Chpater 57

766 19 28
                                    

"Baby dapat kailangan na natin bumili ng gamit para kay baby, dapat may mga damit na siya tapos paayos na rin natin iyong magiging kwarto niya" nakangiting sabi ni Crystalline kay Kyle, umagang umaga naiinis ako.



Ang arte.


"Ano ba Crystalline baby bump pa lang iyan, ni hindi pa nga natin alam kung anong gender niya e" natawa na lang ako dahil sa sinabing iyon ni Kyle. Tinignan naman akong masama ni Crystalline ngunit pinawalang bahala ko na lamang iyon. "Baby eat more" napangiti na lang ako dahil doon, hindi pa rin pala niya kinalimutan ang anak namin. Kung hindi kokotongan ko talaga ito mamaya!



"We should move the wedding date again" napatigil ako dahil sa sinabi ni Kyle, tinignan ko ito at hinihintay ang susunod niyang sasabihin, "Hintayin na muna natin lumabas si Baby"




"W-what?! No!" alam ko talaga na hindi papayag si Crystalline dahil first of all, patay na patay siya kay Kyle




"that's my decision Crystalline" sabi niya tapos tumayo at naglakad palabas ng dining area, tinignan ko si Crystalline na akala mo ay papatay na dahil sa kaniyang mukha



"What?! Are you happy now?!" nagulat ako dahil sa inasal niya sa akin, why? Anong ginawa ko? :))



Hindi ko na lang siya pinansin dahil buntis ito kahit papaano anak siya ni Kyle.


"mommy I'm done" tumayo ako tapos tinulungan ang anak ko para makababa sa kanyang upuan, dahil maliit pa lang siya at hindi pa abot ang floor


"mommy I have a baby brother na?" natawa na lang ako dahil sa tanong ni Kristen habang papaakyat kami sa taas




"Yes baby, anak siya ng tita Crystalline mo" napahinto si Kristen dahil sa sinabi ko




"What baby? I thought..." kita sa mukha niya ang lungkot, alam kong malulungkot talaga ito dahil ang gusto niya ay kami ng daddy niya ay magkabati na.



"I'm sorry baby" lumuhod ako para mag kasing tangkad kami, "You need to accept that baby as your sibling, hindi porke hindi ko siya anak ay magagalit ka na, remember baby that baby is a blessing, and you too, you are the one of the best blessings that came to my entire life" nakita ko naman itong ngumiti, kaya hinalikan ko siya sa noo, "I love you baby"



"I love you too mommy, I'm sorry po sa naging reaksyon ko kanina" napangiti na lang ako dahil doon, kahit bata pa talaga siya ay naiintindihan niya na ang lahat.




Nag patuloy na kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Kyle, "Hmm" napahinto ako dahil bigla itong nagsalita, "Aalis kami, sasamahan ko si Crystalline" dahan dahan akong tumango, "See you later baby" akala ko sa akin siya nakatingin ngunit kay Kristen niya pala iyon sinabi



"See you later daddy, mag iingat po kayo"




"of course baby, you take care here okay?" tumango naman ang anak ko, hinalikan ni Kyle si Kristen sa may noo, hinihintay kong titingin ito sa akin ngunit hindi niya ginawa.




What kind of attitude is that?



"mommy let's go?" biglang sabi ng anak ko, natulala pala ako




Pumasok na kami sa kwarto ni Kristen, it's 9:45 am, anong gagawin namin dito mag hapon? Nakakainip din pala ang walang trabaho.




"Mommy next year mag aaral na po ako" biglang sabi ng aking anak,




"Promise" sabi ko at ngumiti naman ang anak ko, last year pa gustong mag aral ng anak ko, matalino ito at hindi ko kinakahiya iyon. Mabilis siyang maka pick up, at mabilis itong makaintindi. Kaya siguro wala akong maitatagong sikerto sa kanya




"mommy do you love daddy?" napatingin naman ako dahil sa tanong niyang iyon, "answer me please" para siyang matanda kung utusan ako!




"I-i love your daddy" sabi ko at nakita ko naman itong ngumit, what for that? Pinagloloko mo ba ako anak?




"Mommy I'm so sad" napatingin naman ako sa anak ko dahil sa sinabi niya


"Why baby? Tell me then"


Lumapit ito sa akin, "Sana ako lang ang baby niyo ni daddy" akala ko napag usapan na namin ito kanina, hindi ko lang maisip na nahihirapan itong tanggapin ang katotohanan na may kapatid na nga ito


"Whatever happens baby, ikaw lang ang baby ko" ngumiti ako sa kaniya at hinalikan ito sa noo, para iparamdam sakanya na nandito lang ako kahit may iba na siyang kapatid at kahati sa kanyang ama


Bigla akong nakaramdam na awa sa anak ko, dahil ngayon pa lang niya nakakasama ang daddy niya pero eto at may kahati na agad ito sa kaniya.


I'll promise baby, gagawin ko ang lahat para maiayos lahat ng mali at para itama ang lahat. Mahal na mahal ko kayo ng daddy mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon