Seniorita 18:

1.7K 42 7
                                    

Seniorita 18:

Selina:

Nang makalabas na ako ng hotel bitbit ang maleta ko I was expecting that all of Lutther's friends were gone by this time—pero hindi. They had seen me and walking towards here at mukhang galing sa swimming ang dal'wa.

"Hey, Selina!" Kaway nito. The hell! What should I do? Syempre hindi ko kasama ngayon si Lutther. "Aalis na kayo ni Lutther? Where is that maggot ba't hinayaan ka lang magbitbit ng maleta mo?" Damn. I was expecting that question!

I faked a smile and...should I say, nauna na si Lutther kasi may meeting pa siya?

Or..

Maiiwan pa siya dito dahil magha-honeymoon pa sila ng Aurora niya?

Of course, not the latter!

"Uhm—"

"I'm sorry, I'm late, babe—let me have that. Let's go?" Napalingon ako sa nagsalita—yes, kang Lutther na bigla nalang sumulpot sa likuran ko sabay kuha sa maleta.

What did he just call me?

Babe? Babe, daw?

I brushed my hair pinning my eyes how he smiled at me like no fire was burning earlier between us—what the hell? He was playing this wild and good, huh!

"Aw, sweet! Ba't nauwi na kayo? Wouldn't you stay here a bit longer, Lutther?" I heard the other asked. Hindi nila kasama ngayon si Chito.

"We'll catching our London trip, Mike. Enjoy your stay here! Una na kami, bro.." Lutther declared and as if it was f***ing real! London trip, huh? Hinawakan pa niya ako sa bewang ko as we were heading right where he parked his car. We both knew his friends eyes were still following—so we continued our show until we got in.

Sa passenger's seat sana ako uupo kaso nga nandyan pa sa labas nakamata ang mga kaibigan ng damuho!

"Nice acting, Lutther." I sourly said as he closed his door. He smirked at me nang nilingon ko ito.

"We'll going to London, Selina. Right now." What!? Tinaasan ko siya ng kilay—I knew what's inside his bloody mind habang pinapatakbo na niya ang sasakyan.

"Lutther, pwede ba? Do I look like your lady-guard? Don't fool me!" Huwag niyang sabihin para sa honeymoon namin? Tsk! Honeymoon his a*s!

Gagawin pa niya akong tangang tagabantay nila ni Aurora? Excuse me! I crossed my arms and looked away. Naiinis ako ngayon—na ewan.. This set-up was too insane! We were not even reached 24-hour of being married pero gan'to na kagulo..

What more could I expect in the rest of the days with Lutther? Chaotic!

"Pwede ba, Selina? We're both going to London." Kalmadong sabi niya sa'kin as his eyes set on the road. Did he plan this earlier? Para sabihin talaga na—we're for real?

And this song from his car's stereo just eerily played by him. It gave me vibes that came—years ago.. This feeling again!

Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin

Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo

Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya

Sinaya:

Pinilit kong umiwas kay Lukas sa mga nagdaang araw. Hindi ko gustong masira ang relasyon niya kay Isabella dahil lang sa umuusbong kong damdamin para rito. Hindi ito tama—para sa sarili ko..

Kasalukuyan akong nangangabayo patungo sa may parola. "Yaa!" Huminto kaagad ang kabayo kong si Delfin. Bumaba ako saka ko siya maayos na itinali sa may punong Nara. Maganda dito sa Parola. Isa sa mga paborito kong lugar sa tuwing..sa tuwing masama ang loob ko kina mama at papa.

Malakas na hangin ang dumapo sa buo kong katawaan habang nilalakad ko ang patungo sa doon sa makikita ko na ang kabuoan ng mundo—ang lawak ng karagatan.

Napayakap ako sa sarili ko.

Hindi ko alam pero kay bigat ng nasa dibdib ko nang tanggapin ni Isabella ang ipinabibigay ni Lukas na mga tangkay ng bulaklak..

Ano bang nangyayari sa sarili ko?

Naupo ako sa damuhan habang hinihintay ang paglubog ng araw ngayon. Isa ito sa mga pinakakaabangan ko sa buong araw..

Pero nadismaya ako nang pumalit ang mga makakapal at maitim na ulap kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin. Napalingon ako nang nagulat ang kabayo kong si Delfin lalo na dahil kumukulog.

Tumayo ako. Kelangan ko ng umuwi.

Patakbo kong tinungo ang aking kabayo para ibuhol na ang tali nito. Mukhang nawala ang kontrol nito dahil sa sama ng panahon—pilit kong ipinapakalma ang kabayo dahil 'pag gan'to hindi ako makakasampa..

Nang malakas itong tumalon-talon nang biglang kumidlat ng malakas at tumakbo! Kaagad ko ring nabitiwan ang tali! Tumakbo ito palayo..

"Ayst! Paano na 'to?" Sobrang lakas na ng hangin at nang nilingon ko nga ang paligid at nagdidilim na. Maglalakad na sana ako pauwi at mukhang tatahakin kong nakayapak ang malayong daanan patungo sa hacienda namin—nang siyang buhos ng malakas na ulan.

"Dios Bueno!" Good God!

Tinakbo ko ngayona ng patungong Parola. Wala akong ibang pwedeng masilungan kundi dito sa loob. Mabuti nalang at bukas iyon. Pumasok ako sa madilim na loob ng Parola at ganun nalang ang gulat ko nang binati ako ng mga daga at iilang paniki sa loob.

Lakasan mo ang loob mo, Sinaya!

Hintayin mo lang.. Titila rin ang ulan..

Napahalukipkip ako sa gilid ng hagdan. Sobrang lakas ng ulan at hangin sa labas. Bigla pang tumulo ang kisame at siyang tagas diresto sa ulo ko.

Wala akong nagawa kundi tumayo nalang sa gilid at sari-saring imahe na ang naglalaro sa isipan ko..

"'Wag kang matakot, Sinaya!" Kelangan kong kausapin ang sarili ko ngayon.. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko nang biglang may malakas na kumatok sa labas ng pintoan. Napahalukipkip ako at napayakap sa tuhod ko.

"Sinaya!?" Boses! May tao sa labas? "Sinaya?" Tawag ulit sa'kin saka bumukas ang pintoan at pumasok si L-Lukas..? Kaagad niya akong nakita sa isang sulok at tinakbo saka dahan-dahang itinayo.

"Sinaya, nakita ko ang kabayo mo—kaya naisipan kong baka nandito ka't naiwan.." Si Lukas nga! Nang sa malapitan ay naaninag ko ang maamo niyang mukha.

Ganun nalang ang higpit ng yakap ko sa kaniya!

"Lukas.." Dinama ko ang init ng katawan.. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko—hindi sa takot ko sa lakas ng ulan at hangin, kundi sa takot kong baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya.. Napapikit ako..

"Sinaya.." May bahala sa boses niya at nasaktan ako nang marahan niya akong itinulak palayo. Nasaktan ako! Hindi ko mawari ang mga tingin niya sa'kin ngayon—

Saka lumapat ang labi niya sa labi ko..

Lukas..

Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon