Ako nga pala si Janiana Segovia (pronounced as jeyniyana segoviya) Jane ang nickname ko,22 years of age. At ang asawa ko ay si Zachary Elthon Cruz, Zach for short, 26, kahit ganiyan pa lamang ang edad niya ay sa kaniya na ipinamana ang lahat ng ari-arian ng mga Cruz. Kami ay mag asawa subalit ako lamang ang nagmamahal. Arrange marriage lamang kami, pero 3 years na kaming kasal at sa loob ng tatlong taon na iyon wala akong ibang naranasan kundi ang masaktan. May dalawa din akong kuya, si kuya Kysler Segovia, siya ang panganay and kuya Kyle Segovia, pangalawa at ako ang bunso. Ganito kasi ang nangyari*FLASHBACK*
[Jane, where are you?] Sabi ng aking ama sa selepono."Uhm. Nandito po sa mall dad, bakit po?" Sagot ko. Nakakapagtaka naman kasi dahil ang bait-bait niya saakin ngayon. May kailangan na naman kaya ito?
[Umuwi Ka na, may pag-uusapan tayo] huh? Ano naman kaya iyon?
"Yes po dad. Pauwi na" sagot ko pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag.
"Oh ano na naman sinabi ng tatay mong magaling, bes?" Pabalang na tanong ni Mary.
"Hoy, kung makapagsalita naman ito si Mary. Kahit Hindi karespe-respeto yang tatay ni Jane, matanda pa din yan" sabi naman ni Carla.
"Ok lang naman 'yon, Carla. Bale, pinapauwi na ako eh.. Sige na bye na guys. See you next time" sabi ko at tumayo na at umalis na ako.
Tinawagan ko ang aming family driver at nagpasundo na.
***
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ng aming maid at sinabing "hi po ma'am, nasa office po ang daddy at mga kuya mo po", nginitian ko ito " Sige, salamat" pamamaalam ko at tumungo na sa office ni dad."Good afternoon po dad, kuya Kysler at kuya Kyle" bati ko sa kanila ng makapasok. Hindi man lang nila ako binati kaya't nauna na akong muli magsalita.
"Uhh, ano po ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko
Nakita ko kung paano tumikhim ang aking ama at nagsalita "ikakasal Ka sa bunsong anak ng mga Cruz" biglaang pahayag ni daddy. Natuwa man dahil ikakasal ako sa aking mahal pero hindi ako sigurado kung may nararamdama din siya sa akin.
"P-pero po dad---" pinutol ni dad ang sinasabi ko at
"No buts, Janiana. Ang gusto ko ay gusto ko! Sumunod ka! Para naman may magawa ka sa buhay mo at para naman magtino Ka at maisip mo na ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay ng asawa ko!" Sigaw ni dad na nakapagpatulo ng aking luha.
"Ikakasal Ka sa ayaw at sa gusto mo! Now, go! Go back to your room!" Dagdag pa niya
Yumuko na lamang ako at naglakad na papunta sa aking kwarto. Wala akong ginawa doon kundi umiyak ng umiyak.
*END OF FLASHBACK*
Wala na akong nagawa noon dahil alam kong Hindi pa rin nila ako pakikinggan.
***
Nandito pa din ako sa bahay namin ni Zach. Pagkatapos ko kanina magmuni-muni ay ginawa ko na ang dapat kong mga gawin,paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng kwarto ni Zach, pagwawalis, paglilinis ng banyo at iba pa. Nakatapos ako ng 5pm. Malapit na siya umuwi kaya nagluto na ako ng hapunan.
Sinigang na manok at adobo ang niluto ko dahil paborito niya ito. Pagkatapos ko magluto ay pumunta na muna ako sa sala. Doon ko nalang siya hihintayin.
6:00pm
8:00pm
11:00pm
1:30pm
Ang tagal na ng oras ang nakalipas subalit wala pa din siya kaya tumayo na ako at naglakad na patungo sa kwarto ko.
Hindi pa man ako nakakatapak sa unang baitang ng hagdan at narinig ko na ang ugong ng sasakyan ni Zach.
BINABASA MO ANG
I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]
FanficZach Elthon Cruz, ang lalaking na-arrange marriage dahil lang sa business. Ang lalaking naikasal sa isang babaeng hindi niya kayang mahalin. Ang lalaking may minamahal pero dahil sa arrange marriage na iyon ay hindi na niya ito magawang ipaglaban. N...