CHAPTER 14

2.5K 30 0
                                    

I Am Just A Battered Wife

Written By:  an_to_nette13
***

Chapter 14

Ricardo's POV

"Ano, ayos ba ang pinapagawa ko sa inyo?" Tanong ko sa isa kong tauhan.

[Opo,boss]

"Good,"

Nandito ako ngayon sa aking hideout.

"Ano na ang balita sa pamilya Segovia?"

[Base po sa nalaman ko ay hanggang ngyon po ay hindi pa din po nagigising si Jane], sagot nito.

'Good... Umaayon sa aking plano... HAHAHA!'

"Oh Sige.. Magmatyag Ka pa diyan at huwag kang babalik hanggang wala kang dalang bagong impormasyon"

[Masusunod,boss!] Napangisi na lang ako bago patayin ang linya.

Umupo Ko sa aking kaisa-isang upuan o ang aking trono. Marco Segovia. Kami ay matalik na magkaibigan dati kung hindi lang dahil sa isang babae.

*Flashback*

"Ric, tara na!" Sigaw ni Marco.

"Oo,tara!" Sagot ko at sabay kaming sumakay sa kaniya-kaniya naming sasakyan.

Kami ay nasa kolehiyo na. Matalik na magkaibigan kami mula highschool. At dahil magkaibigan kami ay pareho kami ng kinuhang kurso, ang business manager. Halos lahat ay nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Pero dahil doon. Nasira ang aming pagkakaibigan dahil sa isang babae.

Nandito na kami sa paaralan.

"Kyyaaaaaahhhhhh!"

"Oh my Marco!!"

"Ricardo, waaaahhhhh!!!" Sigawan ng mga tao.

"Oh pre! Ang gwapo talaga natin oh? Haha!" Ani Marco.

"Syempre!"

Naglakad na kami patungo sa aming room nang may narinig kami.

"Pare! May bagong chic daw!" Sabi nung isa.

"Oo nga! Nakita ko din siya kanina. Grabe, ang ganda!" Sabi pa nung isa.

Nagkatinginan kami ni Marco at sabay tumawa.

"Haha! Pre, baka mukhang tsonggo 'yon! Haha!" - Marco habang naglalakad kami.

"Oo nga! Baka sila lang ang nagagandahan! Hahaha?"

Tawang-tawa pa kami nang may nabunggo si Marco.

'A-ang ganda'

"Naku,sorry po! Sorry po talaga!" Sabi nung babae at nagmamadaling kinuha ang mga libro niya na nahulog.

"O-ok lang miss. Sorry din," at tinulungan siya ni Marco.

Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa mapansin ko na lang na tapos na sila mag-ayos.

"Sorry po talaga!" Sabi nung babae.

"Oo,ayos lang. Tsaka sorry din kasi nagtatawanan kami nito eh," sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hehehe," inilipat niya ang tingin sa babae. "Ako nga pala si Marco,ikaw?"

"Ah... Ako si Inna", nakipagkamay naman ito.

I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon