I Am Just A Battered Wife
Written by: an_to_nette13
***
Chapter 21
Janiana's POV
Hindi ko alam pero para bang may tinatago sila sa akin. Tinatanong ko lang naman kung paano kami nagkakila. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako sa mga ikinikilos nila.
Nang makauwi kami sa mansyon ay nagpaalaman muna kami bago sila magkaniya-kaniya umalis. Naroon pa panggugulo ni Lian kay Mary.
"Jane, go to your room and change. Kakain na maya-maya," ani dad.
"Opo," bago ako naglakad patungo sa aking kwarto.
Pagkabukas ko ng pintuan ay iba't ibang saya ang nararamdaman ng puso ko. Ewan ko kung bakit. Kaya naman masaya akong tumalon sa kama bago niyakap-yakap ang unan ko.
'Namiss ko toh!'
Maya-maya pa ay humupa na ang nararamdaman ko bago tumayo at nagpalit na ng damit pambahay.
Nang matapos ay bumaba na ako at tumungo sa hapag para kumain. Nandoon na ang lahat ng ako'y makarating kaya naman umupo na ako.
Nagsisandok na kami ng pagkain pero nang isusubo ko na ang pagkain ay may bigla pumasok na alaala sa aking isipan.
*Flashback*
Buong pamilya kaming nasa isang parke. Ewan ko kung saang parke iyon pero natatandaan kong palagi kami pumunta noon don.
Nang matapos kami kumain magkakapatid don ay nagpaalam muna si kuya bago naghabulan na kami.
"Mom, maglalaro lang po kami saglit," nakangiting ani kuya Kysler habang nakaakbay silang dalawa ni kuya Kyle sa akin.
"Sure honey, basta't wag malapit sa sasakyan ok? 'Wag din masyado lalayo,"
"Yes,mommy"
"Ingatan niyo yang prinsesa natin ha,boys?" Ani naman ni dad.
"Yes naman!" Pagkatapos ay hinawakan ako ni kuya Kysler sa braso at sinabing, "taya Ka,bunso," at tumakbo.
"Ang daya niyo naman hindi pa nga ako nakakalayo eh," sigaw ko na tinawanan lang nilang lahat.
"Hulihin mo kami,princess," ani kuya Kyle.
Hinabol ko naman sila. Dahil sa mas bata ako at mas maikli ang biyas ng aking mga hita ay hindi ko sila maabutan.
Tumakbo pa kami ng tumakbo hanggang sa nasa tabi na kami ng kalsada. Pero para bang wala kaming napapansin. Naghabulan pa din kami hanggang sa makita ko si mommy at daddy na tumatakbo papalapit sa akin pero mas malapit na si mommy sa akin. Narinig ko pa ang kaniyang sinabi.
"Jane,anak layo!" Nanigas ako.
Hindi ko alam ang gagawin. Napatingin ako sa aking kinatatayuan at nasa gitna na ako ng kalsada. Kita ko pa ang humaharurot na truck.
Para bang bumagal ang lahat at umulit-ulit lang sa aking pandinig ang sinabi ni mommy hanggang sa naramdaman ko nang may tumulak sa akin palabas ng kalsada at hanggang sa mahiga ako sa semento.
Tsaka lang ako nagkaulirat nang nagsigawan na ang lahat. Nakadapa ako at inaalalayan ako nina kuya makatayo habang si daddy ay tinatapik si mommy na nakabulagta sa kalsada.
"M-mommy..." Unti-unting lumabo at sunod-sunod nagsituluan ang aking mga luha.
Rinig ko din ang sigawan nina kuya pero wala silang magawa kundi ang sa akin lang dumikit para maalalayan ako patayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/191626524-288-k69922.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]
FanficZach Elthon Cruz, ang lalaking na-arrange marriage dahil lang sa business. Ang lalaking naikasal sa isang babaeng hindi niya kayang mahalin. Ang lalaking may minamahal pero dahil sa arrange marriage na iyon ay hindi na niya ito magawang ipaglaban. N...