(Ellesse POV)
Dahil sa mga nalaman ko kagabi kay lola ay agad akong naghanap ng mga Villarama na Robert ang pangalan sa social media.
Walang lumalabas.
Nakita kong Lumabas daddy ni Allyson.
Pero Villa ruiz naman ang daddy nya e.
Mukhang imposible naman na daddy yun ni Allyson. Daddy din yun ni Alice dahil sa pagpunta ko sa bahay nila alice e andun yun.
Mabilis lang akong natapos sa pag aasikaso ng aking sarili.
Nakita kong andyan na naman si Anton sa labas ng bahay.
Aantayin na naman ako para magsabay kami pagpasok.
"Siguro naman this time dika na uuwi agad." Pabiro nyang sabi.
"Siguro nga if wala si allyson?" Nakaingiti ko ding tugon.
Tawanan at biruan lang kami sa daan hanggang sa di namin namalayan nasa school na kami.
Magkaklase kami ni anton pati na din ni Keizi.
May ilang minuto pa bago ang klase pinauna ko na muna sila sa classroom.
May nawawala akong gamit. Sinuyod ko ang dinaan namin kanina ni Anton subalit wala akong makita baka kasi nahulog.
Paglabas ko ng Gate saktong dating naman ni Allyson.
Hinatid pa ng dad nya.
Nagkatitigan kami ng Dad nya. Kumurap lang ako bigla at hindi na nagpatuloy sa paghahanap.
Dali dali akong tumalikod.
At naglakad ng mabilis papasok sa classroom ko.
Hindi pa man ako nakakapasok sa classroom ng biglang humampas sakin na malamig na hangin.
At nagising nalang ako nasa loob na ako ulit ng katawan ko.
(Alice POV)
Nagulat nalang ako at hindi ko inasahan na mag take over ng katawan ni Ellesse ngayon.
Napatigil ako. Agad kong inayos ang sarili ko. Hindi pa man ako nakakahakbang ng biglang may bunggo sa likuran ko.
"Haharang harang kasi." Pagalit na sabi ni Allyson.
Hindi na ako tumuloy sa pag pasok at pinuntahan ko nalang si mom.
Pagdating ko doon siya lang ang naabutan ko.
"Tita bakit may pasa ka po?" puna ko sa kanya.
"Ah wala ito. nautog lang" Sagot naman niya.
"Kamusta ka? Nakakausap mo pa ba si alice?" Tanong niya sa akin.
I hugged her so tight.
Nagulat ko ata sya but suddenly she replied a hug to me.
"May sasabihin po ako." Diritsyo kong sabi.
Aamin na ako na ako si Alice.
"Ako po ito mom. Si Alice. I took over ellesse's body." Walang pagdadalawang isip kong sinabi.
Pumatak ang luha nya at agad akong niyakap.
"I missed you so much my daughter." Bulong nya sakin.
I cried. Namiss ko si mom. Namiss kong tawaging anak.
Hinawakan ko ang pasa nya.
"Did he hit you again?" tanong ko.
"I'm okay anak." She replied.
"Bakit ka nasa katawan ni Ellesse anak?" Dugtong niya.
"I need to find out who did this to me mom." sambit ko habang walang patid sa pagtulo ang luha ko.
"I'm so sorry anak for being selfish. Hindi man lang kita natulungan." Sambit nya.
"No mom. don't say that, Look at me. That's why I came back." I said to her.
"No one could hurt you anymore mom." dugtong ko.
Hindi namin mapigilang hindi mag iyakan.
"Anak, you also have something to know about you." Nagulat ako sa sinabi ni mom.
(Cecilia's POV)
Baka ito na ang huling pagkakataon. Hindi ko na palalagpasin na hindi ko sa kanya masabi ang katotohanan.
-------Flashback----------
Ipinanganak ko si Alice at Alixe ng sabay.
Busy sa trabaho noon si Albert ang papa ni Alice kaya naman si Robert na kakambal nito ang nandun para magbantay sa akin.
Inilayo sakin ni robert ang isa sa mga anak ko.
Dahil sa hindi ito naka iyak. Inakala kong patay ito.
Ngunit nagkamali ako.
Ibinigay nya ito sa isang matandang babae.
Bago mamatay ni Albert sa Car accedent ay nakausap ko pa ito. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Kaya bago pa man sya pumanaw ay nailipat na nya ang mana para kay Alice at Alixe
Hindi makontento si Robert sa yaman na meron sya.
Pinagbantaan nya ako na na kapag hindi ako sumama sa kanya ay papatayin nya si Alixe at tuluyan na naming hindi makita.
Sya lang ang nakakaalam ng kinaroroonan ni Alixe kaya naman kumapit na ako sa patalim.
Alam kong may asawa sya at anak ang tanging nais ko lang naman ay makasama muli si Alixe pero hindi na nya alam kung saan ito dinala ng pinagbigyan nya.
--------End of Flashback---------
"Totoo lahat ng narinig mo anak." Sabi ko habang patuloy sa pagpatak ang mga luha namin.
"Patawarin mo ang mommy. Hindi ko sinabi sayo na tito mo lang si Robert. Im so sorry." Hagulhol ko sa kanya.
(Alice POV)
Nagulantang ako sa mga nalaman ko about sa past ni mom at sa sarili ko.
I had a twin sister. Sayang at hindi ko man lang sya nakilala bago ako nawala.
"It's not your fault mom. Wala kang kasalanan dahil biktima ka dito." sambit ko.
The whole time noong nabubuhay pa ako kinilala kong ama ang dapat ay tito ko lang.
Twin brother pa nya ang daddy ko. Kaya pala ganun nalang nya ako tratuhin.
Hindi ko alam kung anong mamumutawi sa isip ko. Ang paghihiganti ba o ang hanapin kung sino ang kakambal ko.
Matapos ang pag-uusap namin ni mom ay pinaalis na nya ako dahil baka maabutan ako ni tito robert.
Bumalik ako sa school para pasukan ang last subject ni Ellesse.
Pagbaba ko ng tricycle nakita ko yung sumakay ng kotse. Kilala ko yun. Kilalang kilala ko ang hayup na yun.
Isa sa mga gumahasa sakin.
Hindi ko na nakuha ang plate number nito dahil mas nag pokus ako kay Ella.
Si Ella ba ang sakay nya? Dahil si Ella lang naman ang naglalakad sa Hall way that time.
Ano ang kinalaman nya sa kaibigan ni Allyson?
Tinawag ko si Ella.
"Ella saglit."
Tawa ko sa kanya.
Agad naman syang napahinto at napalingon ngunit muli syang naglakad papalayo sakin.
"Sino yun?" Tanong ko.
"Humarap ka sakin kinakausap kita" Gigil kong sabi.
"What are you talking about?" pagtataka niyang tanong.
"Yung naghatid sayo?" I said.
"He's my Boyfriend? Bakit ba huh? bet mo sya?" Tanong nito.
Natahimik ako bigla at nag flashback lahat ng nangyari sakin.
Hindi ko namalayan tumutulo na pala luha ko.
BINABASA MO ANG
ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang dalaga na Hinalay ng tatlong kalalakahihan at Pinatay. Dahil sa kululuwa niyang naghahanap ng Hustisya sumanib siya sa isang dalaga na magiging katulong nya upang mahanap ang mga tao sa likod ng karumal dumal na pagpatay sa kanya. Ipaghiganti...