CHAPTER 9

634 24 0
                                    


(Allyson's POV)

Pagkatapos ng umagang yun ay hindi ko na nakita ang babaeng yun sa school maghapon.

Natakot na ata sa akin. Mabuti naman kung ganun.

After the whole tired day ay umuwi na ako.

"STOP IT" Sigaw ni dad.

Nag aaway na naman si Dad at Tita. Walang pagbabago!

Nakinig lang ako sa usapan nila at hindi pumasok.

"Sabihin mo na sa akin kung nasaan ang mga papeles? Nalulugi na ang company ni Albert. We need money!" Sigaw nitong muli.

"Hindi ko alam kung kanino ni Albert iniwan ang mga papeles. Bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?" Tugon naman ni tita.

"Dahil ikaw lang ang huling nakausap nya bago sya nawala." Pasigaw ulit na sabi ni dad.

"I was telling the truth." Tita replied.

Narinig ko ang isang malakas na sampal.

Sinaktan na naman ni Dad si Tita.

Iniisip ko kung tutuloy ba akong pumasok sa loob o hindi.

Naririnig ko ang paghikbi ni tita.

Maging ako man ay hindi kayang pigilan si dad sa gusto nya.

"Once na malaman ko kung kanino mo ipinatago ang pera ni Albert itatapon kita sa kalye." Pagbabanta ni dad.

"Magkaibang magkaiba kayo ni Albert! Oo nga at kakambal mo sya Robert pero you will never be like him." Sumbat naman ni tita.

Nakita kong sasampalin na naman ni dad si tita kaya naman pumasok na ako.

"Dad STOP!" Sigaw ko.

Biglang natahimik si dad at hindi na muling nakasampal kay tita.

Nagulat ako sa mga narinig ko. Ibig sabihin may kakambal si dad? pero bakit di namin alam ni Alice na may tito pala kami? At sino sya sa buhay ni tita?

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong matapos lahat ng nangyari.

Bakit ngayon ko lang nalaman? Marami pa bang tinatago sakin si Dad? Marami pa akong dapat na malaman?

Iyak lang ako ng iyak ng bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba.

Umihip ang malakas na hangin sa kwarto ko. Dahilan upang manindig ang mga balahibo ko.

I turned on the lights. Pero bigla nalang itong nagpatay sindi.

Habang patay sindi ang ilaw ay bigla nalang may isang babae na nakatayo sa harapan ko.

Napapikit ako bigla at napasigaw .

Narinig ni Dad ang sigaw ko kaya naman agad nyang tinungo ang kwarto ko.

"I saw her dad. I saw Alice." Sambit habang nakatakip sa tenga ko ang dalawa kong kamay.

"Shhh.... Wala na si Alice anak. Patay na sya okay? Wala na sya!" Pagpapakalma sakin ni dad habang yakap ako nito.

"Im scared! I don't wanna die." sambit ko ulit.

"No, I will protect you. Alice will never hurt you okay she's your sister." Muling sambit ni dad.

Matapos ang pagpaparamdam na iyon ni alice ay hindi na nasundan.

(Ellesse's POV)

Sa mga sandaling ito ay nakahiga na ako sa kama ko. Lutang at ayaw matulog dahil sa takot kong baka mag take over si Alice sa katawan ko.

Bakit kailangan sa akin pa alice? Bakit ako? Madami namang iba dyan?

Mga gumugulong tanong sa isip ko.

"Ellesse"

Agad akong napa-upo sa pagkakahiga ko dahil sa narinig ko.

"Alice asan ka? Magpakita ka sakin, kausapin mo ako." Sambit ko habang iniikot ko ang mata sa paligid.

Naririnig ko ang hikbi nya.

"Pumikit ka Ellesse. Doon mo lamang ako makakausap." Bulong niyang muli.

Matapos ang ilang segundong pagpikit ay agad ko siyang nakita.

Nasa iisang lugar kami kung saan ako nakulong.

"Bakit mo ba kaylangan hiramin ang katawan ko? Bakit ako?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil ang kawatan mo lang ang nasasaniban ko. Sinubukan mo kay Allyson subalit hindi ko magawa." Hikbi niyang sabi.

"Ibig sabihin Fit yung katawan mo sakin? Pero bakit?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam. Ang nais ko lang ay makapag higanti. Nakita mo lahat ng ginawa nila sa akin." Ani Alice.

"Oo pero katawan ko to Alice. Sabihin mo kung ano gagawin ko para sayo pero huwag mong nakawin ang hindi naman sayo." Muli kong paliwanag sa kanya.

"Hihiramin ko lang. Gaganti lang ako Ellesse." Tugon naman niya.

"No! hindi ko na sayo ipapahiram to!" Pagalit kong sabi.

Nilapitan nya ako at binulungan.

"Tingnan nalang natin."

Ipinilit kong buksan ang mga mata ko.

Napabuntong hininga ako ng ako muli ang magising at hindi si Alice.

Doon ay ginising ko si Lola at kinausap sa lahat ng nangyari.

(Lola's POV)

Nagkwento si Ellesse nang mga nangyayari sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero simula naman ng sanggol pa ito ay wala akong nakikita na magkakaroon sya ng abilidad na makapag usap sa mga wala na.

Ibinigay lang sakin si Ellesse ng isang lalaki Labing walong taon na ang nakalilipas.

Inalagaan at ibinigay ko ang makakaya ko sa kanya. Lahat ng mga anak ko ay may pamilya na bibihira nalang kung dalawin nila ako kaya si Ellesse nalang ang lagi kong kasama.

Matagal ko ng ipinaliwanag sa kanya na ibinigay lang sya sakin at tanggap naman nya iyon.

Mas minahal namin ang isat-isa.

--------Flashback------------

Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko si sir Robert bit bit ang isang sanggol.

Dati nila akong kasambahay. Kaya naman nagtitiwala sya sakin.

Ang sabi nya na napulot nya lang daw ang batang ibinigay nya sa akin.

Subalit ang sabi ko ay ipapakilala ko siyang ama rito.

Total malalaki na ang anak ko at may mga asawa na. Bukod sa nakakaawa ang sanggol ay inalagaan at kinupkop ko na.

"Magpaka layo layo po kayo."

Iniwanan nya pa ako ng pera noon. Ginamit ko iyon para sa pagpapalaki ko kay Ellesse.

----End of Flashback-------

Hanggang ngayon ay hindi ko na nakikita ang taong iyon.

Hindi na din nya ako nabalikan kasi umalis at lumipat din kami ng bahay.

"Apo gusto ko hanapin mo si Robert Villarama. Siya lamang ang makakapag sabi sayo ng tunay mong magulang."

Lagi ko sa kanyang sinasabi kapag napagkukwentuhan namin ang patungkol sa magulang.

Matapos ang kwentuhan namin ay sa kwarto ko na sya natulog dahil sa takot na baka pumalit ulit si Alice sa kanyang katawan.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon