Chapter 51

428 10 11
                                    



"BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN?!" Nabigla ako ng bigla akong sigawan ni ethan



"S-sorry"




"Sorry?! Tangina naman katarine! Nag mumukha akong tanga na walang alam sa mga ginagawa mo sa buhay!" Halata sa mukha nito ang galit, hindi ko siya masisisi dahil hindi ko sinabi at hindi ko pinaalam sa kanya na aalis kami sa mansion



Ngayon nandito kami sa labas ng bahay ni Kyle at nagtatalo



"Sasabihin ko naman sayo, kumukuha lang ako ng tyempo"




"Tanginang tyempo iyan! Uuwi na tayo! Nasaan si Kristen?!" Nahihiya ako sa mga dumadaan sa banda naman, anong oras na at nanggugulo pa rin siya rito.




"N-nasa loob, natutulog na"




Kinakabahan ako sa kanya, dahil alam ko kung paano siya magalit, wala siyang pinapakinggan.




"Uuwi na tayo! Sasama kayo sa akin!"




"WALANG UUWI!" narinig kong sigaw ng isang lalaki, si kyle.




Isang gulo nanaman ito, panigurado.




"Uuwi ko na sila! Walang pake sa gusto kong gawin!" Sigaw ni ethan, sa mukha nito ay mukhang sasabog na ito




"Tangina mo pala e!" Balik na sigaw ni Kyle at mabilis niyang sinuntok si ethan.



"Ano ba kyle!" Pumagitna ako sa kanila baka kasi hindi na talaga nila mapigilan ang isa't isa



"Isang tanong, isang sagot katarine" napatingin ako kay ethan ng mag salita ito bigla, "Sasama kayo sa akin o Mag hihiwalay tayo?" Nagulat ako bigla sa tanong niya, hindi naman niya pwedeng gawin ito, dahil alam naman niya na mahal ko siya.



"Hindi niya kailangan sagutin iyan! Dahil hindi sila sasama sayo!" 




"Huwang kang maki elam dito!" Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, napaka sarado na ng utak niya.




"Wala kang karapatan sa kanila! Mag ina ko sila!" Nagulat ako dahil sa sinabing iyon ni Kyle, mag ina?




"Fuck you! Pag mamay ari ko sila!"




"Pwede ba manahimik naman kayo?! Nakakahiya na sa mga tao rito sa village!" Sigaw ko sa kanila, at salamat naman ay mukhang nakinig naman sila sa akin, humarap ako kay ethan, "Ethan, umuwi ka na muna. Masyado ng mainit—"




"Tangina katarine! All this year! Si Kyle pa rin talaga pipiliin mo!" Sigaw niya sa akin, na para bang may mali akong sinabi




"Hindi ko siya pinipili! Ang sabi ko lang ay—"



"Ganoon na rin iyon! Pinapauwi mo ako dahil ayaw mong sumama sa akin!" Sigaw niya, at may luhang tumulo sa kanyang mga mata.




Mabilis niya iyon pinunas at ngumiti sa akin, "Fine, pag sisisihan mong sumama ka sa kanya" turo niya kay Kyle, at mabilis na nag lakad paalis.




Wala na, wala na talaga.




"S-sorry" narinig ko sabi ni Kyle sa may likod ko



"Kasalanan mo ito" sabi ko at mabilis na naglakad papasok sa loob ng bahay niya.




Pumunta ka agad ako sa kwarto ko, ayoko muna siyang makausap or makita. Dahil sa kanya nag talo kami ni ethan, at dahil sa kanya nagalit siya sa akin.




The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon