CHAPTER 3

879 27 0
                                    

(Ellesse's POV)

Garalgal ang boses na nagmula sa kabilang linya!

Boses iyon ni Alice! Muli siyang nagparamdam sakin.

Umaga na ako nakatulog dahil sa takot at sa kakaisip ko sa pangyayaring iyon.

Dahil sa takot ko ay agad akong nagtungo sa mga magulang ni alice upang mag sumbong.

"Papasukin nyo na po ako kilangan ko pong makausap mga magulang ni Alice." Pagmamakaawa ko sa guard.

"Hindi nga po pwede maam. Bawal po kami magpapasok ng kahit na sino simula noong mawala po si maam alice." Pagpapaliwanag nya.

Aalis na sana ako ng biglang lumabas mommy ni Alice dahilan upang makapasok ako sa bahay nila.

Ang laki ng bahay nila. Napagakanda at halatang mamahalin ang mga gamit. Yung tipong dapat maingat ka dahil once na makabasag ka kulang pa ipambayad ang buhay mo.

Napakalawak nito. May Chandelier sa kusina, sa sala at sa taas pag akyat ng second floor.

"Ano nga ulit sadya mo iha?" Tanong ng mommy ni Alice.

Dahilan upang maibaling ko sa kanya ang paningin ko na kanina lamang ay sa paligid ko ibinabaling.

"Ahmmm about kay Alice po." Sambit ko naman.

"What about her ija?" Tanong nya muli na halatang biglang bumigat ang kanyang pakiramdam.

"Nagpaparamdam po ba sya sa inyo?" Diritsyo kong tanong.

"Simula noong mawala sya ija, hindi pa sya nagpaparamdam sa amin." sagot nito habang nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

"Nagpaparamdam po kasi sya sakin. Hindi na po ako makatulog dahil halos gabi-gabi po sya sakin humihingi ng tulong." muli kong sambit.

Halatang natigilan sya at biglang tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak.

"Maari ka ng umalis ija." Ang tanging sagot niya sa akin na lubhang ipinagtaka ko.

"pero bakit po?" Muli kong tanong na may halong pagtataka.

"Basta umalis kana, tsaka na tayo mag-usap." Muli niyang taboy sa akin.

Akmang aalis na ako ng biglang may bumaba sa hangdan.

Si Allyson?

"Anong ginagawa nya sa bahay nila Alice?" Tanong ko sa sarili.

"Where's Dad?" Tanong nito sa mommy ni Alice na agad nagpunas ng mga luha nya.

"He's on a meeting." Sagot nito kay Allyson.

"Bakit dad ang tawag niya sa daddy ni Alice? Magkapatid ba sila? Muli kong tanong sa sarili.

Ang daming pumasok sa isip ko ng mga sandaling iyon.
Nabaling sa akin ang tingin ni Allyson.

"What are you doing here?" Tanong nito sakin.

"Bakit kayo nagpapapasok ng hampas lupa sa bahay nato tita?" Tanong niyang muli.

"She called her tita? Ang mommy ni Alice? Pero bakit?" Pagtatalo ng mga tanong sa isip ko.

"Don't worry she's leaving." Sagot naman ng mommy ni Alice.

Lumabas ako sa bahay ng mga Villa Ruiz na punong puno ng mga katanungan ang isip ko.

Napakaraming tanong na bumabagabag sakin.

"Anong ginagawa ni allyson sa bahay ni Alice kung sa pagkakaalam ng lahat na nag-iisang anak lang si Alice ng mga magulang nito?"

Ibig bang sabihin nito na pagmamay-ari din ni Alice ang paaralan namin? Pero bakit magkaiba sila ng apelido pati na din sa ugali.

Hindi ako mapakali sa paglalakad ko. Gusto kong malaman ang kasagutan sa mga tanong ko at isa lang ang tanging paraan para masagot ko iyon. Yun ay ang kausapin ko si Alice. Maaring maging lead ito sa kaso nya at sa kung sino ang gumawa noon sa kanya.

"Kaya siguro humihingi siya ng tulong sa akin." pabulong kong sambit sa sarili.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon