Chapter 35

782 17 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko kay kyle ng makita sya sa tapat ng kwarto ko.



"Easy tif! I'm here because I missed you!" Lumayo ako ng bigla itong lumapit sa akin.



"Baka makita tayo ni maxine!" Parang nag sisisi na ako na pumayag sa kagustuhan nya na 'secretly dating' daw



"I forgot haist!- hm kita na lang tayo sa condo ko, be there. 8:30 pm okay?" Tumango ako ng mabilis baka kasi makita kami ni maxine sa ganitong posisyon, hindi ko na din sya hinayahan na sumagot mabilis akong pumasok sa kwarto at ni lock iyon.




Shit! Pumayag pala ako! Kainis mukhang ako pa mahihirapan sa date date na to e!



--



Pag kagabi naligo at nag ayos na agad ako, hindi na ako mag dadalawang isip pupunta ako sa condo nya dahil gusto ko din naman ito. Tama sya kailangan namin maging masaya bago ang araw ng kasal nila.




Masakit pero after that wedding kakalimutan ko na ang lahat.



"San punta sis?" Nagulat ako kay maxine ng bigla itong mag salita sa likod ko



"A-ahh dyan lang sa tabi" gusto kong sampalin ang sarili ko sa naging sagot ko, bwiset bat bako kinakabahan!




"Ohh take care!" Humarap ako sa kanya at tumango, ngumiti lang naman ito sa akin at pumasok na sya sa kwarto nya na tapat lang ng akin.





Bumaba na ako at nakita ko si nani doon, "Si papa po?"




"Wala pa sya Miss"



"Okay, paki sabi na lang po sa kanya na may pupuntahan lang po ako"



"Masusunod Miss Ingat po kayo" tumango lang ako sa kanya at ngumiti.



Pag dating ko sa labas nakita ko doon si Mang Raul na driver ko minsan.




"Aalis po ba kayo Miss? Hahatid ko na po kayo" gusto ko sana na mag pahatid pero mahirap na baka masabi nya na pupunta ako sa isang condo




"Hindi na po Mang Raul malapit lang naman po dito yung pupuntahan ko" kahit ayaw nyang pumayag umalis na din ako dahil wala din naman syang magagawa.




Dahil may mga taxi naman na dumadaan dito sa village mabilis lang naman ako nakasakay, sinabi ko yung address ng condo ni kyle sa kanya.




30 mins din ang naging byahe ng makarating ako sa tapat ng unit nya, nandito na ako hindi na pwede akong umatras.




Nakapunta na ako dito at alam ko na din ang pass code ng unit nya dahil nakapunta na din ako dito ng gabihin ako at nalock kami ni kyle sa comfort room (Chapter 6)




Pag pasok ko sa unit nya nagulat ako ng makita ko sya na naka topless, myg! My virgin eyes :(( okay oA na kattie




"You came" ngumiti sya at lumapit sa akin. Hindi ko alam kung aatras ba ako o ano kasi naman nakakailang!



"O-of course" kattie wag kang mag pahalata na affected ka sa 6pack abs nya! Bat kasi ang bata pa nya e may pa abs na? Ganun ba sya ka perfect lahat na kinukuha nya?




"I thought you forgot" hindi ko naman makakalimutan kung alam mo lang excited talaga ako..





"M-mag bihis ka muna kaya!"




The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon