Pilit kong minulat ang aking mga mata dahil sa pagkaluskus mula sa labas ng pinto ng aking bahay
Tumayo ako sa pagkakahiga sa sofa kung saan ako nakaidlip nang hindi ko namamalayan
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at isang babaeng magang maga ang mata ang bumungad sakin
Yong babaeng matagal ko nang nais masilayan
Yong babaeng matagal ko nang nais bumalik na sakin
Totoo ba to? Nasa harapan ko na sya?
Baka naman nananaginip na naman ako
"Deanna" niyakap nya ko ng mahigpit
Totoo nga nandito na sya sa harap ko at kayakap ko na sya ngayon
"Sorry wala akong ibang mapuntahan ikaw lang tanging naisip ko" lumalakas ang pagtangis nya
"Tahan na jema nandito lang ako, ano bang problema?" Lalo syang umiyak
Hinayaan ko lang sya at paulit-ulit hinaplos ang kanyang likod
Kahit ano pa yan jema magiging ayos lang ang lahat
Tahimik ko lang syang pinagmamasdan habang naka-upo kami sa sofa kung saan ako naka-idlip kanina
Walang parin tigil ang pagluha nya habang lumalagok sya ng tubig sa basong hawak nya
"Ok ka na ba? Pwede mo na bang sabihin sakin ano nangyari?" Humagot sya ng malalim na hininga
"Buntis ako deanna at iniwan nya ko ayaw rin akong tanggapin ng pamilya ko hanggang hindi ko nakikita si John vic at pakasalan ako" kumuyom ang mga palad ko
Si Jonh Vic, sya ang dahilan bakit iniwan ako ni jema
Dahil pinilit sya ng mga magulang nya dito dahil hindi daw ako tama para sa anak nila
Pero ngayon? Nandito si jema? Iniwan ng lalaking akala nila tama para sakanya tapos ayaw pa nilang tanggapin ngayon?
"Sorry deanna kung nandito ako! Sobrang kapal lang ng mukha ko pagkatapos ng ginawa ko sayo nandito parin ako at sayo tumakbo" nilapit ko ang sarili ko sakanya at niyakap sya
"Wag kang mag-alala nandito lang ako hindi kita papabayaan pati narin ang magiging anak mo" lalo lang syang tumangis
"Mahal na mahal kita handa kong tanggapin lahat para sayo kahit ang magiging anak mo ituturing kong akin at papalakihin natin sya nang puno nang pag-mamahal ikaw at ako magtuturo sakanya kung paano mag-mahal" hinarap nya ko at sinakop ang mukha ko ng palad nya
"Hindi mo kailangan gawin to deanna nandito lang ako para may mahingahan hindi ko ipipilit sayo ang responsibilidad na hindi naman para sayo aalis din ako agad" tumulo ang luha ko, pinunasan naman nya ito agad
"Please Jema bigyan mo naman ako ng chance matagal ko ulit tong pinangarap alam mo kung gaano kita kamahal at tatanggapin ko lahat makasama ka lang ulit" yumuko sya ang lumakas ang paghagulgol nya
"Hindi ko alam kung karapat-dapat pa ko sayo Deanna minahal ko sya hindi lang dahil binuyo ako ng magulang ko sakanya pero minahal ko talaga sya Deanna kaya hindi ko na kaya bumalik sayo, niloko kita nagmahal ako ng iba habang kasama kita kaya hindi ako karapat-dapat sayo" umiling ako
"Tanggap ko naman eh mas gusto mo bumuo ng pamilya at hindi ko yon kaya ibigay sayo kaya wala akong karapat magalit Jema mahal kita at hinding hindi na yon magbabago pa" hindi sya umimik patuloy lang sya sa pagtangis nya
"Hayaan mo kong samahan ka sa pagbuo ng tahanan pinapangarap mo hayaan mo kong mahalin ka at ang magiging anak mo" ilang beses syang tumango
Niyakap ko syang at patuloy lang kami umiyak sa balikat ng isa't isa
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay