CHAPTER 13

2.5K 39 0
                                    

I Am Just A Battered Wife
Written By: an_to_nette13
***
Chapter 13

Kysler's POV

"Base sa sinabi ng resindente ay halatang sinadya ng driver na banggain sila dahil noong nasa malayo pa lang daw sina Zach ay maayos at sobrang bagal daw ng pagpapatakbo ng ten wheeler truck,"

"Maaaring may isang taong nag-utos na gawin iyon at binayaran ang driver ng truck," dagdag pa ni dad.

Napaisip ako---

Bukod kay Ricardo--- shit!! Maaaring siya nga ang nais na sabihin ni daddy!

Nagkatitigan kami ni daddy at nagkaintindihan sa pagtitig.

'Delikado na!'

Marco's POV

Nandito pa din ako sa opisina ko at palakad-lakad. Hindi ko malaman kung anong gagawim kung kaya't tinawagan ko na si Zach pagkatapos ako tawagan ng pesteng Caesar na iyon! Pinapauwi ko na sila dahil kahit kararating pa lang ni Ricardo dito sa bansa ay siguradong may naisip na naman iyong pakana! Katulad nang ginawa niya sa asawa ko.

Kahit tapos ko nang tawagan si Zach ay hindi pa din ako mapalagay! Baka mapahamak sila!

'Hindi, alam kong iingatan ni Zach si Jane... Oo... Tama'

Pero nabigla ako ng tumawag na si Zach at ito na nga ang kinalabasan.

Sa sobrang pag-aalala ko ay halos ihagis ko na ang mga upuan dito sa hospital kanina. Pero ngayon...

Nakaupo pa din ako dito pagkatapos naming mag-usap ni Kysler.

"Dad,bibili lang po ako ng pagkain para Kay Jane pagkagising niya.. Kayo po, kumain na po kayo ng tanghalian?" Tanong nito.

"Sige, ibili mo na lang ako ng isang kanin  at isang order ng ulam"

"Opo" at umalis na siya.

'Nakakainis! Hindi pu-pwedeng hindi kami gaganti! Pero maaaring si Jane na naman ang puruhin nila! Bwisit!'

Lumapit akong muli Kay Jane at umupo sa bangkitong nasa tabi niya.

Benda sa ulo, sanhi ng pagkakabagok. Mga pasa at sugar mula sa pagkakagasgaa ng katawan sa sasakyan nila.

"I-i'm sorry, Jane anak..." Napahinga ako ng malalim. "Patawad kung nangyayari ito sa'yo. Patawad kung wala kang alam dito pero mas mabuti nang wala kang alam para wala kang po-problemahin. S-sana... Sana gumising Ka na diyan.. S-sana a-ayos lang ang a-apo ko," napatulo ang luha ko.

"Jane, sana walang nangyari sa baby niyo, sa apo ko." Hinalikan ko ang noo nito bago bumukas muli ang pinto kaya pinunasan ko ang luha ko.

"Here are the rice and ulam,dad," ani Kysler.

"Yeah... Thank you" at tumayo na ako.

Lumapir ako sa kaniya at kinuha ang kanin at ulam at inilapag sa mesa.

Zachary's POV

"Zach...." "Zach..."

"J-jane?!" Sigaw kohabang nakatingin sa kaniya.

I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon