CHAPTER 19: Forget You

2.8K 36 1
                                    

I Am Just A Battered Wife

Written By: an_to_nette13

***

Chapter 19 : Forget You

Zachary's POV

Nandito pa din ako sa upuan ko kanina. Katabi ko pa din si Jane. Ang iba naman ay nakaupo pa din sa kanilang mga pwesto. Tapos na kami kumain pero ang kaninang maingay ay naging tahimik.

Maya-maya'y lumapit si Mary. Umupo siya sa kama ni Jane bago nagsalita.

"Jane? Gumising ka nang gaga ka." Unti-unti namang nanubig ang mata niya. "Ang daming naghihintay sayo oh.. Yung baby hindi mo pa napapakain,tatlong araw Ka nang tulog hindi Ka pa kumakain."

Bumalatay naman sa aming lahat ang lungkot nang tumulo ang luha ni Mary. Lumapit naman sa kaniya si Lian para patahanin.

"Tahan na baby Ro---"

"Jane,gising Ka na please!!! *sob* tingnan mo umiiyak na ako oh! Di ba.... Di ba sabi mo ayaw mo kong umiiyak? Bat hindi mo pinupunasan ang luha ko ah?! *sob*" putol niya sa sasabihin ni Lian.

Maya-maya'y maririnig mo na ding umiiyak si Carla. Mahina man at pinipiliy niyang pigilan pero nagiging dahilan lang yon para lalong tumulo ang luha niya. Inalo din siya ni Marky.

Hinawakan ko naman ang kaliwang kamay ni Jane.

'Gising na Jane... Pangako... Hindi na kita sasaktan...'

Bumalik na lang ulit si Mary pagkatapos nitong mahimas-masan nang may narinig kaming mahinang ungol.

Nanlalaki ang matang tumingin kami kay Jane. Unti-unting gumagalaw ang kamay nito.

"J-jane..."

"Uhmm...."

Biglang tumayo si Mary. "Tatawag ako ng doctor" at umalis na.

Tumayo din naman si Carla. "Hmm.. Tatawagan ko din ang pamilya ni Jane," tahimik at seryoso man ang ani niya pero mababakas sa kaniyang mata ang kasiyahan.

"J-jane..." Bumaling ako sa kaniya. "A-anong pakiramdam mo? Anong nararamdaman mo? K-kumusta?" Sunod-sunod kong tanong.

Hanggang sa unti-unti na itong dumidilat.

"J-jane!! Salamat! Salamat at gising Ka na!" At niyakap ko siya.

Maya-maya pa'y pumasok na ang pamilya ni Jane kaya umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya. Lumapit naman sa kaniya ang ama niya at hinawakan siya sa kamay.

"Jane? How are you?" Anito.

Hindi pa man nakakasagot si Jane ay pumasok na ang doctor kasama si Mary at Carla.

"May naaalala Ka ba ms. Segovia?" Bakit Segovia? Di ba kasal----

'Oo nga pala... Nagfile na nga pala ako ng divorce paper at naipasa ko na iyon ng may pareho naming lagda'

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Bakit ko nga ba sinayang ang babaeng ito?

"B-bakit po? Ano po bang nangyari? Bakit po ako nandito?" Tanong nito. Tumingin naman ang doctor sa pamilya nito na parang may ipinapahiwatig bago bumaling muli kay Jane.

I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon