CHAPTER 19

565 18 0
                                    


(Ellesse POV)

Ang daming nagbago matapos ang ilang araw na dilubyo sa buhay ko.

Magkasama na kami ni Allyson na pumapasok sa katauhan ni Alice kaya naman ang daming naninibago sa amin.

Kaming tatlo na nila Keizi ang laging magkakasama.

Kumakain kami sa Cafeteria ng biglang dumaan si Anton.

"Pst. Anton?" tawag dito ni Keizi.

"Halika dito kana sa amin tumabi." aya nito.

Hindi katulad ng dati, hindi siya nagdalawang isip na lumapit at sumabay sa amin.

"Ano bang nangyari sayo lately?" Tanong ni Alice.

Halatang naninibago si Anton kay Allyson.

"By the way I'm Alice. Mahabang kwento kaya wag mo ng itanong." dugtong nito.

"Uyyy! Wait sino ba sa inyo ang Girlfriend ? Huwag niyong sabihin  na kayong dalawa? Pang-aasar ni Keizi.

"Si Alice"

"Si Allyson"

Sabay naming sambit.

"Naku, kambal talaga tayo." Sambit ni Alice.

"Ano? kambal? kayo?" putol-putol na tanong ni Anton.

"Totoo ba ito? What a co-incidence" Tanong din ni Keizi.

"Sorry guys. Kahapon lang namin nalaman na si Ellesse pala ay si Alixe which is yung kakambal ko." sabat naman ni Alice.

"Ellesse, kanina ka pa tahimik." puna sakin ni Keizi.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit umiiwas sakin si Anton.

Hindi kaya kay Alice na siya may nararamdaman?

"Ah-eh- wala ito. Huwag niyo na ako pansinin." Ani ko.

"Pasensya na Ellesse kung umiiwas ako sayo nitong mga nakaraang araw. May sakit kasi si mom." sambit ni Anton.

Ano may sakit ang mom niya?

Pero bakit ngayon niya lang sinabi.

"What kilan pa?" tanong ni Alice.

"Last week" sagot nito.

"Can we visit her?" Ani Alice.

"NO!" mabilis nitong sagot.

"Sige mauuna na ako sa inyo." Dugtong nito.

Hindi pa man ito nakakalayo sa amin ng biglang nag ring ang phone nito.

Sinagot naman niya iyon at biglang naging balisa.

Tumitig muna sa amin bago tuluyang umalis ng campus.

"Akala ko naman papasok na sa classroom." sambit ni keizi.

"Saan kaya ang punta niya?" tanong naman ni Alice.

Natapos ang klase namin ng walang nagpakitang Anton.

Bakit kaya? Siguro nagka emergency siya.

Iniwan kami ni Keizi saglit dahil may pinuntahan ito.

"Ellesse." Tawag sakin ni Alice.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Thank you for helping me." dugtong nito.

"It's okay Kambal ko. Lahat ng bahay ay may katapusan. Natapos na ang lahat para kay Robert. Kasabay niyang natupok ang papeles na iniwan satin ni Dad at Mom." Ani ko sa kanya.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon