CHAPTER 8

3.7K 71 9
                                    

CHAPTER 8

Janiana's POV

Nandito ako sa aking kwarto at maggagabi na pero para bang wala akong gana. Nakatulala lang ako.

Bakit nga ba kailangan pa ito mangyari? Buong buhay ko ay hindi ko ito ginusto. Isa ba ito sa mga pagsubok ng Diyos? Tama,pagsubok lang ito! malalampasan ko ito! Gagabayan Niya ako!

Umupo ako sa kama nang may naisipan akong kainin.

"Aha! Pupunta ako sa kusina, baka may cake! Tama tama!", kausap ko sa sarili bago tumayo at lumabas ng kwarto.

Masaya akong naglakad pababa ng hagdan para pumunta sa kusina. Pagkarating doon ay nakangiti akong binuksan ang ref na ikinalungkot ko.

Walang cake waaaaahhhh! Hhuhu!

Bagsak balikat na umupo ako sa dining at nangalumbaba at nakanguso. Gusto ko ng cake eh, bat wala? Gusto ko nong cake eh hindi naman ako papayagang lumabas eh! Nakakainis!!!!

Inis kong sinabunutan ang sarili nang may marinig akong tinig,

"What are you doing,Jane?" Seryosong sabi ni daddy.

Ngumuso lang ako at yumuko. Hindi ako sumagot baka pagalitan ako ih.

"Hey,answer me woman," madilim na ang tingin ni daddy waaahhh! Papagalitan na naman ako...

"Whats happening here,dad?",pagdating ni kuya Kysler na tumingin muna sa akin bago kay dad. Kasama niya din si kuya Kyle.

"I'm just asking that woman kung anong problema at sinasabunutan ang sarili," napapailing na sabi ni dad. Tumingin naman sakin si kuya Kysler, "anong problema,Jane?" Tanong niya ng nakakunot ang noo.

"K-kasi po,a-anopo.." Yumuko ako, natatakot ako baka di nila ako payagan.

"What is it?"

"Ano nga kasi?! Pinapatagal mo pa eh!" Sigaw ni kuya Kysler na ikinagitla ko.

Nangilid ang aking luha sa pagsigaw sa akin ni kuya Kysler. Hindi ko alam pero nasaktan ako.

"He-hey,what--- fvck, dont cry Jane!" Natatarantang sabi ni kuya pati sina kuya Kyle at daddy halatang nag-aalala---- sa tingin ko lang yun kasi tingin ko eh.

"Answer me,Jane please," sabi ni kuya ng mahinahon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"K-kasi p-po... g-gusto kong kumain ng cake na gatas ang flavor *sob*",ani ko nang umiiyak. Ewan ko ba! Kahit ako mismo hindi malaman kung bakit bigla na lang akong umiyak. Kasama ba iyon sa pagbubuntis?

"Yun naman pala eh,bakit hindi mo agad sinabi?" singit ni kuya Kyle.

"K-kasi po b-baka *sob* paga-l-litan ako ni *sob* dad. B-baka hindi niya a-ako payagan *sob*" umiiyak kong saad habang nakatingin sa kanila.

Kita ko man ang awa sa mga mata nila pero dapat hindi ako maniwala kasi alam kong hindi yun totoo, alam kong sa paningin ko lang iyon. Kaya mas mabuting huwag na akong umasa.

"We didn't buy you a cake , back to your room now," baritonong saad ni daddy na ikinanlumo ko.

"Opo", nakayuko kong sa bi at naglakad na pabalik sa kwarto.

Pagkapasok ko ay sunod-sunod ang mga luha ko na para bang gripo na hindi maisara. Tatakbo akong humiga sa kama at umiyak ng umiyak. Gusto ko lang naman ng cake bakit ba ayaw nila? Oo nga pala,wala nga pala silang pakialam sa akin. Wala nga pala ako sa kanila.

***

Gabi na at nandito pa din ako sa kama,nakasandal ang likod sa headboard ng kama, nakadag-an din ang mga braso sa dalawang tuhod at patuloy na umiiyak. Gustong-gusto ko talaga nong cake eh. Nakailang tawag na din si nanay Lucing pero hindi ko siya pinagbubuksan at sinasabi ko na lang na busog pa ako.

TOK TOK TOK,

katok na naman ni nanay Lucing.

"'Nay,ayoko nga pong kumain. Busog po---"

"It's me,your dad, Jane" putol ni dad.

Anong kailangan ni dad? Ah, baka sa\iya naman ang pipilit sa akin kumain eh cake naman ang gusto ko.

"B-bakit po dad?", kinakabahan kong sabi. Baka magalit na naman siya sa akin.

"Open this door,Jane", nandito pa din ako sa kama at nag-iisip baka kapag binuksan ko iyong pinto ay bumungad sa akin ang kamao ni dad!

pero kahit sinabi na ni dad na buksan iyon ay hindi pa din ako pumayag. Ayoko baka bugbugin ako.

"Jane, I said open this door!" halatang naiinis na siya halaaaa!!!!

"I-ito na po!" sigaw ko at wala nang nagawa kundi pumunta sa pinto at binuksan iyon.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin si daddy tapos yong kamay niya nasa likod. Kasama niya din sina kuya Kysler at kuya Kyle.

"B-bakit po?"

"Here," anito at nagningning ang mga mata ko nang makakita ng box,hehe cake to alam ko.

Aabutin ko na sana nang inilayo niya ulit ito na ikinasunod ko nang kaunti.

"Kumain ka muna ng kanin bago ito," sabi ni dad at umalis na kasama yung cake. Sumunod naman sila kuya.

Waaaahhh ang cake ko!!

dali-dali ko naman isinara ang pinto bago sumunod sa kanila.

Kyle's POV (a/n: pangalawa sa magkakapatid ng mga anak ng Segovia)

ngumiti naman kami ng sikreto nang sumunod na saamin si Jane pababa. Grabe ang saya palang may buntis dito sa mansyon hehe. Halatang gustong-gusto na ni Jane kumain ng cake pero 'di pa pwede. Kain muna siya ng kanin bago namin kainin yung cake.

Nang nasa ibaba na kami ng hagdan ay napaggigitnaan namin ni kuya si Jane,halatang ang saya-saya niya kahit namumula ang mga mata niya na halatang galing sa iyak.. Makikita kay Jane sa mata nito at magkadikit pa ang dalawang kamay at walang tunog na pumapalakpak. Ang cute ng kapatid ko, koti nalang kukurutin ko na pisngi nito hehehe.

Nang makarating na kami sa hapag ay nauna sa amin si Jane, nagkatingin pa kami ni kuya at ngumiti sa isa't isa

(A/n: wow kayo ba ang magkaka-forever?!)

Ewww author,kadiri kaaaa!!! Shoo ka ngaaa!

So ayon,nasa likod siya ni papa. Pero parang nanahimik siya ,bakit parang lumungkot ulit siya?

Nagsiupuan na kaming lahat pwera lang kay Jane. Kinuha niya ang labis na plato at akmang aalis nang magsalita si... ako hehehe..

"Where are you going,Jane?" Nakatitig din sila papa sa kaniya at halata sa mga mata ang pagtataka.

"S-sa kusina po. Dun po ako dapat kumain 'di ba? Kasama sina nanay Lucing?" Malungkot niyang saad.

Kahit ako ay nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni Jane. Kailangan ba talagang maranasan niya ito? Ito na nga ang kinakatakot namin, ang lumayo sa amin si Jane at kalimutan na kami. Hanggang kailan pa nga ba ito?

A/n: don't forget to vote, comment and share my story and follow my Wattpad account!

For more important updates, add/follow me on my Facebook account!

Antonette Despe

Thank you for reading!

I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon