CHAPTER 8

685 27 0
                                    

(Ellesse's POV)

Gusto ko ng kumawala sa lugar na ito! Gusto ko na agawin ang katawan ko kay Alice.

"Alice magpakita ka sakin"

"Nagmamakaawa ako! Gusto ko ng makita ang lola ko."

"Palabasin mo na ako! Pleaseeee"

Paulit ulit kong sigaw.

Maya maya ay nakakita ako ng liwanag.

Tinungo ko ito at pinasok.

---------

Agad akong bumangon sa pagkakahiga.

Tiningnan ko ang buong paligid.

Nasa kwarto ako, nasa kama ko ako bumangon.

Nakabalik na ako sa katawan ko.

Ibig sabihin ba nito di na ito ulit mahihiram ni Alice?

Agad kong tinungo ang salamin at tiningnan ang sarili ko.

Napaiyak nalang ako sa saya.

Tinungo ko ang lola ko.

Nakita kong naghahanda sya ng almusal namin.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit at umiyak.

"Ano ka ba apo? Magkasama naman tayo palagi kung makayakap ka naman sakin?" sambit ni lola.

"May sasabihin po ako. Huwag po kayong magugulat. Pero nitong mga nakaraang araw po ay hindi po ako ang kasama ninyo dito sa bahay kundi si Alice." Paliwanag ko.

Nakita kong labis ang pagtataka ni Lola.

"Nararamdaman ko apo. pero paanong nangyari na nakuha nya ang katawan mo? Paano ka nya nasaniban?" Sunod sunod na tanong ni Lola.

"Mahaba pong kwento pero kaylangan ko po malaman kung ilang araw ako nawala at ano ang mga nangyari habang si Alice ang nasa katawan ko." Paliwanag ko ulit.

Matapos akong mag-almusal ay agad akong naghanda para sa klase ko.

Pagkalabas ko ng gate ng bahay bumungad sakin si Anton.

"Good Morning Labs." Bati nya sakin.

Siraulo ba to?

"Oh ayan sinundo na kita ah, Although it was our first day gusto ko magpaka romantic." Dugtong pa nya.

"Pinagsasabi mo?" Maarte kung tugon.

"Nakalimutan mo na agad? Sakit naman nun labs. Diba you said Yes already yesterday?" Pagpapaliwanag nya.

"WHAT?" Gulat kong tanong.

"Anong what? di mo talaga maalala?" Tanong nya ulit sa mahina at malungkot na boses.

Ibig sabihin ba nito sinagot sya ni Alice ? But why ?

Ano ba pinaplano ni Alice bakit pati si Anton idadamay nya?

"Oo na, naalala ko na! Binibiro lang kita." Pagpapalubag ng loob ko kay anton.

Totoo ba ito? Boyfriend ko na sya? E hindi pa ako handa sa ganito. Gwapo naman si anton e. Malakas ang appeal. Matalino at Gentlemen. Pero hindi ko pa talaga nais na pasukin ang pakikipag relasyon. Pero mukhang wala na akong magagawa kaylangan ko lang sakyan ang gusto ni Alice sa ngayon habang hindi ko pa sya nakakausap dahil baka anong gawin nya sa mga importanting tao sa buhay ko.

Pagdating namin sa school agad na sinalubong ako ni Allyson.

Sinabuyan nya ako ng ketsup sa buong katawan.

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon