Seniorita 6
Lukas:
Napaubo sa likuran ni seniorita Sinaya ang pinsan kong si Eduardo. Tuloyan ng napatawa si Sinaya—m-may putik bas a mukha ko?
"A, e.. Nagulat lang po talaga ako dahil...dahil.." Sa ganda niyo seniorita Sinaya! Kaagad kong ipinilig ang ulo ko. Napatuwid ako ng tayo habang nauutal at tuliro kung ano ang sasabihin ko kay Sinaya. "..a, kaarawan niyo po pala! Maligayang bati po Seniorita.. S-Salamat po sa..pansit.." Salamat dahil nakita kita sa malapitan.. E, ilang taon na ba?
Yumuko ito at saka nginitian ako. Pwede na siguro akong mamatay ngayon..
"Salamat sa bati mo, Lukas pero hindi ka pa nga nakakain ng pansit—nagpapasalamat ka na. Halika ka na't kumain." Sabi ito saka tumalikod. Para naman niya akong hinihila pasunod sa kaniya at humakbang nalang ang mga paa ko kasunod sa dalaga. Malakas akong siniko ni Eduardo.
"Ayaw mo palang kumain ha? Nahihiya ba kamo?" Nanunuksong siko sa'kin ng pinsan ko na nginitian ko nalang saka napakamot sa sarili kong ulo.
"Tumahimik ka, Eduardo. Nakatingin sa'kin si Isabella baka't ano pang isipin." Si Isabella ang isang taon ko ng nobya. Isa ito sa mga katulong ng mga Argallon na kasalukuyang tinutulongan si Sinaya sa pamimigay. Hindi ko rin talaga naisip na..baka't masaktan si Isabella sa lihim kong paghanga sa kariktan ni seniorita Sinaya.
Ayst. Soy estupido!
I'm stupid! Umiwas ng tingin sa'kin si Isabella nang tuloyan na akong makalapit sa kumpol ng mga trabahador. Kaagad din akong binigyan ng plato ni seniorita na puno ng pansit.
"S-Seniorita, ako na po." Napakamot nalang ako sa ulo. Bigay ng bigay kasi si seniorita sa'kin, e, kaya ko namang kumuha ng pansit—nahihiya lang talaga ako..
"Umupo ka na diyan, Lukas." Anyaya sa'kin ng dalaga. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang plato't baso saka naupo na nga sa tabi ni Eduardo.
Dahil nahuli kami ni Eduardo na kumain ay nauna ng bumalik sa pag-aani ang mga kasamahan namin. Tumayo na rin ako at magpapaalam na sana kay seniorita na noon ay kausap ang kasamahan ni Isabella.
Bigla namang nawala ang isang yun—nagalit ba? Sulyap ng sulyap naman kasi ako kay Sinaya, e.. Ayun, nagalit tuloy si Isabella—alam ko..
Makikipag-usap nalang ako mamaya sa kaniya pagkatapos ng ani. Napabuntong-hininga ako bago humingi ng paumanhin para makapagpaalam na kay seniorita Sinaya.
"A, seniorita? Maraming salamat po sa pagkain—aalis na po kami ni Eduardo't magpapatuloy na sa pag-aani.." Sabi ko.
"Walang anuman, Lukas—a, siya nga pala. Mamayang gabi, imbitado ka sa kasayahan sa hardin. Nandun ang mga kaklase natin sa highschool—aasahan din kita." Nakangiting sinabi iyon ni Sinaya saka tumalikod patungo sa naghihintay na kabayo nito.
Inalis ko na ang tingin ko kay Sinaya saka humakbang na rin pabalik sa pag-aani. Napakurap ako ng ilang beses. Talaga bang iniimbitahan ako ni seniorita sa isang kasayahan sa kanilang hardin? Hindi kapani-paniwala pero ganun na nga ang sinabi niya!
Pupunta sa isang kasayahan?
Naku! Puro mga mayayaman lang ang mga bisita niya dun. At isa pa, nahihiya ako na makipagsalimuha sa mga dating kaklase namin—alam kong nakapagtapos sila ng maayos at may mga magagandang trabaho.
Hindi naman ako bagay dun!
Ipinagpatuloy ko ang pag-aani na yun pa rin ang nasa isipan ko. Kung papaunlakan ko ba ang imbetasyon ni seniorita Sinaya na isang beses lang na nangyari sa loob ng bente-sais na taon..
BINABASA MO ANG
Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITA
General FictionLukas Miguel Solomon & Sinaya Argallon (past) Lutther Monte Carlo & Selina Cabrera(present)