Seniorita 3
"Farewell my love, until we meet again,
Someday, somewhere."
–www.gecko&fly.com-
Sinaya:
"Dahan-dahan.." Bulong ni Lukas sa'kin habang binabaybay namin ang makipot na daan palabas ng Hacienda Argallon. Magkahawak-kamay kaming dal'wa at tiniis ang kadilim ng gubat.
Hindi kami nagdala ng lampara o kandila dahil baka may makakita sa'min—alas-dos pa lang ng madiling araw.
"Malapit na tayo, mahal ko. Kunting tiis nalang ha?" Humigpit lang ang kapit ko sa mga kamay niya habang dahan-dahang nakasunod sa likuran nito. Alam kong nag-aalala siya't baka masugutan ako o ano—pero wala akong pakialaman.
"Okay lang ako, mahal.." Pilit kong nagpapakatatag ngayon. Hindi ko alam ano na ang nangyari sa mansyon nang malaman nilang wala na ako doon pero..lubos akong nag-aalala kay Pasita.
Sana..walang masamang nangyari sa kaibigan ko. Dahil hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung gayun.
"Tanaw ko na ang kalsada, Sinaya.. Sa wakas!" Ani ni Lukas. Napangiti ako dahil alam kung sugat-sugat na ang mga paa ko dahil sobrang masukal ang dinaanan namin. Pero hindi ko ininda ang sakit—dapat makaalis kami ni Lukas sa San Venez bago pumutok ang araw!
Kaagad pumulot ang mga braso ni Lukas sa'kin habang sa wakas ay nasa kalsada na nga kami—maghihintay nalang kami ng bus patungo sa malapit na bayan at dun na sumakay kahit saan man patungo.
Yung malayo-malayo sa San Venez..
Malayo sa mga Argallon at Enriquez!
Nang bigla nalang may mga ilaw sa paligid! Halos nakakabulag! "L-Lukas!" Nasundan nila kami ni Lukas! Dios ko.. Ilaw galing sa tatlong sasakyan na alam kong pagmamay-ari ng pamilya ko. Napayakap ako ng Lukas.
"Lukas, natatakot ako.. Natatakot ako!" Bumuhos 'agad ang mga luha ko. Natatakot ako para sa kaniya—baka kung anong gawin nila kay Lukas!
"Sinaya, nandito ako—wag kang matakot, mahal.." Hinalikan niya ang noo ko saka ako napapikit at ayoko ng buksan pa ang mga mata ko. Gusto kong damahin ang mga yakap ng mahal ko—gusto kong manatili sa kadiliman kasama ni Lukas at wala ng iba.
"Muy bien! Muy bien!" Si Alfredo! Mahihinang palakpak mula rito habang nagbabagang nakatingin sa direksyon namin ni Lukas. "..Mi esposa y su amante." My wife and her lover. "Kumusta ang isang gabing pagtataksil, Sinaya?"
Unti-unti itong lumapit sa'min ni Lukas. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at hinarap ang kademonyohan ni Alfredo! Hindi ako natatakot sa kaniya—dahil alam ng Diyos ang lahat!
"Walang pagtataksil, Alfredo dahil si Lukas ang matagal ng pinakasal ng puso ko at hindi ikaw!" Sigaw ko. Nakapalibot din sa'min ang mga tauhan niya. Alam kong kasabwat nila ang sarili kong pamilya!
Tatlong kalalakihan ang sumugod kay Lukas at kaagad na pinagtulongan. "Lukas!" Pilit tumayo ni Lukas at lumaban pero ano ang laban ng isa sa tatlo!? Nakita ko kung paano bumagsak sa lupa si Lukas kasabay ng impit nitong paghiyaw.
"Bitiwan niyo siya! Ano ba, Alfredo! Tama na!" Mugto ang mga mata ko dahil sa bawat suntok nila ay nadudurog ang puso ko para kay Lukas..para sa mahal ko..
"Siya ba, Sinaya? Siya ba ang ipinagmamalaki mo?" Nilapitan ko siya kahit labag sa loob kong magmakaawa sa kaniya—gagawin ko para kay Lukas!
"Por favor para esto, Alfredo! Nagmamakaawa ako!" Please stop this. Pero sinuklian lang ako ng isang madilim na ekspresyon ni Alfredo sabay turo kay Lukas na ngayon ay lugmok na sa lupa. Dios ko..
"Nagmamakaawa ka para sa hampas lupang yan, Sinaya?!" Malakas nitong sigaw. "..sa lalakeng siyang dahilan ng pagtataksil mo!? Iniiyakan mo ang maduming hayop na yan?! Ha, Sinaya!?" Saka kumislap ang binunot nila mula sa kung saan.
Itinutok nito ang isang baril kay Lukas saka kinasa!
"Alfredo, 'wag!" Hinarang ko ang katawan ko sa direksyon kung saan si Lukas saka pumutok ng sunod-sunod ang baril niya.
Wala akong maramdaman habang nakatingin sa gulat na mukha ni lalakeng kinamumuhian ko.
"Sinaya!!!!!"
"L-Lukas..?" Saka ako dahan-dahang nilingon ang lalakeng pag-aalayan ko ng buhay ko maging sa huli kong hininga.
Napaluhod ako.
Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatingin ako sa dugoang mukha ng mahal kong si Lukas.. Nanginginig ang buo kong katawan pero sinikap kong maabot ang mga pisngi niya..
"Sinaya! Sinaya! Mahal ko.." Halos hindi ko na marinig ang sigaw ni Lukas pero alam kong iisang pangalan lang ang laman ng puso't isipan niya. Ako yun..
Napangiti ako. "Lu-Lukas.. M-Mahal na m-mahal kita m-maging sa..i-ikalawa k-kong b-buhay.. M-Mi primero y u-unico a-amor.." You're my one and only love. Kay bigat ng mga mata ko at pilit kong huminga ng malalim. "..n-no olvi..des—n-nuestro a-amor.." Don't forget our love.
"Sinaya...............!"
Selina:
I suddenly woke up from my sleep! I felt my body shaking and my head ached—arg, damn it! That dream again..
What the f**k was that?
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko—seemed so real! After I talked to papa I headed straight and took a real sleep—it was already four in the afternoon at hindi pa ako nag-lunch.
That's why I got that weird dream!
Shocks.. Binaril daw ako sa panaginip ko—the gun's shots were too loud at sobrang naramdaman ko ang tama ng bala dito sa may bandang tagiliran ko. I even touched my body to feel it—stupid, Selina.
But wait.
I stood up and turned to see my self on my huge mirror saka ko sinilip ang right side ko na malapit sa pusod.
My birthmark! Aw, f***ing weird! I immediately turned around and stopped overly thinking about that dream.
I remembered papa told me to prepare dahil pupunta ngayon ang pamilya ni Lutther—well, surely hindi siya pupunta but I will let myself loose around his parents—my future in laws. I grabbed my towel and got inside my bathroom.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
a/n;
dearest,
ito po ang isusunod kong story pag natapos ko na si Yzylla...
salamat po sa suporta!
-mimi/zecore-
BINABASA MO ANG
Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITA
General FictionLukas Miguel Solomon & Sinaya Argallon (past) Lutther Monte Carlo & Selina Cabrera(present)