(Robert's POV)Hindi ko na talaga mapipilit pa si Cecilia na sabihin sa akin kung nasaan ang papel na ihinabilin ni Albert.
Nauubos na ang pera ko. Wala na akong maipangsugal! Hindi ako matatahimik na hindi ko makuha iyon.
Kung kinakailangan na patayin ko din siya gagawin ko.
Makuha ko lang ang kailangan ko sa kanya ako mismo ang tatapos sa buhay niya.
"Kamusta boss?" bungad sa akin ni Leonard at Russel.
"Matagal tagal din tayong hindi nagkita." Sambit ko.
"Nabalitaan mo na po ba ang nangyari kay Eric?" Tanong ni Leonard.
"Oo! Letche tatatlo na nga lang kayo nalagasan pa." Galit kong sabi.
Lumapit sa akin si Russel at minasahe ang balikat ko.
"Easy boss! Hindi kami tutulad kay Eric." Ani nito.
"Siguraduhin niyo lang. Dahil may kailangan pa tayong linisin." Ani ko naman.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ng dalawa.
"Bumalik si Alice!" Sambit kong muli.
Mas lalo silang nagulat sa narinig.
"Paanong bumalik e patay na siya boss? Pinatay namin sa sarap. HAHAHAHAHAHA" Sagot naman ni Leonard.
"Si Ellesse! Bumalik siya gamit ang katawan ni Ellesse." Sambit ko.
"Totoo ba yang sinasabi mo boss? Ibig sabihin si Alice ang pumatay kay Eric?" Pagtatakang tanong nito.
"OO! kaya mag iingat kayo kay Ellesse." Banta ko rito.
"Bakit kami mag-iingat e hindi naman niya kami kilala boss." Muling sambit nito.
"Polpol! Ginagamit ni Alice ang katawan niya kaya maari niya kayong makilala once na si Alice ang nasa katawan niya." Ani ko.
"E ano bang plano boss? Isusunod na po ba namin siya?" Tanong ni Russel.
"Hindi na muna, makikipaglaro muna ako sa kanya. Katulad ng pakikipaglaro ko sa kanya noon." Sambit ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
Sabay-sabay naming halakhak.
Pinatay ko na siya. Muli ko ulit siyang papatayin sa ikalawang pagkakataon.
Ipinakidnap ko si Alice dahil sa pagnanais kong magkaroon ng maraming pera.
Sa tulong nila Eric, Leonard at Russel ay napaikot ko si Cecilia.
Hinayaan ko silang tatlo sa nais nilang gawin kay Alice.
Total papatayin ko din naman silang mag-ina. Inuna ko ng patayin si Alice.
Ngayon ay mas may dahilan ako para patayin din si Ellesse.
-Flashback-
"Manang ikaw na po ang mag-alaga sa batang ito." Iniabot ko ang batang kapit ko.
"Bakit po sir Robert?" tanong nito.
"Huwag kana pong maraming tanong. Ito ang pera tanggapin ninyo at magpakalayo layo na po kayo." Ani ko.
Pinaghiwalay ko sila ng hindi alam ni Albert. Tama na ang isa lang ang mababahagian ng mana niya. Hindi naman sila Identical kaya hindi halata kahit magkahiwalay sila.
Simula ng araw na iyon ay hindi ko na sila nakita hanggang sa dumating ang isang araw na nakita ko si Manang ulit kasama ang batang ibinigay ko sa kanya.
Hindi ko iyon sinabi kay cecilia dahil ayokong malaman niya na buhay ang kakambal ni Alice mayroon na ulit siyang dahilan upang maibigay ang manq rito.
Si Ellesse at si Alixe ay iisa. Magkambal sila ni Alice kaya hindi imposible na makausap at sumanib sa kanya ito.
Hinatid ko si Allyson sa school. Saktong nakita ko siya. Nagkatitigan kami ng saglit at ibinaling niya din agad sa iba ang tingin niya.
"Ellesse, Hinihintay ka na ng kapatid mo."
Matapos kong nalaman na pinatay si Eric ay agad kong sinundan ang galaw ni Cecilia.
Ang tanging mali na ginawa ni Ellesse ay ang sabihin sa amin na nakakausap niya si Alice.
Napapaikot ko kayong Lahat!
Nagkaroon ako ng dahilan para patayin si manang.
Ayokong malaman agad ni Ellesse na kakambal niya si Alice. Alam kong ikukwento ng matanda ang totoo niyang pagkatao. Mabuti nalang at Villarama pa ang gamit kong apelido noon. Apelido ng nanay namin ni Albert. Kaya naman hindi ako makikilala sa apelidong Villa ruiz ngayon.
Isa pa sa mga plano ko ang pagbabalik niya sa bahay.
Kapag namatay ang matandang iyon wala ng ibang pupuntahan si Ellesse kundi sa bahay lang.
At hindi ako nagkamali.
Kaya tinanggap ko din siya sa bahay upang masubaybayan ko ang galaw niya.
-End of Flashback-
Ang lahat ay umiikot at naayon sa akin.
Ngayon ay wala ka na ding takas sa akin Ellesse.
Hindi magtatagal ay magsasama na kayo ng kapatid mo sa kabilang buhay.
Matapos ang pag-uusap namin nina Leonard at Russel ay umuwi na din ako kaagad.
(Cecilia's POV)
Matapos ang dalawang oras ng pagkawala ay muling bumalik si Robert sa bahay.
San kaya siya galing?
Napakahayop mo talaga Robert.
Uunahan na kita bago mo pa ako mapatay.
Ihinanda ko na ang isang matalas na kutsilyo nagagamitin kong pangsaksak sa kanya.
Hindi ko hahayaan na lagi mo nalang akong saktan.
Diritsyo lang siya sa paghiga sa kama namin.
Hinawakan ko ang kutsilyo na itinago ko sa ilalim ng unan ko.
Uundayan ko na sana siya ng saksak ng bigla siyang humarap sa akin.
"Anong binabalak mo? Papatayin mo ako?" Gulat niyang sambit.
"Oo dahil hayop ka!" sagot ko.
Sadyang malakas siya. Hinigit niya ang aking buhok dahilan upang mapasigaw ako.
"Aray! Bitawan mo ako! Hayop ka Robert." Ani ko.
"Oo talagang hayop ako Cecilia." Sambit niya sabay hagis sa akin dahilan upang tumama ang ulo sa matigas na bagay.
Naramdaman kong dumugo ang likod ng ulo ko.
Kinuha niya ang kutsilyo na kanina lamang ay hawak ko.
"Hindi pa sana kita papatayin Cecilia dahil sa papers na dapat ay sakin. Pero pinaaga mo!" Ani niya habang hawak ang kutsilyo.
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Ellesse.
"Huwag! tama na tito." sigaw nito.
"Isa ka pa! huwag kang makialam rito Ellesse." sambit nito.
Nilapitan siya ni Robert at inundayan ng suntok sa sikmura dahilan upang mapaluhod ito at tuluyang matumba.
Nakita kong papalapit sakin si Robert.
Hindi pa man siya gaanong nakakalapit nang bigla na lang ako nawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang dalaga na Hinalay ng tatlong kalalakahihan at Pinatay. Dahil sa kululuwa niyang naghahanap ng Hustisya sumanib siya sa isang dalaga na magiging katulong nya upang mahanap ang mga tao sa likod ng karumal dumal na pagpatay sa kanya. Ipaghiganti...