Seniorita 19

1.7K 47 2
                                    

Seniorita 19

Not in POV:

Hindi maipahiwatig ni Sinaya ang bugso ng nararamdaman nang lumapat ang labi ni Lukas sa kaniya. Marahan. Banayad.. Unti-unting napapawi ang takot niya—parang naging kulay kahel uli ang kalangitan habang papalabog ang araw.

Bakit? Bakit niya ako hinalikan?

Bumitaw si Sinaya at napakurap-kurap. Hindi niya kayang tingnan si Luka sa mga mata nito lalo na't nagpaubaya naman siya upang malayang maangkin ang mga labi niya..

Walang pagsising ginanap ni Lukas ang pisngi ni Sinaya para kunin ulit ang mga tingin nito. Hindi na rin kayang itago ang nararamdaman lalo na nang makita niya ang kabayo ni Sinaya na mabilis na tumatakbong walang sakay. Kaagad niyang sinundan pabalik ang tinahak ng kabayo at inalam kung nasa loob ba ng parola si Sinaya dahil sa lakas ng ulan at hangin ng gabing yun.

At nandun nga ito.

Ganun nalang ang takot niya sa maaaring sinapit ni Sinaya at kung anu-ano nalang ang naiisip niya. Sinagot ni Sinaya ang mga agam-agam niya nang bigla itong yumakap sa kaniya at maging siya ay hindi na niya kayang pigilin ang sinisigaw ng damdamin. Kahit wala siyang ni-katiting na karapatan na umibig para sa isang Argallon.

"Sinaya, mas natatakot ako." Simula ni Lukas. Mababa ang boses nito at nanginginig dahil na rin sa basang-basa ito sa ulan. Maging si Sinaya ay ganun din. Matamang nakatingin si Sinaya kay Lukas saka ginanap ng binata ang malamig nitong mga kamay patungo sa mga labi ng niya.

"..natatakot ako kasi mahal kita. Mahal kita, Sinaya kaya ako natatakot. Wala akong karapatang ibigin ka, Seniorita.." Nagulat ang dalaga sa namutawi sa bibig ni Lukas.

Ang kulog at kidlat sa labas ng gabing iyon ay wari'y naging himig ng isang musika. Musika sa pandinig ni Sinaya ang mga salitang lumalabas ngayon sa bibig ng binata. Kay tamis pakinggan..

"M-May..karapatan din ba ang isang tulad ko para umibig sa'yo, Lukas? Kasi natatakot din ako.." Nang marinig iyon ni Lukas ay hindi niya alam ang gagawin o sasabihin.

Hindi nito inakala na iyon ang sinabi ni Sinaya ngayon dahil akala niya'y magagalit ito lalo sa kaniya. Ilang araw niyang iniiwasan si Lukas at hindi ito lingid sa kaalaman ng binata..

"Sinaya, h-hindi ko alam ang sasabihin ko—" Sabay halik sa mga kamay ng dalaga.

"..maaari na ba kitang ligawan?" Syempre, nasa isipan na niya kung paano niya liligawan si Sinaya—o kung anong klase ng gitara ang gagamitin niya para sa unang gabi ng kaniyang pagpapahiwatig ng taos-pusong pagmamahal.

May naalala si Sinaya. Bagay na dapat niyang itanong at hindi pwedeng makalimutan.

"Si Isabella? Paano siya, Lukas?" Inaasahan na ni Lukas ang tanong ng dalaga sa kaniya. Pero wala itong planong magsinungalin—dahil hindi ganun si Lukas.

"Pinalaya na ako ni Isabella, Selina dahil buntis siya sa bago niyang mahal na si Pasito.." Tapat na sabi ni Lukas. Isang linggo na ang nakaraan nang sinabi ni Isabella na nagdadalang-tao siya at si Pasito ang ama. Lihim siyang nagpasalamat dahil mabibigyan ng pagkakataon ang tinatago niyang damdamin para kay Sinaya.

"Pasito, yung kargador?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sinaya. Hindi nito inakalang magdadalang-tao si Isabella na hindi si Lukas ang ama. Pero ba't siya masaya? "At nasaktan ba ang puso mo, Lukas?" Dagdag ng dalaga.

"Paano pa ako masasaktan kung na sa'yo na ang puso ko kasama ng puso mo, Sinaya?" Kumislap ang mga mata ni Lukas sa gitna ng kadiliman. Kahit hindi niya gaanong naaninag si Sinaya pero alam nitong nakangiti ito ngayon gaya ng pag-ngiti ng mga butuin na nagsilitawan na sa labas.

Humupa na ang ulan pero hindi ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

"SELINA.. Wake up, we're here at the airport." Gising ni Lutther kay Selina.

Selina went asleep along their way to the airport para sa kanilang scheduled London trip na dali-daling ipinag-booked ni Lutther for that day. Well, he got his plans, too. Mabuti nalang at naabutan pa nito si Selina just before she flew herself.

"Hhhmm.." Selina slowly opened her eyes and was too sleepy. When she turned to see Lutther, she jumped right off her seat to hugged him! Nabigla si Lutther sa ginawa ni Selina—he held both of his arms and wanted to pushed Selina away from him when she started..crying..

"L-Lukas.. Lukas, natatakot ako—huwag mo 'kong iiwan, mahal.." Selina sobbed against Lutther's shoulders uttering those words that startled his mind. Why was Selina calling Lutther—Lukas?

Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon