloween natin dyan my bessy?"



"As of now okay naman bes!" Sagot ko sa kanya at pumasok na kami sa room. Wala pang masyadong tao dahil siguro sa tinatamad pa ang halos sa kanila. Ganun naman diba? Nakakatamad talaga kapag galing sa bakasyon.



"Talaga lang ah? So kayo ni kyle?--" Tinakpan ko bigla yung bibig nya baka may makarinig pa sa kanya.



"O-okay lang kami" alam na nya yung tungkol sa amin ni kyle, sinabi ko sa kanya tutal kaibigan ko naman si ysa.



"No hard feelings?" Umupo ito at ganun din yung ginawa ko



"Alam mo na yung sagot dyan bes"



-------



"Tara sa canteen!" Aya sa akin ni ysa, lunch break na at hindi pa kami nakakain. Gutom na din naman ako kaya tumayo na din at sumunod sa kanya.



"How 'bout lucas?" Tanong ko sa kanya



"Nauna na" okay na din pala sila, mas maganda na yun ayokong nasasaktan sya.



Pag dating sa canteen, pansin ang tinginan ng halos na nandon sa amin. Yung tingin na hindi pang iinsulto kundi tingin na paghahanga.



Aaminin ko simula ng naging new queen sa campus na ito ay hindi na ako na bully or what, dahil na din siguro sa bagong itsura ko ngayon.



"Babe!" Sabay kaming tumingin dun sa tumawag, kasama ni lucas ang tatlo at si maxine, may bago pa dun? Lagi naman nakabuntot si maxine kay kyle e tch.




"Can we share?" Tanong sa akin ni ysa, nag taka ako bat sinasabi nya pa sakin. Pero tumango na lang ako biglang sagot dito.




"Ako na oorder bes, akin na pera mo at ikaw ang mag babayad sakin hahahaha" kahit kailan talaga! Simula din nung araw na binigyan ako ng card ni papa lagi na lang sya nag papalibre sa akin. Okay lang naman dahil nung mga panahon na walang wala ako nandyan sya para suportahan ako.



"Dito na kattie" tumango ako at ngumiti kay cj, umupo ako sa tabi nya na katapat ni kyle at maxine.




Nakita kong nakatingin sa akin si kyle kaya pinagtaasan ko ito ng kilay, baka kasi mapansin pa sya ni maxine at mapahamak pa kami.



"Balita ko nanliligaw sayo yung si Pascual ah" nasamid tuloy ako dahil dun sa sinabi ni lawrence, na para bang sinasadya nya ito.



"What the.. Lawrence look what you've done! Nabigla tuloy si kattie sayo!" Sabi ni ysa sa kanya, "okay ka lang bes?" Nag aalalang tanong nito



Tumango ako at ngumiti, "hindi nanliligaw sa akin yun, haha" at bigla naman akong tumingin kay kyle na kita na nakatingin din ng masama sa akin. Luh? Ginawa ko sayo?



"Sis di mo naman sinabi sa akin na nanliligaw pala sayo yun si ethan!" Sabi naman ni maxine, hindi ko alam pero bigla akong nainis duon.




"Wala akong dapat na sabihin sayo, alam mo yan" sagot ko sa kanya at nag patuloy na lang sa pag kain.



"Alam nyo? Ang maganda? Mag vacation tayo!" Sabay sabay kaming napatingin kay cj sa sinabi nyang iyon. Vacation? Seryoso ba sya? E kaka return pa nga lang namin e




"Are you damn serious Lee?" Tanong ni lucas sa kanya.



Ngumiti naman si cj sa kanya na kulang na lang mawala na yung mata dahil sa liit, "ayaw nyo?"



"Tinatanong pa ba yan?" Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Lawrence sa kanya.




"Okay" para naman babae kung magtampo ito.



"For me.." nakita kong tumingin sila sa akin at hinihintay ang susunod na sasabihin ko, "Its a great idea, para bonding na din natin yun" sabi ko sa kanila, tinignan ko si ysa na nagtataka ang itsura, na para bang 'seryoso ka?'




"Okay then. We are going in vacation" napatingin naman kami kay kyle dahil sa pagpayag nya, weee?




"See! Payag ang lover-----dalawa hehehe" pahamak pa tong si cj e! Sarap sapakin. Hindi ko alam kung alam na nya yung tungkol sa amin ni kyle pero sana hindi.




"Seryoso ka talaga babe?" Dinig kong tanong ni maxine sa kanya, nakita ko naman tumango ito at nag patuloy na sa pagkain nya.




"Friday afternoon" sabi nya at tumayo na sya. Okay cold as ever pa din.




-------





The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon