CHAPTER 17

538 20 0
                                    

(Ellesse's POV)

Bakit hindi ako makagalaw?

Nasan ako. Wala akong makita. Bakit nakapiring ako?

"Gising kana pala?" Sambit ng isang pamilyar na boses.

"T-ti-to?" sambit ko.

Naramdaman ko nalang na tinanggal niya ang piring sa mata ko.

Si tito nga!

"Bakit ako nakatali?" tanong ko sa kanya.

Inilinga ko ang paningin sa paligid.

Pamilyar ito.

Ang lamesa na nasa harapan ko.

Ang lamesa kung saan hinalay si Alice sa panaginip ko.

"IKAW?" Sigaw ko sa kanya.

"Napakatapang mo talaga Ellesse. Ikaw nga ba si Ellesse o si Alice?" sambit nito.

"Anong gagawin mo sakin? Bakit ako nakatali? Pakawalan mo ako tito." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"HINDI! dapat lang yan sayo." ani nito.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ng isang babae.

Si tita ? Pati si tita andito ?

Kapit siya ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan.

"Ellesse?" Tawag niya sa akin.

"Hayop ka talaga Robert! Napakawalang hiya mo." Bulyaw niya rito.

"Antayin nating lumabas si Alice para sa isang malaking rebelasyon." Ani nito kasabay ng isang malakas na halakhak.

"ALICE" tawag nito.

"Matagal ng hindi ginagamit ni Alice ang katawan ko." Ani ko sa kanya.

"Hindi ako naniniwala sayo Ellesse. Alam kong darating siya." Ani nito.

Biglang lumakas ang hangin.

Nagpatay sindi ang ilaw.

Bakas kay Robert at sa dalawa nitong kasama ang takot.

"DAD! STOP THIS!" Ani ng isang pamilyar na boses.

"Allyson?" Sigaw ni tita.

"Kasabwat ka din ba nila?" tanong ko.

Bakit madungis siya at may mga sugat sa ulo.

May mga dugo din siya na natuyo na.

Lumapit siya sa akin at hindi nagdalawang isip na kalagan ako at si tita.

"Don't stop me Allyson." Ani ni Robert.

"But dad, look at them nasasaktan mo na sila." sambit naman ni Allyson.

Muling lumapit sa akin si Allyson at bumulong.

Nagulat nalang ako sa binulong niya sa akin.

"Now run!"

Tumakbo na kami ng mabilis ni tita.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil sa lawak ng abandonadong building na ito.

Sinunod ko lang ang bulong sakin ni Allyson.

Hinahabol kami ng dalawang lalaki na kasama ni Robert.

Napahiwalay sakin si tita.

Nakarinig nalang ako ng isang malakas na putok ng baril dahilan upang mapasigaw ako at magtago.

"Sino kaya ang tinamaan ng putok ng baril na iyon."

(Alice POV)

Hindi ko alam kung bakit napunta ako bigla sa katawan ni Allyson.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon