Chapter 56

336 9 6
                                    

"I'm pregnant" napahinto ako sa sinabing iyon ni Crystalline, what? She is? N-no



"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyle, we are here at the dining area, it's already evening.



"I'm pregnant, magiging daddy ka na ulit!" masayang sabi ni Crystalline, hindi ko alam pero bigla ko na lang nabitawan ang mga hawak ko



"Y-you sure?" tinignan ko si Kyle at kita sa mukha nito ang kaba.



"Of course!" Masayang sabi niya at tumayo ito para lumapit sa tabi ni Kyle, hinalikan niya ito sa pisngi at ngumiti, "Finally daddy ka na ng anak ko!" Ngumiti ito at tumingin ito sa akin na kita sa mukha niya ang pang aasar, "Hindi mo ba kami i cocongratulate Katarine?" Habang nakangiting sabi nito




"C-congrats" sabi ko at tinignan si Kyle, tapos yumuko.



Talo na ako, ang sakit sa puso.




"E-excuse me" sabi ko at tumayo, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at nagpatuloy na akong umalis.



Paglabas na paglabas ko pa lang sa Dining Area, tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigaln, bakit naman gano'n? Ang unfair talaga.




"handa na sana ako." bulong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin, pinagmamasdan ang sarili ko.




"ang unfair mo Kyle" muling sabi ko na akala mo ay may kausap.




Kung kailan handa na sana akong ipaglaban siya tsaka naman siya mag kakaroon ng anak kay Crystalline, no hate but I want that baby bump died. Nasampal ko ang sarili ko dahil sa pumasok sa isip ko, "ang sama mo." muling bulong ko habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko




Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ko. Alam ko ngayon, isa lang ang nararamdaman ko, sakit.





"C-can I come in?" dinig kong sabi ni Kyle, tinignan ko ito at nasa pintuan pa rin ito, tumango ako at pinunasan ang mga luhang ayoko sanang makita niya. "I'm sorry" sabi niya at lumapit sa akin, aakmang yayakapin niya ako ngunit iniwas ko na lang ang sarili ko.




"N-no, hindi ko kaya"




"Mahal kita" napangiti ako ng pilit dahil doon, mahal? Nice joke again Kyle! "Please just trust me for this" sabi niya at pinilit niya ang sarili niya para yakapin ako, dahil na rin siguro sa panghihina bumigay na ako, at ang mga luhang hindi ko kayang pigilan.



Bakit lagi mo na lang akong sinasaktan?




"shh promise, everything will be alright" dahil doon ay kailangan ko nanaman siyang pagtiwalaan. Kailangan ko nanaman umasa, kailangan kong lumaban para sa anak ko kahit alam ko sa sarili ko na may bata na ang damay rito.




"Hindi ko na kakayanin kung mawawala pa kayo ulit sa buhay ko" tinignan ko ito at kita ko rin ang mga mata niya na may halong lungkot, ang selfish ko pala. Hindi ko alam na nasasaktan din ito. I'm sorry kyle, if I am weak.




"Mahal kita, mahal na mahal" sabi nito at pinunasan ang mga luha na nasa pisngi ko, ngumiti ito tinignan ako sa mata, "Sayo lang ako" siguro sapat na iyon para malaman ko na sa akin nga talaga siya.




"Mahal din kita Kyle, sobra." sabi ko at ngumiti rito para ipaalam na okay na, "I will Trust you" sabi ko at nakita ko naman na ngumiti ito




"Thank you love, Ikaw at si Kristen pa rin ang pipiliin ko hanggang sa huli ng hininga ko"




Hindi ko alam kung selfish pakinggan pero nasiyahan ako dahil doon, sa amin si Kyle. Sa amin lang siya ni Kristen, oo pag mamay-ari namin siya.




"Wag mo ako susukuan" sabi nito at tumango ako rito




"hinding hindi" sabi ko at hinalikan ito,




Damn, I love you so much Kyle! I don't know what to do kung wala ka sa buhay ko, ikaw pa rin talaga, ikaw lang talaga. Pipiliin at mag titiwala ako sayo, kaya natin ito. Kakayanin natin ito.

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon