Seniorita 11
Sinaya:
Nandyan kaya si Lukas sa loob? Yakap ko ang sarili ko habang palinga-linga sa paligid. Madilim at maulan. Tumakas rin lang ako sa mansyon—gusto kong makasiguradong okay lang si Lukas.
Desvergonzado, Alfredo!
Shameless, Aflredo!
Gusto ko siyang ipapulis kanina. Bakit hindi? Walang ginawang masama si Lukas sa'kin. Sabi pa niya kina mama't papa—nakita niyang hinipuan ako ni Lukas.
Sinungaling!
Sinira niya ang kasayahan sa mismong kaarawan ko—hindi na siya nahiya! Pero halatang kaagad naniwala sina mama't papa sa sinabi ni Alfredo kahit anong paliwanag ko. Sa bandang huli—bibigyan nila ng isang pagkakataon si Lukas para magtrabaho sa sakahan. Pero sobra naman ang ginawa ni Alfredo!
Alam ko sa mga mata niya ang binabalak niya.
At kahit anong gawin niya—hindi ko siya magugustohan lalo na sa ipinakitang kalupitan niya sa taong walang ginawang masama sa kaniya!
Sa pangatlong katok ko sa labas ng kawayan na pintoan ay may bumukas na rin sa wakas. Napatuwid ako ng tayo sabay hawak sa dala-dala kong mga sisidlan ng mga gamot.
Bilang isang doctor—nababalisa ako sa isiping baka kung napano ang kamay ni Lukas.
"S-Seniorita Sinaya?" Bakas sa mukha niya ang gulat. Ngumiti ako kahit nilalamig na ako dito sa labas.
Dumiretso ang tingin ko sa kamay nitong may benda at mukhang may dahon na nakalagay.
"Magandang gabi, Lukas—maaari bang pumasok?" Maluwag nitong binuksan ang pintoan sa maliit na kubo nito. Mukhang nag-iisa rin ito sa loob at balita ko rin ay patay na ang mga magulang nito at tanging ito lang ang nag-iisang anak.
"A, h-halik, pasok, seniorita.. Pasensya na sa—ang kalat sa loob ng kubo ko. Pasensya na sa—"
Pagkapasok ko sa loob ay hinarap ko siya. Sobrang amo ng mukha ni Lukas—hindi ko man lang nakitaan ng galit o ano sa nangyari at ginawa ni Alfredo sa kaniya.
"Ako ang humihinga ng pansensya sa nangyari kanina, Lukas. Lubos kong ikinagagalit ang ginawa ni Alfredo sa'yo. Nandito ako dahil gusto kong magamot ang sugat mo—maski bayad ko man lang sa ginawa ni Alfredo sa'yo." Hindi ko kailanman ikatutuwa ang ginawa ni Alfredo—lalo ko lamang siyang kinasusuklaman sa mga pinanggagawa niya.
"Titingnan ko ang sugat mo, Lukas. Akin na yung kamay mo.." Inilagay ko sa papag ang mga gamit ko. Hindi ko na alintana na basa pala ang damit ko dahil sa ulan sa labas.
Pero tumalikod si Lukas at may kinuha pero kaagad din naman itong bumalik para iabot sakin ang isang t-shirt.
"Pasensya ka na, seniorita—lumang damit lang yan.. Isuot niyo po't baka siponin kayo." Tumango ako saka nagtungo sa maliit na papag nito para magbihis. Mabuti nalang at Malaki at maluwag ang tshirt na ibinigay ni Lukas dahil basang-basa ang damit na suot ko.
Paglabas ko ay nakaupo sa isang sulok si Lukas na parang kay lalim ng iniisip. Nang mapansin niya ako—tumayo ito mula sa papag.
"Salamat sa kamiseta mo, Lukas. Akin na yang kamay mo't gagamutin ko." Nilapitan ko siya saka kinuha ang kanang kamay niya kung saan may sugat ito. Mukhang nag-aatubili itong sumunod—kinakabahan ba siya?
O natatakot na ba siya sa'kin?
"S-Seniorita, tapos ko ng magamot ang sugat ko—ah!" Kahit dahan-dahan kong tinanggal ang benda na gawa lang pala sa lumang kamiseta—rumihestro 'agad ang kirot sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITA
General FictionLukas Miguel Solomon & Sinaya Argallon (past) Lutther Monte Carlo & Selina Cabrera(present)