Chapter 20

910 15 1
                                    



Niloko

Yan ako ngayon, naiinis ako sa sarili dahil ang dali kong maniwala! Ng dahil sa tiwalang iyon nasaktan ako.



Akala ko totoo lahat ng pinapakita nya! Akala ko gusto nya na ako! Akala ko lang pala! Kasi eto ako e minamahal sya. Minamahal ko sya pero niloloko nya lang pala ako. Tanga lang diba? Nagmahal e.



Monday ngayon, pero ngayon lang ako tinamad ng ganito. Wala akong gana sa lahat.


"Oh anong mukha yan kattie? Ang pangit mo na nga mas lalo ka pang naging pangit dahil dyan sa aura mo!" Hindi ko na lang pinansin si tita seli, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas sa gate.



Kahit tinatamad ako nag desisyon pa din ako na pumasok. Oo nasaktan ako galig ako at hindi yon dahilan para hindi pumasok.


Naging madali lang ang byahe dahil malapit lang naman ang bahay sa school.



Pag dating sa school, madami nanaman matang nakatingin sa akin. Mata na mapanghusga, madaming bulungan at halos pinagtatawanan ako.


Sige lang! Pagtawanan nyo lang ako! Imbyerna!


Hindi ko na lang sila pinansin, sanay nako e. Papansinin ko pa ba sila?



Pag dating sa room, tumigil ang lahat at tumingin sa gawi ko.



"Hay, nandito na pala ang niloko" narinig kong sabi ni veronica.


"Kawawa naman"

"Ang pangit na nga sasaktan pa"

"Wala naman kasing magmamahal dyan e, tignan nyo nga yung itsura mas maganda pa kuko sa kanya!"


Hindi ko na sana sila papansin at maglalakad na din sana ako ng hablutin bigla ni veronica ang buhok ko dahilan para mapahinto ako.


"A-AARRAAAY A-ANU BA!" Singhal ko sa kanya.


"ALAM MO KATTIE? HINDI KA NAMAN MAGANDA! KAYA NAGTATAKA AKO NG IPAGTANGGOL KA NI KYLE! PERO." Huminto muna ito sa pagsasalita tinignan nya ako sa mata, "HINDI NAMAN PALA TOTOO ANG LAHAT NG YON! HAHAHA. KAWAWA KA NAMAN!"



Wag kang iiyak kattie.



"B-bitawan moko ayoko ng away"



"Wala akong pake kung ayaw mo ng away, pero kattie ito lang tandaan mo. Huwag kang umasa na may magkakagusto sayo!"



"Tapos kana? Baka pwede mo na akong bitawan" matapang na sabi ko dito. Pero mas lalo nya pa itong hinigpitan.


"Kawawa ka no? Niloko, Pinaasa at Pinagpustahan. Isipin mo kattie mga tinuring mong mga kaibigan niloko ka hahahahaha"


"P-pinagpustahan?" Takang tanong ko dito, pinagpustahan? Totoo ba yun?


"Oo narinig ko sila! Ang saya nga nila e, kasi panalo si kyle" mga walang hiya sila!

Nagulat ako ng bigla nya akong itinulak dahilan iyon upang maingudngod ako sa sahig, nagtawanan naman ang mga tao dito sa room. Hindi ko alam kung tao nga ang mga ito. Para kasing mga hayop kung umasta.



The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon