Chapter 24

873 18 0
                                    


"Hoy bes totoo ba yung balita?" Takang tumingin ako kay ysa dahil sa sinabi, wala pa naman akong sinasabi sa kanya na nakatira na ako sa papa ko, ano naman kaya iyon? "—na ikakasal na daw sina kyle..." Malungkot na sabi nito sa akin.




Hindi na ako nagulat dahil tanggap ko na din kahit masakit.




"Huyyy o-okay ka lang bes?—"




"Ano ba bes there's no reason para hindi maging okay, and look I'm happy!" Hindi ko alam kung maniniwala ba sya sa happy thingy na iyon kasi mahirap talaga paniwalaan.




"Don't deny it bes, what Best friend are for diba?" Tama pano pa na naging mag best friend kami kung nagtatago ako sa kanya diba.




"O-okay okay, sa totoo lang bes hindi okay nung una kasi masakit talaga e dito oh—" sabay turo ko sa may bandang puso ko, "pero sa kabila ng lahat bes tanggap ko na din naman na hindi talaga ako minahal ni kyle—" anytime alam kong maiiyak na ako dito sa harap nya pero pinanatili kong naging matatag, "na one sided lang ang lahat"




Hindi ko alam kung itutuloy ko pa din dahil sobrang sakit na din talaga. Yung taong mahal ko ikakasal sa taong kapatid ko pa sa ama. Diba nakakabobo!




"And bes may sasabihin sana ako—wag kang magugulat ah?" Natawa naman ito sa sinabi ko sa kanya



"Okay shoot"



"Step sister ko si maxine" halata sa mukha nya ang pag kagulat, "Wag ka muna mag sasalita— Nakita ko na si papa nahanap na nya ako, and sa bahay nya na ako nakatira since the day na pumunta ako sa North Cemetery, at kahapon ko nalaman na si maxine— si maxine ay anak nya na magiging kapatid ko"




"WHAT THE FUCK BES! SHIT? NAG BIBIRO KA BA?!" nagpapasalamat ako dahil walang masyadong tao dito sa dulo ng may garden sa University dahil kung hindi madami ng nakatingin sa amin.



"I'M FREAKING SERIOUS"



"Shit talaga bes! I can't imagine na mag kapatid kayo! Ang dalawang magkaribal! HAHAHAHAHAA" sarap manapak ng kaibigan lalo na ngayon!



"Ewan ko sayo! Tara na nga baka ma late pa tayo sa next subject e!"



nagpasya na kami na umalis na at pumunta na sa room.




Pag dating doon wala ng pag babago kundi maingay pa din at halatang wala pang teacher, buti naman kung ganon.



"Babe! San kayo galing?" Oo bati na sila ni lucas at okay na din naman ako sa tatlo kasi alam kong hindi na din naman nila iyon ginusto, at nadala lang siguro sila dun sa amo nilang halimaw!



"Garden" simpleng sagot ni ysa sabay upo sa mag katabing upuan namin, sumunod nalang ako sa kanya.



Nandito na din si maxine at si kyle na nasa sulok at sobrang nakakairitang tignan para sa aming mga walang jowa!



Mga ilang minuto dumating si Ms Rodriguez ang aming adviser, gulat pa nga kami ng sya yung sumulpot dahil hindi naman nya oras ngayon.



"Nagulat ko ba kayo class? Haha!" Masayang tanong nito sa amin




"Hindi naman masyado Ms!" Sabi naman ni veronica.



"So wala na akong sasayangin na oras, alam kong ang iba sa inyo ay hinihintay talaga ang ganap na ito!—" hindi ko alam kung ano yon pero nanatili akong nakinig sa sasabihin "IT'S MONTE INTRAMURALS!"




Biglang umingay ang loob ng room, may iba pa nga na pumapalakpak sa tuwa na akala mo ay nanalo sa lotto ganon ba nyo kagusto yon? Ako nga hate ko yun e!



"AND WAIT PLEASE QUITE!—" Inilibot nya ang paningin sa room bago ulit mag salita, "Syempre kapag intrams hindi mawawala ang MR AND MS INTRAMURALS!" Ohhh that shit na para lang sa mga magaganda!



"WE NEED TWO GIRLS REPRESENTATIVE AND ALSO TWO BOY" bat kailangan daladalawa? Ngayon lang nangyari to, "THAT'S THE RULE, KAPAG WALA TAYONG TIG DADALAWA NA SASALI HINDI TAYO MABIBILANG" nag sitanguan naman yung iba naming mga classmate.



"WHO WANTS TO—"




Hindi pinatapos ni veronica si Ms ng mag salita ito, "SI KATTIE MS!"


"KAYA NGA MS SI KATTIE NA LANG YUNG ISA!"

"OO MS SI KATTIE NA LANG PARA UNIQUE! HAHAHAHA"

"MAGALING YAN SI KATTIE MS!"



Gaguhan ba? Parang gusto kong sapakin tong si veronica e!



"KAILANGAN TALAGANG SUMALI NI KATTIE KASI SYA ANG CLASS PRESIDENT SA ROOM NA ITO KAYA KAILANGAN NYA TALAGANG SUMALI" taenaaaa?!!!



"BUT MS! NO WAY!" hindi na ako nakapag pigil dahil naiinis talaga ako! I hate pageant!



"YES WAY MS MENDRES! RESPECT MY DECISION" Pano naman yung desisyon ko kung ganon? Hindi nyo ba rerespetuhin? Ugh!



"It's okay bes! I'm here, always supporting you!" Gumaan naman bigla yung loob ko dahil sa sinabi ki ysa sa akin. Kaya ko to!



"So meron na tayong isang sasali, sino pa sa tingin nyo na gustong sumali?"




"HERE! ME!" agaw pansin ang pag taas kamay ni maxine, oo sya nga!



"You sure Ms Chua?" Paninugurado ni Ms sa kanya


"OF COURSE I AM! AND WAIT KYLE ALSO, HE WANTS TO JOIN WITH ME!" Ano? Si kyle? Sasali sa mga ganto? Hindi siguro!



"WAIT— baby no" rinig na tanggi ni kyle sa katabi, bagay nga talaga sila mga ma eksena!



"Don't mind kyle Ms Rodriguez, we are willing to join!" Tumango tango na lang si Ms Rodriguez, kita din na parang wala ng magagawa si kyle sa gustong mangyari ng kanyang mahal, fuck that love!



"Isang boy na lang, sino pa?" Wala ni isang gustong mag taas or mag sabi kung sino ang may gusto alam kong ayaw talaga nila sa ganto. Maging si veronica na akala ko ay mahilig sa ganto ay hindi sumali.



"Si Cj na lang!" Sabi ng isang babaeng classmate namin na si kate.

"Tama si cj na lang!" Biro naman ni Lawrence sa kanya

"Oo nga dude ikaw na lang kaya?" Sabi naman ni lucas, mga sira talaga tong mata to! Hahaha



"Okay" simpleng saad nito na kinagulat ng ilan sa amin. Ano? Si cj? Sasali?



"THANKS MR LEE!" Masayang saad din ni Ms Rodriguez, "SO ETO ANG ATING MGA REPRESENTATIVE, KYLE MONTEMAYOR, CLARK JAMES LEE, MAXINE CHUA AND KATARINE MENDREZ—SO FOR NOW IPAPASA KO MUNA ITO SA OFFICE, GOOD DAY EVERYONE!"




Wala na! Ako na nga talaga! At ang masaklap kalaban ko pa yung step sister ko!



"Kaya mo yan bes!" Napatingin ako kay ysa, napangiti na lang ako dahil may Best friend akong ganitong kasuportado sa akin.



"GOOD LUCK SATIN SIS!" napatingin ako—maging ang ilan sa mga classmate namin dahil sa sinabing iyon ni maxine, shuta kang babae ka!



The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon