CHAPTER 12

585 19 0
                                    


(Ellesse's POV)

Nagising nalang ako sa sofa ng bahay.

Naririnig ko ang boses ni Keizi, Anton at Lola.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Lola gising na si Ellesse." sigaw ni keizi.

"Apo ko, ano ba ang nangyari sayo? bakit ang dungis mo? at bakit ganyan ang suot mo? napakalaswa tingnan." sambit ni lola na may halong pagtataka.

Sa totoo lang hindi ko din alam kung anong nangyari. Nag take over si Alice sa katawan ko at wala akong ideya sa mga ginawa nya.

Ang laswa tingnan ng suot ko. May bahid ako ng dugo na siyang ikinagulat ko.

"Hindi ko alam lola, basta nagising nalang ako andito na ako sa bahay." Umiiyak kong paliwanag.

"Si Alice, siya yung gumamit ng katawan ko." Dugtong ko.

"What? A-Alice?" Pagtatakang tanong ni Anton.

"Yes Anton, she's the one who said Yes to you at hindi ako yun." Ani ko sa kanya.

Bakas sa mukha ni anton ang pagtataka.

"All this time I thought It was you Ellesse. Pero how does she take over your body?" tanong niya.

"Hindi ko din alam." Hagulhol kong sabi.

Ngayon ay maliwanag na sa kanila ang lahat.

Alam na nilang tatlo na ginagamit ni Alice ang katawan ko.

"Isang lalaking wala ng buhay ang natagpuan sa isang abandonadong bahay." Headline sa balita.

Agad na napukaw nito ang atensyon namin.

Nagulat kaming apat ng ipakita sa balita ang isang sulat sa pader gamit ang dugo ng lalaking pinatay.

"Si Alice? Pinatay niya yung lalaki gamit ang katawan ko?"

Agad akong naghugas ng kamay ko habang umiiyak.

"No! No! Noooooooo! Hindi ako mamamatay tao! Noooo. That wasn't me!"

Hindi binanggit sa balita kung sino ang pumatay sapagkat hindi ito matukoy.

Pero kinakabahan ako.

"What if makulong ako? What if patayin din ako or si Lola? Paano na si lola if makulong ako?" Mga tanong na bumabagabag sa akin.

Niyakap ako ni Lola ganun din ni Keizi at Anton.

"Wala kang kasalanan okay? Hindi ikaw ang pumatay si Alice." Ani keizi habang hinihimas ang likod ko.

"Tahan na poprotektahan ka namin." Samit naman ni Anton.

(Anton's POV)

Mabuti nalang at kami ni Keizi ang nakakita sa katawan ni Ellesse na walang malay sa tabi ng kalsada malapit sa bahay nila.

Agad namin siyang ihinatid sa kanila at inihiga sa sofa hanggang sa magkamalay siya.

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari kay Ellesse.

Hindi pa man siya tumatahan ay bigla nalang siyang nag iba.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Mala impktang tawa niya.

Kanina lamang ay umiiyak siya bakit bigla nalang siyang tatawa ng malakas.

"Oh, hello everyone. Sorry I took over Ellesse's body hayaan nyo pagbalik nya di na siya umiiyak." Sambit niya ng nakangiti habang pinupunasan ang luhang kanina lang ay walang patid sa pagbuhos.

Totoo ba tong nakikita ko? Isang katawan dalawa ang nasa loob? Is this really possible?

*Snap*

Nagulat ako ng bigla nya akong gitlahin.

"Hello babe, How's your day?" Tanong niya sakin.

Hindi ako makapagsalita. Walang anumang boses na lumalabas sakin.

"Bakit mo ginagawa to sa kaibigan ko?" Tanong ni Keizi.

"Well, Nag match lang naman kasi ang katawan namin ni Ellesse. Hindi ko din alam kung bakit e. Don't worry hindi ko sasaktan si Ellesse at sino man sa inyo. Ang gusto ko lang ay gumanti sa lahat ng may kagagawan sa panggagahasa at pagpatay sakin. Si Ellesse at kayo lang ang makakatulong sakin." Pagpapaliwanag niya.

"Sa iba ka nalang sumanib. Huwag na sa apo ko." Pagmamakaawa ng Lola ni Ellesse.

"I tried na sumanib sa iba pero ang katawan lang ni Ellesse ang nasasaniban ko." sambit naman ni Alice.

"Pero paano kung may mangyari sa kanyang masama?" Ani ko sa kanya.

"Paano kung mag take over siya tapos tsaka siya gantihan ng mga kasamahan nong pinatay mo?" Dugtong ko pa.

"Hindi ko hahayaan na sa ikalawang pagkakataon mangyari ulit sakin at kay Ellesse yung mga pinaranas nila sakin. PAPATAYIN KO MUNA SILANG LAHAT!" sambit niya.

Hindi ko na siya kilala hindi nga siya si Ellesse.

(Alice POV)

Sa pagkakataong ito hindi ko alam kung bakit lumalabas nalang ako bigla sa katawan ni Ellesse. Kung dati nakokontrol ko siya ngayon hindi na. Parehas kami ni Ellesse na wala ng kontrol. Kusang lumalabas nalang ang isa sa amin kung kilan gugustuhin ng katawan ni Ellesse.

Natakot din ako sa sinabi ni Anton. Paano nga kung si Ellesse ang balikan nila.

Hindi ko hahayaan yun.

Bakas pa din sa kanila ang pagkagulat sa pagpalit ko sa katauhan  ni Ellesse.

"Maari mo bang ipakausap samin si Ellesse?" Ani Lola ni Ellesse.

"Hindi ko na po kontrolado ang pagpalit namin ni Ellesse sa katawanan nya." Sambit ko naman.

"Nag-aalala na ako sa kanya." Dugtong nito.

Niyakap ko siya ng mahigpit upang maibsan ang kanyang pangungulila kay Ellesse.

"Bakit hindi ka matahimik Alice?" Tanong ni Keizi.

"Dahil napakahayup ng ginawa nila sa akin." Sagot ko.

"Hindi ka pa ba dinadala ng liwanag?" Muling tanong nito.

"Wala pa akong nasisilayan na liwanag. Baka sa empyerno nga ang punta ko nito e dahil sa paghihiganti ang nais ko." Pabiro kong sagot.

"Siguro dahil may misyon ka pa kaya hindi manahimik ang kaluluwa mo." Sambit niyang muli.

"Siguro nga." Sagot ko naman.

"Pero huwag mo na sanang dungisan ang mga kamay ni Ellesse ng dugo. Huwag ka ng papatay pa Alice. Nandito kami tutulungan ka namin sa paraan na alam naming hindi masasaktan si Ellesse." sabat naman ni Anton.

"Iyon lang ang tanging paraan Anton upang manahimik ang kaluluwa ko." Ani ko.

Saglit na naputol ang usapan ng biglang may kumatok sa pinto.

Nagulat ako ng buksan ito ni Lola.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon