CHAPTER 1

1.6K 25 1
                                    

(Ellesse's POV)

"Goodmorning to my loving and beautiful lola." Bati ko kay lola ng umagang iyon.

"Oh, gising kana pala apo ko? Heto at pinaghanda kita ng makakain mo. Halika't kumain kana baka mahuli ka sa klase mo." Alok sakin ni Lola.

"Ang bait bait talaga ng lola ko." Lambing ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

Kami nalang ni lola ang magkasama sa bahay 2 years old palang ako since naaksidente ang parents ko kaya siya na ang nag-alaga sakin. Mabait at masayahin si lola kaya magkasundo kami.

College na ako ngayon. Legal age na din ako at pwede na makulong.

"Thank you lola. Alis na po ako." Paalam ko kay lola.

"Sige Apo, mag-iingat ka." Sambit naman ni lola.

Umaga hanggang gabi din ang pasok ko. Nakakapagod but gusto ko makabawi kay lola someday so kelangan ko din magsipag sa pag-aaral.

"Ellesse, andito ka na pala." Bungad sakin ng bestfriend ko sa school na si Keizi.

"Oo, tapos ko na nga pala yung pinagawa mo sakin." ani ko naman.

"Ay, Oo nga pala ano? Oh heto ang bayad ko. Salamat." Sagot naman ni Keizi.

"Oo nga pala, gagabihin ata tayo ngayon kasi may program. Pamamaalam na din kay Alice, dun sa nirape na ka school mate natin." Pagpapaliwanag niya.

"Naku, hindi ako nakapag paalam kay lola na gagabihin tayo. Nakalimutan ko din kasi e." Ani ko naman.

"E papaano iyan? Ganito nalang sabay ka nalang samin ng dad ko hahatid ka namin." Alok naman sakin ni Keizi.

Hindi na ako tumanggi dahil ihahatid naman daw ako kaya hindi na din ako uuwi ng maaga at aantayin ko ang tribute kay Alice.

Kilala si Alice sa school. Mayaman ang parents nya at nagmamay-ari ng isang kilalang kompanya.

Nabalitaan naming lahat ang nangyari sa kanya. Kumalat ang balita sa buong campus kaya Isang linggo din kaming walang pasok.

Pagpasok namin ng classroom ni Keizi usap usapan ang mga nangyayari sa school matapos mamatay ni Alice.

"Hindi nyo ba nababalitaan na may umiiyak sa CR ng second floor? E hindi ba doon ang room kung saan kasama ang section ni Alice." Pananakot ni anton samin.

"Sabi pa nga may nakakakita daw kay alice na isang prof. dito e. Humihingi daw ng tulong." Sambit naman ni Andrew.

"WAAAAAAAAAAAA" Bulyaw naman ni Zach.

Dahilan upang magkagulo ang buong klase.

Biglang umihip ang malamig na hangin.

"Naramdaman mo yun keizi?" Tanong ko.

"Oo, wag mo na intindihin yun. Maupo na tayo." Ani nya.

Natapos ang buong klase ng hindi ako mapakali. Meron kung ano sa paligid na hindi ko maintindihan.

Pakiramdam ko ay may kung anonv nakatingin at sumusunod sa akin.

Same year kami ni Alice. Nakasalamuha ko na din sya. Kaya takot din ako sa mga naririnig ko. Magkaiba ang kinuha naming kurso kaya hindi din kami gaano nagkikita at nagkakausap. Kaya binaliwala ko nalang ang nararamdaman ko.

Sakto alas sais. Magsisimula na ang program ng makadamdam ako ng pagkaihi. Hindi ko mahanap si keizi sa paligid. kanina pa sya nagpaalam sakin na may bibilhin lang ngunit di pa din sya bumabalik.

Hindi ko na kinaya pa kaya naman solo akong naglakad at tinungo ang C.R ng ground floor.

"OMG, bakit nakalocked? naiihi na talaga ko." Bulong ko sa sarili.

Takot man ay wala akong choice kundi akyatin ang second floor upang doon umihi.

"Nakakainis, bakit ngayon pa ako naihi!" Muli kong bulong sa sarili.

Sakto naman na bukas ang pinto ng CR ng Second Floor sa wakas! Dali dali akong pumasok.

Di pa man ako tapos sa pagkakaihi ko ng may narinig akong mga bakas ng paa. Papalapit ito sa kinaroroonan ng CR kung saan ako umiihi.

Biglang napatid ang ihi ko! Agad akong nagpalda at lumabas. Bumungad sakin ang isang mahabang salamin ng CR na iyon. Nakuha ko pang manalamin at maghugas ng kamay.

Inaantay kong may pumasok ngunit nawala ang mga yabag ng paa na kanina lang ay malapit na si pinto ng CR.

Akmang lalabas na sana ako ng mga sandaling iyon ng biglang mag patay sindi ang ilaw.

Agad kong binuksan ang pinto at dali daling lumabas. Naabot pa ng paningin ko ang isang babae. Naka uniporme ito at pababa ng hagdan.

" Sino ka? Miss? hoyyy miss!" Tawag ko sa kanya na nooy patakbong tinuntungo ang hagdanan.

Hindi ko na sya naabutan pagbaba ko hanggang sa.....

"AAAAAAAAAAAAHHHHH" Isang napakalas na hiyaw ang pinakawalan ko kasabay ng paghiyaw din ni Keizi.

"My Godness! Aatakihin ako sayo sa pusong babae ka." sambit ni keizi habang hawak ang kanyang dibdib.

Nagkasalubong kami sa kanto pagliko pagbaba ng hagdanan.

"Naihi ako e. saan ka ba kasi nagsusuot?" Usisa ko sa kanya.

"Bumili nga ako, e nakita ko si Aaron ayun nagkwentuhan muna kami tungkol sa nangyari kay....

Hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ko na ang bibig nya!

"Shhhhhhh.... Tara na balik na tayo sa program." Akit ko sa kanya.

Natapos ang program na nabalot ng kalungkutan at paghihinagpis. Halos hindi mapatid ang mga luha ng kaklase ni Alice. Lalo na yung mga taong malalapit sa kanya.

Naihatid ako ng ligtas ni keizi at nag dad nya sa bahay.

"Lola, Im home." Bungad ko kay lola.

Pinaghanda niya ako ng makakain pagkatapos ay pinaakyat na nya ako sa kwarto upang magpahinga.

Pagpasok ko ng kwarto may kakaiba agad akong naramdaman. May naaninag akong kulay puti sa may binta parang naka uniform katulad ng uniform ko. Agad kong binuksan ang ilaw. Nakita ko na wala naman pala.

"Guni-guni mo lang yun Ellesse." Bulong ko sa sarili.

Matapos ang pagbibihis ko ay agad akong nahiga sa kama ko.

"Huwaaaaag! Maawa kayo! Tama naaaaa." Sigaw ng isang babae na nooy nakagapos!

"Asan ako? bakit ako nandito. Bakit hindi ako makagalaw? sino sila? bakit nila sinasaktan yung babae?" Tanong ko sa aking sarili.

Napakadilim ng lugar.

Nagpupumiglas ako subalit hindi ako makagalaw. Bigla kaming nagkapalit ng pwesto nong babae.

Ako na ang pinapanuod nya! Nakatitig sya sakin at naghuhumiyaw ng tulong!

"Huwaaaaaaag!" Bulyaw ko ng napakalas dahilan upang magising ako at makawala sa isang bangungot na iyon!

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon