I Am Just A Battered Wife
Written By: an_to_nette13
***
Chapter 17 ChildishMary's POV
"Nakasisiguro ba kaming kaibigan talaga kayo ni Jane?" Ani nung isang lalaki na mukhang hindi nangiti. Ganon ba iyon?
"Mukha ba kaming nagloloko?! Psh!" Aniko at napairap.
"Eh kasi, baby baka may balak kayo o kaya baka saktan niyo si Jane," nagpapa-cute ba ito?!
"Wag mo nga akong ma-baby-baby diyan!! At ano?! May balak?! Saktan si Jane?! Woi Lian! College pa lang ay kami na ang magkakasama! Baka isampal ko sa iyo ang mga picture namin dati?!" Inis kong sabi.
Napakamot naman siya ng ulo. "Hehehe, sorry baby,"
"Sabing wag mo akong tatawaging baby eh!"
"Edi mahal na lang! Yiieee!! Love you maha---- araaayyyy!!! Awwww!!" Kinurot ko siya sa tagiliran!
"Ikaw ang landi-landi mong lalaki ka-----"
"Mga ma'am, sirs.. Kung maaari po sana ay huwag po kayong mag-ingay.. Makakaabala po sa lahat ng pasyente na narito. Kung pwede po ay sa labas na lang po kayo ng hospital," singit ng isang nurse.
"Sorry po. Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa ginawang kasalanan ng aking mga kasama... Hindi na po mauulit," saad ni Carla.
"Yeah... Sorry din sa kaingayan nila," saad naman nitong lalaki kanina na parang hindi nangiti.
Umalis naman ang nurse bago humarap muli sa amin sina Lian.
"Tara! Sumabay na kayo sa amin papunta din kami ngayon sa kila Jane," sabi naman nung isa pa na ngiting-ngiti.
'Eh?!'
Sumunod naman kami ni Carla nang naglakad na sila. Sunod-sunod din kaming pumasok sa elevator,
'Syempre! Alangan namang sabay-sabay kami edi hindi kami nagkasya?! Duzzhhh!'
"Ngayon, bakit nga ba ngayon niyo lang nalaman na na-ospital sila Jane?" Sabi ulit nitong lalaking wagas kung makangiti.
"Kasi nga kanina sabay kaming pumunta ni Carla sa bahay nina Jane para sana ibigay yung milk ice cream. Nang tinanong namin kay nanay Lucing eh ayon na nga. Na-ospital nga daw sila kaya nagtanong agad kami kung saang hospital... Ayon.. Dumeretso na kami dito." Pagku-kwento ko habang hinihintay namin ang elevator.
"Ahh!! Yung binili ko kahapon baby?! Yun ba?! Edi saan na yung vanilla?!" Singit ni Lian.
Inismiran ko naman siya bago sumagot," binigay ko kay Carla, paborito niya Lyon eh," masungit kong saad kaya napanguso siya.
"Eh, bat ang sungit-sungit mo saken?" grabe!! Ang nguso!! -__-
"Tsh!! Wag Ka na nga makulet! Hoy kayo!" Sigaw ko at tinuro ang dalawang kaibigan ni Lian. "Patahimikin niyo nga iyang kaibigan niyo! Ke'ingay ingay!"
"Tss," asta ng isa.
"Hehehe! Sorry po sa kakulitan nito ah!" At inakbayan nito si Lian na sinamaan naman siya ng tingin. "Ikaw naman pre wag kang gaganiyan-ganiyan. Tingnan mo oh! Mga chiks yan pre! Pero type ko yung isa ah," anito na hininaan pa ang huling sinabi eh rinig naman.
BINABASA MO ANG
I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]
FanfictionZach Elthon Cruz, ang lalaking na-arrange marriage dahil lang sa business. Ang lalaking naikasal sa isang babaeng hindi niya kayang mahalin. Ang lalaking may minamahal pero dahil sa arrange marriage na iyon ay hindi na niya ito magawang ipaglaban. N...