I Am Just A Battered Wife
Written By: an_to_nette13
***
Chapter 18 Bisita
"Oh... Nandito kayo para kay Jane?" Bungad ko kina Lian at sa iba pa.
"Oo naman! Kaya makakaalis Ka na sa room na ito. Dun Ka sa naatasang room sayo," singit ni Mary.
"Baby naman, wag Ka naman ganiyan kay Za---"
"Ok lang Lian, naiintindihan ko siya," pilit ngiti kong ani.
Naiintindihan ko si Mary dahil saksi din sila ng kaibigan ni Jane sa mga ginawa kong katarantaduhan dati. Pero nagsisisi na ako ngayon. At gagawin ko ang lahat para mapatawad nila ako, mapatawad ako ni Jane at mga taong nagmamahal sa kaniya.
"Tsh!! Eh kumain Ka na ba ha?!" Pabalang na sabi ni Mary. Kahit na galit siya sakin ay inaalala niya din ako. Ang bubuti ng nga kaibigan ni Jane.
Napatingin ako kay Jane.
'Gising Ka na dyan,Jane. Nandito na mga kaibigan mo. Lahat kami naghihintay sayo'
"Hindi pa eh," sagot ko at bumaling muli ang tingin sa kanila."Kayo ba,kumain na? Kung hindi pupunta akong canteen bibilhan ko kayo," pagbabalik ko ng tanong sa kanila.
"Hindi pa din kami pre!" Ani Marky.
Bahagya namang tumikhim si Carla. "Kami na ni Mary ang bibili,"
"Talaga?!" --- Marky. "Sama ako!"
'Hmm.... Halatang-halata ang lalaking toh'
"Oo nga, ako din baby Ros!" Singit naman ni Lian na tatalon-talon pa.
'Isa pa ito... Mga baklang-bakla eh'
"Tss," umirap na lang si Carla at lumabas na. Masaya namang sumunod sina Lian at Marky habang kitang-kita sa mga mukha nila ang saya.
Pinanood ko pa sila hanggang sa mawala na sila sa pintuan. Bumaling naman ako kay Marlon. Nakatitig din ito sa akin na animo'y pinag-aaralan kung ano ang nararamdaman at naiisip ko.
'Bakit naman kaya?'
"Ayos Ka lang ba?" Mukhang nalaman nito ang laman ng isip ko. Umupo naman siya sa isang sofa'ng mahaba na nasa kaliwang bahagi ko lang.
Ganito:
[Sofa] [higaan [ako na [Si Marlon na
ni Jane] nakaupo nakaupo sa
Sa tabi ni sofa]
Jane]"Oo naman ayos lang ako," sagot ko.
"Hmm... Hindi halata,"
"Kailan daw magigising si Jane?" Pagbabago nito sa tanong.
"Ewan ko nga eh... Pati ang pamilya ni Jane hindi alam at hindi din namin maintindihan kung bakit ayaw pang sabihin ng doctor kung ano ang lagay niya. Hintayin na lang daw muna siyang magising para maririnig din mismo ni Jane. " at Napabuntong-hininga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/191626524-288-k69922.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]
FanfictionZach Elthon Cruz, ang lalaking na-arrange marriage dahil lang sa business. Ang lalaking naikasal sa isang babaeng hindi niya kayang mahalin. Ang lalaking may minamahal pero dahil sa arrange marriage na iyon ay hindi na niya ito magawang ipaglaban. N...