CHAPTER 2

1K 27 1
                                    

(Ellesse's POV)

"Lola, nakakatakot! Si Alice po iyon. Siya iyon lola! Siya yung nasa panaginip ko." sambit ko kay lola habang patuloy na sa pagpatak ang luha ko.

"May gusto syang sabihin sayo apo! Humihingi siya ng tulong sayo." Sagot naman ni lola.

"Ayoko! bakit sakin pa? Madami naman iba dyan lola! Ayoko! Hindi ko kaya." Sagot ko habang patuloy sa pag iyak.

Noong araw ding iyon ay hindi ako pumasok. Nagkulong lang ako maghapon sa kwarto ko. Natatakot na ako lumabas. Natatakot na akong matulog! Agad akong pinuntahan ni Keizi sa bahay after ng klase nya.

Doon ko ikwenento sa kanya lahat ng nangyari sakin. Pinilit ko si Keizi na sa bahay na matulog. Sabay na kami pagpasok kinabukasan..

Hindi ako nanaginip man lang! Maayos akong gumising at nakarating ng school kasama si Keizi.

Habang naglalakad kami ay may nabunggo akong isang estudyante.

Matagal akong nahinto at napatunganga.

Si Alice! Si Alice yung nabunggo ko!

"Hoy! Ikaw? Hoy bitch!"

Bumalik ako sa aking ulirat ng biglang may sumampal sakin.

"Hoy! Bitch! watch your step okay?" Mataray na sambit ni Allyson.

Si allyson pala yung nabunggo ko! Namalik mata ba ako?

Si Allyson. Kaklase sya ni Alice! Mataray at Mayaman. Kayang bilhin ang lahat. Madaming Alalay na kaklase nya. Kilala sya dahil sa pera at yaman ng mga magulang nya. Isa ang Dad nya sa nagpapalakad ng school na'to kaya she can do whatever she wanted to do! Katulad ng pagsampal nya sakin kanina.

"Ouchhhh! Ang sakit nun ah!" Napahawak ako sa pisngi ko.

Nakaalis na sila allyson bago ko pa naramdaman yung hapdi ng sampal nya.

"Hmmmm ako nanggigigil na dyan sa bruha na yan e. kunti na lang." Gigil na sambit ni Keizi.

"Ay naku! huwag na nating patulan baka mapatalsik lang tayo dito sa school." Sagot ko naman.

Matapos ang klase namin ay agad akong umuwi.

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa amin ay biglang may tumigil na kotse sa gilid ko.

Dahan dahan na bumaba ang window ng kotse.

"Hey Look at her guys, she really looks like a monster!" Bulyaw ng isang mga babae na nakasakay sa kotse.

I knew it. Sila allyson kasama ang mga kaibigan nya.

"She's so damn ugly right?" banat naman ni allyson.

Nagtawanan silang lahat ng nasa loob. Apat na babae at tatlong lalaki sila. Natandaan ko lahat ang mga mukha nila. Lahat sila ay kaklase ni Alice.

Lumabas si Allyson mula sa kotse. Bahagya siyang lumapit sakin at ibinuhos ang alak na nooy tinutungga nya lang kanina.

"Next time, Alamin mo ang lugar mo sa school natin okay? Ellesse? Dahil kung hindi mas malala pa gagawin ko sayo dyan." Pagbabanta nya sakin.

Umalis din sila agad matapos gawin sakin iyon ni Allyson. Dinig na dinig ko pa din ang malasatanas na tawanan ng grupo nila.

Basang basa ang mukha ko pati na din ang uniporme ko.

Hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Ano ba naman ang laban ko sa kanila.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Umihip ang malakas na hangin dahilan upang mas lalo ko pang bilisan ang pag lalakad.

Nararamdaman kong parang may sumusunod sakin.

Akmang tatakbo na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ellesse"

Boses lalaki. Hindi ko muna siya nilingon bagkus ay nilakihan ko ang mga hakbang ko.

"Ellesse"

Muli niyang tawag dahilan upang matigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko na sya this time.

Si Anton pala.

Matagal na nangliligaw sakin si Anton. Pinahinto ko lang pero hindi talaga sya tumitigil kahit pa sinabi ko ng ayaw ko muna magpaligaw.

"Kanina pa kita sinusundan. Nakita ko ginawa sayo ni Allyson." Ani niya.

"Okay ka lang ba?" Dugtong pa niya na ramdam ko ang sinsiridad ng kanyang tinig.

"Ahh O-Oo Oks lang ako!" Sagot ko naman.

"Pasensya na huh. Di kita naipagtanggol." sambit niyang muli.

"Naku okay lang yun. Mas mabuti na din yun para hindi ka na masama sa gulo ko." Muli kong sagot.

"Hatid na kita?" Alok niya sakin.

Hindi ko na sya tinanggihan.

Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang bahay.

Agad din siyang nagpaalam sa akin at tinungo ang daan pauwi sa kanila.

"Oh ano nangyari sayo apo bakit basang basa ka?" Tanong ng lola ko habang hinahaplos ang mukha ko.

"Ah wala lang ho ito lola. Huwag nyo nalang pong pansinin." sagot ko naman.

"Oh hala sige, kumain kana sa kusina may inihanda na ako doon." Alok niya sakin.

Niyakap ko si lola ng napakahigpit at nagpasalamat.

"Salamat lola huh ang swerte, swerte ko talaga sa inyo."

Pagkatapos ko kumain. Umakyat na ako agad sa kwarto ko upang magpahinga.

Kakaiba na naman ang pakiramdam ko na parang may kasama ako sa kwarto ko.

Umiihip ang malamig na hangin. Kasabay nito ang paggalaw ng mga kurtina sa bintana ko.

Bago ko tinungo ang bintana upang sarhan ito ay inilapat ko sa kama ko ang cellphone ko.

Pagkatapos ko sarhan ang bintana ay agad ko itong binalikan subalit wala na ito sa pinatungan ko kanina.

Hinanap ko ito hanggang sa nag ring.

"Krrriiiinggggg! Kringggggg!"

Nagmumula ang tunog sa ilalim ng kama ko.

Dahan dahan akong lumuhod at sinilip ito sa ilalim.

Agad ko itong pinulot at sinagot ang unknown number na tumatawag.

"Hello, si-sino to?" Mautal utal kong tanong sa nasa kabilang linya.

"Tulungan mo ko Ellesse!" Sagot naman sakin ng nasa kabilang linya.

Dahilan upang mabitawan ko ang cellphone ko.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon