CHAPTER 16

2.4K 33 0
                                    

I Am Just A Battered Wife

Written By: an_to_nette13
***

Chapter 16

Mary' POV

"Lian Lee,24. A businessman, but you can call me baby," at kumindat. Napangiwi naman ako.

"Ako naman si Mary Roselle Gonzaga, 22. Photographer. Atsaka hindi Ka na sanggol para tawaging baby, pwede namang mahal," sagot ko.

"Talaga?!" At namula siya.

"Oo.... Talagang mahal ang bigas kaya 'wag mo akong lalandiin! Tse!" Pang-aasar ko sa kaniya na ikinanguso niya pero sumakay na agad ako sa kotse ko.

Pinaandar ko na ang sasakyan pero hindi pa man ako nakakalayo ay sumigaw siya.

"Bye baby! I hope you like the chocolate ice cream! I love you!" Na ikinatigil ko.

Binuksan ko ang bintana at sinilip siya.

"Fuck you!"

"Ughh! Harder baby!" Pang-aasar niya pero nagdere-deretso na ako.

'Tsk! Gwapo nga manyak nama--- gwapo?! Grrr!!'

*End of Flashback*

Ayon na nga ang nangyari. Kaya ngayon pupunta na ako kay Carla para ibigay sa kaniya ang vanilla ice cream hehehe...

Nag-ayos na ako at dumeretso na ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay niya. Ngumingiti at bumabati din ako sa mga maid.

'Syempre,ang bait ko eh!'

"Hi po ma'am," bungad ng isa pang maid no'ng pumasok ako sa loob ng bahay nila.

"Hello! Nasaan po si Carla?" Tanong ko

"Bakit?" Hehehe!! Si Carla!!

"Carlaaaaa!!" Sigaw ko at iniwan ang kanina at niyakap si Carla.

"Anong meron?" Nakakunot noong anito.

"Ito oh! Hihi!" Binigay ko sa kaniya ang vanilla ice cream.

Tinanggap niya naman ito.

'Tsh! Wala man lang thank you?! Kj tala---'

"Salamat. Tara," at naglakad na siya kaya sumunod ako.

Nakarating kami sa sala at umupo na habang siya ay sinisimulan nang kainin ang ice cream.

"So ito na nga! May iku-kwento ako sa'yo!" Simula ko. "'Di ba kinuwento ko din sayo yung nakaraang lalaki na nakabunggo ko?"

"Oo_"

"Tapos kahapon nga nagkita ulit kami sa mall!" At kinuwento ko na lahat ng nangyari kahapon. Walang labis, walang kulan.

"Nakakainis siya kasi ang manyak din niya!" Angil ko.

"Ah... So siya ang bumili nito?"

"Oo," nakanguso kong saad.

"Edi dapat pala sa lalaking iyon ako mag-thank you?" Lalo namang humaba ang nguso ko.

"Joke lang," at kinuha niya ang isang libro sa mesa.

"Hah! Kahit kailan talaga hindi Ka marunong magjoke!"

I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon