(Alice POV)
"LOLAAAAAAAAAAAAAAAA!"
Sigaw ko ng buong lakas.
Kasalukuyan siyang nakabulagta sa sofa at wala ng buhay.
Hindi matigil ang pagpatak ng luha ko.
"Tulooooong!" paghuhumiyaw ko.
"Tulungan ninyo ako! Maawa kayo." Patuloy kong sigaw.
"Magbabayad ang gumawa nito sayo Lola. Magbabayad siya."
Patuloy ako sa pag-iyak ko ng biglang pumasok si Anton.
"Anong nangyari kay lola?" Gulat niyang tanong.
"Binaril siya. Hindi ko kilala kung sino. Tulungan mo ako Anton." Ani ko.
Dead on the spot si Lola pagdala namin sa hospital.
Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Ellesse.
Hindi pa man kami nakababalik sa bahay ng bigla akong nawalan ng malay at tuluyang hindi na alam ang sunod na nangyari.
(Ellesse POV)
Nakabalik na ako sa katawan ko.
Nagising ako sa hospital. Nakita ko si Anton na balisa at kanina pa hindi mapakali.
"Anong ginagawa natin dito Anton?" Tanong ko.
Halatang nagulat ko siya sa tanong ko. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala baka akala niya ako pa din si Alice.
"Ellesse?" tanong niya.
"Oo ako nga, bakit tayo nandito?" Muli kong tanong.
"Ellesse, huwag ka magugulat pero si Lola kasi...." Putol niyang sabi.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang Lola.
"Ba-bak-kit?" putol-putol kong sabi.
"She's gone" Tugon nito.
Parang gumuho ang mundo ko ng marinig iyon.
Agad na tumulo ang mga luha ko.
"Hindi pwede! No, hindi yan totoo Anton please tell me na hindi yan totoo." Pagkukumbinsi ko sa kanya.
Niyakap niya ako.
"Sino ang may kagagawan nito?" Tanong ko kay Anton.
"I don't know." tipid nitong sagot.
----
Dumaan ang araw at natapos ang libing ni Lola.
Isang araw ko lang napagdesisyonan na iburol siya dahil nararamdaman kong baka ako na isunod ng pumatay sa kanya.
Ang tanging nasa isip ko ay baka dahil sa pagpatay ni Alice kay Eric na boyfriend ni Ella ang dahilan kung bakit pinatay si Lola.
Nagbago na ang tahanan na tinitirahan ko.
Ang dating maliwanag ngayon ay madilim na dahil sa pagkawala ni Lola.
Nakita ko ang sulat ni Alice para sa akin.
Huminhingi siya ng tawad at gusto na din niyang tumigil sa paghihiganti.
"ALICE!" Sigaw ko ng malakas.
Poot at awa ang mararamdaman ko kay Alice.
Katulad niya ay may galit na din akong nararamdaman at paghihiganti.
Ang gusto ko lang ngayon ay maresolba namin ang kaso ni Lola at mapagtagpi-tagi ang may kagagawan ng lahat ng ito.
"Alice, magtulungan tayo! Ngayon ay hahayaan na kita sa gusto mong gawin sa katawan ko. Ipaghiganti mo si Lola. Alam kong napalapit na din siya sayo! Kausapin mo ako Alice! "
Sigaw ko habang walang patid sa pagluha ang mga mata ko at patuloy kong pagsuntok sa kama ko.
"Pinatay nila ang kaisa-isang taong nagmamahal sa akin. Hindi ako papayag na pati ako ay mapatay din nila." Bulong ko sa sarili.
"Magtago-tagoan tayo kung yan ang gusto ninyo." Dugtong ko.
(Someone's POV)
"Mahusay ka. Ito ang bayad mo. Sigutaduhin mo lang na walang makakaalam nito dahil papatayin ko ang nag-aagaw buhay mong Ina." Ani ko sa lalaking kaharap ko kasabay ng pag-abot ng pera rito.
"Patay na sa wakas ang matandang iyon. Wala na akong poproblemahin pa!" Bulong ko sa sarili.
"Ikaw na ang isusunod ko Ellesse. Isusunod kita agad."
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
"Lahat mapapa-ikot ko! Lahat mababayaran ko!"
"Huwag kang papakasiguro Ellesse. Dahil alam ko lahat ng pagkatao mo."
---
(Ellesse's POV)
Nagising nalang ako na nababalot na ng dilim ang paligid.
Pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Ang lugar kung saan nakakausap ko si Alice.
"Ellesse" Tawag sakin ng pamilyar na boses.
Agad ko siyang natanaw sa di kalayuan.
Tulad dati ay nakita ko ang suot niya.
Nababalutan siya ng dugo.
"Patawarin mo ako." Muling sambit nito.
"Wala kang kasalanan Alice. May poot sa nararamdaman ko sayo pero alam ko na hindi mo kasalanan." sagot ko sa kanya.
Sa isang iglap lang ay nakaramdam ako ng napakalamig na pakiramdam.
Niyakap niya ako!
"Magtulungan tayo Alice, Nakahanda na ako!" Ang tanging nasambit ko.
Hanggang na nagising nalang ako bigla.
Panaginip lang pala! Pero totoong totoo na na nagkausap kami.
Bumangon ako agad ng umagang iyon.
Hindi katulad ng dati na may sumasalubong sa akin pagbaba ko palang ng hagdan.
Wala na si Lola.
Pumasok ako sa school ng walang anumang laman ang tiyan ko kaya naman agad akong dumiritsyo sa cafeteria.
Nakita kong andun din si Ella.
Mag-isa ito at walang kasama.
"I'm so sorry for your lost Ella." Ani ko rito.
"Sayo din Ellesse." Maikling sagot nito.
"Bakit hindi mo kasama si Allyson?" usisa ko rito.
"Inaasikaso ko lang kasi tong papers ko. Lilipat na ako ng school." Ani nito.
Lilipat na siya? Bakit naman siya lilipat?
"Bakit ka lilipat?" Tanong ko ulit.
"Hindi na ako safe dito matapos ang mangyari kay Eric." Sagot niyang muli.
"By the way, I'll go ahead." dugtong nito.
Kakaalis lang sa table ni Ella ng biglang dumating si Anton.
Bakit hindi man lang niya ako pinansin?
Diri-diritsyo lang ito na parang hindi ako nakita.
"Hoy!" Gulat sakin ni keizi.
"Ano ka ba at nanggugulat ka nalang bigla?" Ani ko.
"Wala lang naman. Wag mo na isipin si Lola. Masaya na iyon." Sambit nito.
"Hindi naman si lola iniisip ko e. Iyang si Anton. Parang umiiwas kasi." Ani ko naman.
"Huh? e bakit naman iiwas sayo yan?" tanong nito.
"Hindi ko din alam keizi e." Sagot ko.
Natapos ang usapan namin bago pa man magsimula ang klase.
BINABASA MO ANG
ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED]
Misteri / ThrillerIsang dalaga na Hinalay ng tatlong kalalakahihan at Pinatay. Dahil sa kululuwa niyang naghahanap ng Hustisya sumanib siya sa isang dalaga na magiging katulong nya upang mahanap ang mga tao sa likod ng karumal dumal na pagpatay sa kanya. Ipaghiganti...