Chapter 7

1.1K 19 1
                                    


Ilang araw na simula ng makipag kaibigan sa akin si thunder. Hindi maisip akalain na bakit sya nakipag kaibigan sa akin.

"Bestyyyyyy! Tara na kasiiiiii" pilit akong sinasama ni ysa sa mall, dahil gusto nya na magpa salon daw kami.

"Ayoko besty, alam mo naman diba. I love my look, i love being me. No matter what i still me"

Nag sad face naman ito sa akin.

Sorry besty pero ayoko talaga, ayokong magiba yung looks ko. Ayoko talaga, dito ako kinilala at hindi ako mag babago.

"O-okay, pero sumama ka sa akin. Tara?" Masaya nyang sabi.

"Ipag shoshopping nalang kita! Tara besty please?" At nag puppy eyes pa talaga sya huh?

"Oo na, as if naman may magagawa pa ako no?" Tumawa ito

Its sunday, it means walang pasok. At wala akong gagawin sa bahay, umalis sina tita seli at ang pinsan kong si reca. Hindi ko alam kung saan sila pumunta maganda na yon para hindi ako mapagalitan hehe

Nung pag uwi ko kasi nun galing sa condo ni thunder ay napagalitan ako. Naiintindihan ko naman sya kasi hindi ko naman sya masisisi na hindi magalit sa akin.

Pag dating namin sa mall nakita namin sina andrew kasama sina hmm thunder at yung dalawa kumaway sila sa amin ng makita kami

"Hi babe, oh hi din Kattie" bati ni andrew sa amin

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya

"Hello babe" si ysa na halata sa mukha ang saya

Tumingin ako sa tatlo sa likod na nakatingin lang sa amin.

"Hi Ysa, Hi din kattie" si cj

"Hello ysa at kattie" bati din ni Lawrence sa amin

"H-hello din sa inyo" ako na nahihiya. Kasi naman diba hindi ko naman kasi talaga sila close. Hehe

"Hello tiffany" napatingin ako kay thunder ng batiin ako.

"H-hello din t-thunder"

Halata sa mukha ng mga kasama namin ang gulat.

"Woaaaaahhhh totoo ba tong naririnig ko? Second name ang tawag nyo sa isat isa?" si ysa na hindi maka paniwala

"Ayieeeeee"yan ang narinig namin sa grupo

Eh? Anong masama dun? Anyare?

Hindi ko nalang sila pinansin. dahil pakiramdam ko ang pula pula ko ngayon dahil nararamdaman ko ang init nito.

"Tif buti sumama ka kay ysa?" Katabi ko ngayon si thunder. Hinihintay namin sina andrew at si ysa may binili sila sa DS at yung dalawa naman ayun nag chichiks haha

"Ahh kasi naman tong si ysa pinipilit ako e. Pinipilit ba naman akong mag pasalon. Ayoko nga hehe"

"Wag kang mag papasalon" napatingin ako sa kanya ng sinabi nya yan. May pagka seryoso ito sa kanyang mukha

"Hindi naman talaga ako, ayokong mag bago ng dahil lang sa looks ko"

Tumango lang ito ilang segundong katahimikan nanaman ang namagitan sa aming dalawa

"Uyyyyyy nag ddate silaaaaa" parang sira tong si cj sumisigaw nalang bigla bigla e

"Oo nga ayieeeee tara babe mag date din tayo hahahahahaha" parang mga sira talaga. Pano ba naman si Lawrence niyakap yakap pa si cj na para bang sila talagang dalawa hahahaha

"Sorry besty natagalan kami si andrew kasi e hindi makapili kung anong bibilhin nya"

"Ahh okay lang besty ano kaba"

Ngumiti ako sa kanya para hindi sya mag alala.

"Sabagay naman babe, kasama nya naman si thunder ay este si kyle hahahahaha"asar na sabi nito sa akin

"Sapakin kaya kita gusto mo?"

At tumawa naman silang lahat sa sinabi ko except kay thunder na ang seryoso ng mukha. Problema nito?

"T-thunder okay ka lang?" Tanong ko sa kanya

Humarap ito sa akin at tumango

"Para kasing hindi"

Ngumiti lang ito ng pilit sa akin.

Hay...

---

6pm

Nandito na ako sa bahay at nag papasalamat ako na wala pa din sina tita seli at si reca kung hindi lagot nanaman ako

Monday nanaman bukas. Panibagong araw nanaman. Panibagong bully nanaman sa akin.

Pero inaamin ko simula nung naging mag kaibigan kami ni thunder at yung tatlo at lalo na si ysa ay hindi na ako na bubully physically.

At hindi ko din maintindihan kung bakit satwing tumatabi sa akin si thunder ay yung puso ko parang nag wawala ito sa kaba. Hindi ko maintindihan kung ano tong nangyayari sa akin.

At ayokong mangyari yung kinatatakutan ko.

---

Third person

"Oh ano na nakita nyo na ba yung pinaka mamahal kong anak?" Tanong ng matanda

"S-sorry boss, hindi pa namin na sisigurado kung sya nga po ba talaga iyon" sabi nung isa sa mga tauhan nya

"Mga tanga! Ang laki laki ng mga binibigay ko sa inyo bakig hindi nyo ayusin trabaho nyo!" Sigaw na galit ng matanda

"S-sorry po boss"

"Gawin nyong mabuti ang trabaho nyo kung ayaw nyong humanap ako ng iba!"

"O-opo boss"

Halata sa mukha ng matanda ang galit dahil hindi pa nila nakikita ang kanyang anak.

Gusto na nya itong makita dahil sa tagal na nf panahon ang dumaan at hindi pa niya ito nakita.

"Bibigyan ko pa kayo ng isang buwan. Bago ako humanap ng ibang tauhan ko"

This time ay naging kalmado na ito sa pag sasalita.

Halata sa mukha nya ang sabik na makita ang kanyang pinaka mamahal na anak. Alam nito sa kanyang sarili na sa susunod na araw ay makikita na nya ito at makakasama na nya.

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon