Chapter 19

827 10 0
                                    




"Anong balak mo sa pinapagawa ni Ms. Reyes bessy?" Nandito kami ngayon ni ysa sa garden sa University. Hinihintay namin kasi namin ang apat na lalaki.




"Ewan ko kay thunder bessy, hindi pa namin napaguusapan" ang inibigay kasi ni Ms. Reyes na activity ay kailangan namin gumawa ng essay about sa love daw na dapat nangyayari sa amin mismo. Parang tanga lang diba? Daming alam ni Ms. Reyes e.




Bahala na si darna kung ano yung masusulat namin dun hehe




"Hi beautiful ladies!" Si cj na makulit ayan nanaman kasi yung pa beautiful ladies nya e. Lady lang kasi yon! Di ako kasama.




Napatingin ako kay thunder na mukhang busy sa hawak nyang phone. Mukhang may kausap na kanina pa busy. Yan din ang dahilan kung bakit hindi ko sya matanong tanong about dun sa activity namin.





"Napabusy naman ata ng lover boy?" Si ysa na sa tingin ko si thunder ang inaasar, napatingin naman si thunder kay ysa at tumingin din sa akin, ng makita nyang nakatingin ako sa kanya bigla nyang itinago ang phone nya sa pocket nito.





"So I'll go ahead, susunduin ko si mom" hindi na nya kami hinayaan na sumagot pa, nagmadali na kasi itong naglakad na tila bang excited na makita ang mama nya.






Hindi nya man lang nagpaalam sa akin...





———





Kinabukasan.






It's friday, pero para bang tinatamad akong harapin ang lahat.




Para akong kinakabahan na ewan. Para akong natatae na hindi ko ma explain.





Hindi ako na sundo ni thunder pero nag text naman ito sa akin na magkita kami mamaya dahil may sasabihin daw ito.




Hindi ko alam kung ano 'yon pero na eexcite ako na malaman kung ano.





Pagdating sa room tinignan ko ang may pwesto namin sa may likod wala ang apat na lalaki, si ysa lang ang naroon.




"Good Morning bessy" bati sa akin ni ysa, nag nod lang ako sa kanya at ngumiti. "Alam mo ba kung nasaan sila?" Naguluhan ako sa tanong nya pero kalaunan ay nagets ko din kung sino ang tinutukoy nito.





"Ahh hindi bessy e, pero nag text sa akin kanina si thunder magkikita na lang daw kami mamaya may sasabihin daw ito." Umupo na ako sa pwesto ko "....hindi ba nag sabi si lucas sayo?" Tanong ko din dito.





Umiling ito, hindi na sya sumagot bumaling na lang ang atensyon nya sa librong hawak nya.





Busy ang gaga.





Dumating na ang teacher namin sa first subject, mukhang hindi na nga papasok ang apat na lalaki dahil wala pa ang mga ito.





Bigla nanaman akong kinabahan hindi ko alam kung bakit, pero baka dahil ito sa mangyayari mamaya. Sana maging maganda ang sasabihin ni thunder sa akin.







————





From: Sungit

Just go here to the main building, I'll wait.





Pinakita ko yun kay ysa kata tumayo na kami, eto nanaman ang puso ko.





Habang naglalakad kami ni ysa may mga bulong bulong na hindi ko maintindihan habang nakatingin sa amin—sa akin lang pala.





Pag dating sa main building, nakita ko naroon ang apat. At bakas sa mukha ng tatlo na tila bang kinabahan, tinignan ko si thunder na blanko ang itsura yang itsura na yan ang pinaunang nakita ko ng munting na nya akong masagasaan sa daan noon.





Ano bang nangyayari?




"Ayan na"

"Nandyan na sya"


"Nakaka-excite naman!"




Madami pa akong naririnig mula sa paligid, tinignan ko muli si thunder na hindi nakatingin sa akin.




"A-anong nangyayari?" Lakas na tanong ko dito, pati ang kasama ko na ysa ay ayaw din mag salita, mukhang wala din itong ideya sa mangyayari.





"Look. And. Listen." May diin sa bawat pagbigkas na iyon.





"A-ahh a-ano" nauutal na ako dahil sa kaba na din, dagdag pa ang tensyon dito. Madami na ding estudyante ang mga nanonood. Parang sinadya nya talaga na sa uwian nya ito gagawin.





"Kattie Tiffany Mendres" napatingin ako dito ng banggitin nyang buo ang pangalan ko "all this day, since the day I saw you on the road. My heart flutters with joy, napagtripan din kita that day." Biglang umingay ang paligid, pero mas nakakabingi ang tibok ng puso ko ngayon, ano to? Nag coconfess ba ito sa akin? "I like you Tiffany, please be my girl" HAAAA? ANO DAW? MY GIRL? totoo ba to? Ano? Totoo ba ang lahat ng to? Panaginip ba ito? Kasi kung panaginip lang ito ayoko ng gumising!





"Again tiffany, I want you to be my Girl" humarap ito sa akin, hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "Please"




Ano ba dapat? Anong sasabihin ko? Pero alam kong gusto ko din sya. I like him!—no I think I love him.





Wala na akong pake sa sasabihin ng iba, sa ngayon susundin ko muna kung anong gusto ng puso ko.





"O-oo thunder! Sinasagot na kita!" Bakas sa boses ko ang tuwa, sa mga sandaling iyong niyakap ko ito bigla.





Pero hindi ko man lang sya naramdaman na yumakap ng pabalik.




Bumitaw ako sa yakap, tinignan ko ito. Nakita ko ang mga mata nya na napalitan ng pagiging yelo, sobrang cold. Ano bang nagyayari? Nasisiraan na ba sya? Kanina lang ang sweet sweet nya.




"Tiffany, I'm breaking up with you" naguluhan ako sa nangyayari lalo na sa sinabi nito na break? Huh? Bigla nanaman umingay ang paligid meron din akong naririnig na tumatawa, bigla naman syang humarap sa mga kaibigan nya "I won! Panalo ako! So how's that? Let's go to the bar! Let's party!" Nakita at bakas sa mukha nito ang tuwa.





Ano ba kasi? Naguguluhan ako! Hindi ko na din alam kung anong itsura ko ngayon, dahil sa iyak. Tama umiiyak ako, umiiyak ako dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ko maintindihan! Gusto ko ng paliwanag!





Hinarap ko ito, kahit na mukha na akong tanga sa itsura ko kahit sobrang pangit ko na ngayon ay tinignan ko ito ng buong lakas.




"A-ano ba t-thunder? You are kidding right? A-alam kong n-nagbibiro ka l-lang"



Pero sana hindi ko na ginawa yun, sana hindi na lang ako nag tanong. Dahil sa mga oras na iyon gusto ko na lang mamatay, dahil sa mga oras na to parang guguho na ang mundo ko.





"Don't you understand that? Or maybe you are just stupid?" Tumalikod na ito sa akin, pero bago pa ito nagpatuloy sa paglalakad,





"I love someone else, so don't expect me to love you too and wait, don't you dare to call me again thunder"

The Nerdy Girl Turns Into A Hottie ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon