Chapter 38

806 18 2
                                    




"EL PARADISE HERE WE GOOOOO!!"



"Manahimik ka nga lee! Isa pa huhulog na talaga kita sa van!!" Napailing na lang ako dahil kanina pa nagtatalo ang dalawa



"Sinasabi ginagawa Tan!" Sabi naman ng isa, hay kailan ba kami titino dito sa loob?



Isa't kalahati na siguro kami sa byahe, 7:45 na ng gabi panigurado pag dating na pag datin namin duon makakatulog ako ka agad.



Si Lucas ang nag ddrive na katabi si bessy, ako si maxine at si kyle ay mag kakatabi dito sa second row sina Lawrence at Cj naman sa likod kaya hindi ako matahimik dahil sa likuran namin silang dalawa nag sisigawan.



Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong tumunog, tinignan ko ito at nakita kong may message ako kay kyle, problema nito? Baka mahuli pa kami ni maxine nasa gitna pa naman namin sya hay



' i miss you na :( ' napangiti naman ako dahil dun sa nabasa ko, nireplyan ko ito at itinago na yung phone ko sa bag, mahirap na baka nga makita pa kami ni maxine.



---


"Ganito na lang tutal tatlo lang naman ang kwarto na book natin, kayong tatlong boys, Lawrence Cj at Lucas mag sama sama na sa isa" napatango kami sa sinabi ni bes, "at kami naman ni kattie sa isa" napaisip ako na may isa pa at mag sasama si kyle at maxine? Gusto ko sanang tumutol ang kaso paano?



"At sa isa tutal malapit na din naman kayong ikasal at mag kakababy na din kayo na sa isa" sabi ni lucas sa dalawa. Hindi na ako nakapag salita ng higitin ako bigla ni ysa papasok sa room namin.



"Alam mo babae ka? Halata ka masyado!" Sabi nya sa akin habang binababa ang bag nyang dalawa, "hinay hinay sa pag seselos day!" Sabi nito at tumawa



"D-di ako nag seselos, na iinis lang ako"


Tinignan nya naman akong masama sa sinabi ko, "ganun din yon no!" Sabi nya at pumasok sa cr, baka mag hhalf bath ito.



Humiga na ako sa kama, kahit anong gawin namin pag tatago ni kyle mali pa din pala to, dahil tadhana na ang nag sabi na hindi kami pwede. Ikakasal na sya at sa kapatid ko na buntis pa.



Ang sama ko bang tao? Nakakasira ako ng relasyon ng iba? Konting panahon na lang naman e. Edi isagad na diba.



--


"HOY BABAE GUMISING KA NGA DYAN!" napagising ako dahil sa sumigaw na si ysa, mali ba ako ng desisyon na pumayag sa kagustuhan nyang kaming dalawa sa kwarto? Haist!



"What?" Pag tataray ko dito, kasi naman feeling ko nahilo ako dahil doon, "Anong oras na ba?" Tanong ko din sa kanya



"Anong what what ka dyan! Dinner na tayo sa baba! At 10:40 na po ng gabi Ma'am!" Sabi nito at nag ayos sa harap ng salamin.



"Seriously? Dinner sa ganitong oras?" Tanong ko sa kanya,



"Opo! At kasama natin ang lahat!" Okay, hindi na ako nag salita pa nag ayos nalang ako.



Ilang sandali lang ng matapos kami ni ysa at bumababa na, pumunta kami sa resto dito din sa loob ng el paradise resort.



"Dito daw sila?" Tanong ko kay ysa at tumango ito, pumunta kami sa may gilid at nandito na nga sila.



"Buti bumama pa kayo?" Masungit na tanong ni maxine, luh te? Buti sumama ka kasi? Gusto ko sana yan itanong kaso wag na lang hehe



"Babe gutom na ko!" Sabi ni ysa kay lucas na tulad ko hindi pinansin si maxine. Umupo ako sa tabi ni cj na katapat ng dalawa,



' i hate seeing you with your black sando ' napataas naman ang kilay ko sa nabasa kong text galing kay kyle, luh? Ganda ko nga dito e!



' coz you are so gorgeous it makes me so sad ' kasunod ng text nya kanina, luh? Okay lang ba si kyle? Anong tinira nito?



"Babe! I was asking you! Sino yang ka text mo?" Tanong ni maxine dito, hindi ko na lang sya nireplyan dahil baka nga mahirap na at mahuli pa kami ng kapatid ko



"Business matter" masungit na sagot nito, business pala ah? Hahahaha



Gusto kong matawa kaso pinigilan ko na lang, wag na lang sana mautot chour!



"What's for dinner?" Tanong ko kay cj na nag lalaro lang sa tabi ko



"Ewan ko sa mga yan" ang nice ng sagot nakatulong sakin.



Hindi na ako kumibo at tumingin tingin na lang sa resto, madami pa din tao at sa labas na kita dito yung dagat at mga taong naglalaro sa white sand! Hay want that!!



Dumating na din yung pag kain na sa tingin ko ay in-order na nila kanina habang wala kami, shet busog nanaman ang tyan ko nito ang dami!!



"Oh hinay hinay lang sis para kang ngayon lang nakakain!" Masungit na sabi ni maxine sa harapan ko, epsi teh?



Tinignan ko lang to at ngimuti ng pilit sa kanya, kahit kailan talaga napaka epsi! Di naman kinakausap tch



Tahimik lang kaming kumain ng madual bigla si maxine, "hey you alright?" Nag aalalang tanong ni kyle dito,


"Y-yeah it's just because I'm preggy" sabi nito habang umiinom ng tubig na binigay ni kyle sa kanya,




Ayokong masaktan dahil don dahil wala akong karapatan, pero hindi ko maiwasan na hindi din mahirapan dahil mahal ko si kyle, mahal nya ako pero hindi na pwedeng maging kami. Ang hirap, ang sakit, hindi ko na din alam e. Ang hirap mag panggap na kaya ko pa.



"Let's go, hatid na kita sa room" sabi ni kyle, sasagot pa sana si maxine ng bigla nyang kinarga si maxine na bridal style. Di ka naman excited na masolo sya no? "Balik ako" sabi nya pero di ko alam pero bat sya sa akin nakatingin?



"K-kain na ulit tayo" sabi ko sa kanila dahil nakatingin lang halos sila sa akin, "I'm fine don't worry" sabi ko at sumubo na.



Ilang minuto lang ng matapos na kami sa pag kain, "tara balik na tayo sa room, di na yun babalik" sabing iyon ni Lawrence, siguro nga di na yun babalik.. haha



"Tara bes?" Aya sa akin ni ysa, tumingin ako sa dalawang lalaki na malayo layo na sa amin. Pero si lucas nandito pa din na hinihintay din si ysa.



"No bes, punta lang ako dun" turo ko sa may dagat at ngumiti,



"Samahan na kita?" Tanong nito sa akin, umiling ako bilang sagot.



"Pagod ka at kailangan mong magpahinga" sabi ko sa kanya, hindi na sya nagpumilit, nag paalam na ito at umalis na sila. Ganun din ginawa ko at naglakad na papunta dun sa may dagat.



Humahampas sa may paa ko yung tubig dahil siguro sa lakas ng alon dito at ramdam ko din ang lamig dahil naka sando at short short lang ako.



"Here you go"

---


Ang El Paradise is kachenahan na lugar ko lang iyon.

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon