CHAPTER 6

747 23 1
                                    

(Alice POV)

Gabi ng makauwi ako.

Sumalubong agad sakin ang lola ni Ellesse.

Agad kong naisip na baka nahalata nya ako kanina dahil mommyta naitawag ko sa kanya.

"Kamusta po lola." Bungad ko sa kanya.

"Ikaw ang kamusta? Hindi ka man lang nag paalam sakin kanina na aalis ka pala? E san ka ba nanggaling?" Sunod sunod niyang tanong.

Nababakas ko na napakabait ng Lola ni Ellesse. Napaka swerte nya sa lola nya. Unlike to my mommyta. She passed away na hindi ko man lang naranasan mayakap nya. Just like anybody else. Hindi din nya ako gusto.

"May pinuntahan lang po ako lola." I replied.

"Okay. Kumain kana at magpahinga maaga ka pa bukas."  Paalala nya.

"Okay po lola. Salamat po." sambit ko naman.

Bago ako umakyat ng kwarto ay hinalikan nya muna ang noo ko at tsaka nag goodnight.

Ngayon ko lang naranasan yun dahil never kong naranasan sa lola ko iyon.

Ang saya ko! Sobrang saya ko na nakabalik na ako!

I took a shower before I go to bed.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Pahiram muna ako ng katawan mo Ellesse. Im so sorry!" Bulong ko sa sarili ko.

Hinaplos ko ang mukha ko.

Nakikita ko din ang sarili ko kay Ellesse.

Maganda sya. Maputi, Makinis, matangos ang ilong mapula ang mga labi at mahaba ang pilik.

Sakto para magamit ko sa paghihiganti ko.

Simula bukas.

Babalikan ko lahat lahat ng taong maaring maging isang suspect sa pagpatay sakin.

-----------

Agad akong nagising dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko.

Bumangon ako bigla. Tiningnan ko schedule ni Ellesse.

7;30 ang pasok nya ngayong araw

7;05 na ng magising ako.

Dali dali akong nag ayus at hindi na kumain.

"Mauuna na po ako lola." Paalam ko sa lola ni Ellesse.

7;45 ng makarating ako ng school.

Okay 15 minutes late.

Maaring dito ko mahanap sa school ang mga nagpapatay sakin.

Nagmamadali ako ng makita kong tinititigan ako ng mga kaibigan ni Allyson. Kasama din nila si Allyson. Tinatawanan nila ako. Hinanap ko classroom ni Ellesse.

Alam kong nasa first floor lang sya dahil noon pa man madalas ko na din syang makita.

Bago lahat sa akin. Wala akong kahit ni isang kilala sa classroom na iyon.

"Psst hoy! maupo kana dito!" Tawag sakin ng isang babae.

Tinabihan ko sya sa upuan.

Una kong hinanap ang name nya sa I.D.

"AHH Keizi pala name nya." In my mind.

"Asan na yung pinagagawa ko sayo?" Tanong nya sa akin.

Hindi ko alam isasagot ko kaya naman sinabi ko nalang na after nalang ng class.

(Keizi's POV)

Dumating si Ellesse ng late sa school ? Seryoso ? e lagi nga syang nauuna sakin e.

At mukhang hind sya normal. Ano bang nangyayari sa kaibigan ko.

Tinawag ko sya agad dahil hindi nya alam kung saan sya pupunta that time.

Pinatabi ko sya sakin. E lagi naman kami magkatabi kulang na nga lang magkapalit kami ng mukha.

Tinanong ko sya kung asan na yung pinagagawa ko sa kanya pero after nalang daw period nya yun ibibigay.

Hindi sya mapakali. Hindi sya nakikinig sa discussion. Para bang balisa at may hinahanap.

"Hoy! Ano ba tinitingnan mo sa labas?" Tanong ko ng pabulong sa kanya.

"Ay naku wala, wag mo na ako pansinin." Ang tanging sagot lang nya.

Pagkatapos ng klase namin ay agad nya akong hinila paakyat ng second floor.

"Ano ba ellesse, ano na naman gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya na may halong takot.

"Basta sumunod ka nalang!" Sagot naman nya.

Nakakapanibago talaga this time. Parang hindi sya si Ellesse.

Pag aktay namin ay tinungo niya ang classroom nila Allyson.

"Hoy! nababaliw kana ba ? Ano gagawin natin dyan?" Tanong ko ulit sa kanya.

Hindi sya umiimik at nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

Nang marating namin ang classroom nila Allysson walang kahit ni isang estudyante.

Bakit parang alam nya na walang klase ang classroom na ito ng ganitong oras?

Nakita ko siyang pumasok at may inilagay sa bag ni Allyson.

"Dalian mo na baka maabutan nila tayo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi nila tayo maabutan." Kalmado niyang sabi.

Agad kaming bumaba ng mabilis.

This time ako na humihila sa kanya.

"Magsabi ka nga sakin. Ano ba pinaplano mo? Bakit si Allyson?" Tanong ko sa kanya.

"You'll find out soon." Sagot nya.

Aba ? Iniingles ba naman ako?

Sino ka ba ? Si Ellesse ka ba talaga?

ALICE; A RAPE VICTIM STORY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon